RICO...HOW'S JUDAI?





TUMIPAK nang husto sa takilya ang pelikulang Kay Tagal Kang Hinintay kung saan ang loveteam nina RICO YAN at JUDY ANN SANTOS ang ibinenta. Ngayon, kayang-kaya na kayang magdala ni Rico ng solo movie?

"Honestly, hindi pa. There are many things na dapat ko pang patunayan para sa sarili ko. For me, eh, hindi pa ako handa for a solo movie. Nakakatakot din kasi, di ba? Pero siyempre, sino ba ang hindi nangangarap na sana, eh, mabigyan tayo ng solo movie, di ba? Kumbaga, sino ba ang hindi matutuwa niyan na isang araw eh, mapanood mo ang sarili mo na ikaw ang bida sa pelikula, di ba?

"But honestly, para sa akin, eh, hindi ko pa talaga kaya 'yan. Tama na siguro muna sa ngayon ang mga ginagawa ko. And later on, eh, malalaman din naman nating lahat 'yan kung ready na tayo para sa bagay na 'yan, 'di ba? For me, naman, eh, hindi dapat madaliin 'yan, eh. Darating nang kusa 'yan. I mean, nasa mga taong namamahala ng career mo ang desisyon, 'di ba? And I know naman na sooner or later, eh, darating din naman sa atin 'yung solo movie na inaasahan nila sa akin. For now, kontentong-kontento na ako sa takbo ng career ko," sambit pa rin ng sikat na young actor.

Sa pagbabalik ni Rico ay tatapusin na niya ang naumpisahan na rin niyang pelikulang Gimik, The Reunion at isusunod niya agad ang pelikulang pagsasamahan nilang tatlo nina WOWIE at JUDAI. Isa itong love triangle movie na Valentine's presentation ng Star Cinema. Tuwang-tuwa rin siyempre si Rico dahil sa dalawang pelikulang gagawin niya ay parehong si Judai ang makakasama niya.

"Akala ko kasi, noon, after the movie Kay Tagal... eh, medyo matagal pa kaming magsama ulit ni Judai sa movie. Pero dito ulit sa Gimik... eh, kami ulit ang magka-partner. Mabuti na lang, eh, nagawan ng paraang maisingit sa schedule niya. Kumbaga, kumpleto na kami.

And speaking of Judai, inamin ni Rico na isang very special person para sa kanya ang dalaga. Hanggang doon lang ba 'yun?

"Well, Judy Ann will always be a special lady and a special person in my life. But still I don't know kung hanggang saan makakarating ito. Si Judai kasi, eh, very down-to-earth. She is also a sweet girl at napakabait pang tao. Hindi mo maramdaman sa kanya 'yung feeling sikat na siya. Hanggang sa ngayon, eh, abot na abot pa rin siya ng lahat. No wonder na maraming mga fans ang talagang umiidolo sa kanya," papuri pa rin ni Rico.

"Nakita kasi nila ang pagiging totoong tao ni Judy Ann. Hanga sa kanya ang mommy ko, ang buong family ko. They like her sa pagiging sweet niya to everyone sa kabila ng kasikatan niya.

"Kilalang-kilala na namin si Judai, way back pa nu'ng nagsisimula pa lamang ako. And I can say na hindi siya nagbago all these years na magkakilala kami. 'Yung friendship namin, eh, lalong tumatag at alam kong mananatiling nandu'n no matter what.

"Magkasama man kami o hindi sa movie at kahit na medyo matagal din kaming hindi nagkakita-kita, still, hindi basta-bastang mabubura ang pagiging magkaibigan naming dalawa," pagtatapos pa ni Mr. Rico Yan.




[ B A C K ]
1