JOHN LLOYD CRUZ...KUMUSTA NA ANG KOOLITS?





IISA nga yata ang katanungan ng marami ngayon, nasa loob o nasa labas man ng showbusiness, nasaan na raw ang grupo ng Koolits? At once na tinanong naman ang isa man sa Koolits tulad ni JOHN LLOYD CRUZ, naroon pa rin ang pang-asam sa kanila. Ang pagtatanggol sa nabuong grupo nila.

"Kasi madalas na sinasabi sa amin na hindi na raw kami kasing-popular tulad noong dati. Ang paniniwala ko naman diyan, paano naman mangyayari 'yun, ganoong kung sinasabi nga nila na popular na kami dati at may mga nakakailala na sa amin, puwedeng mawala at hindi na kami makilalaa no'ng mga taong 'yun.

"Ang tingin ko pa nga, mas dumarami pa ang nakakakilala sa amin ngayon. Siyempre, habang tumatagal mas nadaragdagan dahil mas dumarami na 'yung nakakapanood sa amin. Kung dati ilang lang, ngayon, mas nadagdagan pa," panimula ngang pagtanggaol no John Lloyd.

Anyway, kumusta na nga ba ang Koolits, nasaan na nga ba ito?

"Naandiyan pa rin naman. Hindi pa naman kami mawawala. Kasi, ganyan talaga ang plano sa amin ng Talent Center. Kumbaga, hindi raw muna kami masyadong ie-expose. Tapos, 'pag malapit na sigurong ipalabas 'yung movie namin, 'yung Prom Night, that's the time na madalas na naman kaming lalabas at mapapanood.

"Kasi, parang inaano nila na kapag palagi kaming napapanood on TV, ang tendency, nale-lessen na ngayon kapag sa movies. Kaya para magkaroon naman daw ng kaunting mystery. Hindi naman mawawala ang Koolits. Ganoon lang talaga ang ginagawa, at saka, kapag may pagkaaktaon naman, napapanood pa rin kami sa ibang shows ng Channel 2."

Pero, ano naman kaya ang masasabi nila na heto't may panibago na naman daw ibini-build-up ang Dos. Another group na mala-Koolits ang dating at mas younger version nila?

"Sabi n'yo nga, mas younger version namin. Kaya walang problema roon. Siyempre, hindi lang naman kami ang ipu-push ng Channel 2 at saka papasikatin. Siyempre, marami rin silang talent.

"At saka, dapat lang naman na pasikatin din nila 'yung iba nilang talent. Okey lang sa amin 'yun. Kung papaano kami sinuportahan dati noong ibang mas nauna na sa amin, ganoon din siguro 'yung ibibigay naming support sa mga mas baguhan pa sa amin," cool na cool pa ring pahayag ni John Lloyd na may bagong mini-series na ipapalabas.




[ B A C K ]
1