HIGH SCHOOL LIFE, OH MY HIGH SCHOOL LIFE...
JOLINA MAGDANGAL
"Ay sobrang saya naman talaga ang high school days, 'di ba?
"Ako, masaya ang experience ko that time although minsan nakaka-tense din
kapag exams na. Sa Colegio de San Jose ako nag-aral. Marami rin akong naging
kaibigan. Hanggang ngayon, we still get in touch kahit hindi na kami gaanong nagkikita.
Siyempre, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng crushes, 'di ba? Kilig 'yun, eh.
"Malungkot lang kapag graduation na, emote kasi 'yung ganoon, eh. Super iyakan kayo ng
barkada, bigayan ng mga remembrance. 'Yung stuff life that ba. Pero one thing I learned
sa stage of life kong 'yun is simply to move on. Hanggang ngayon, eh, napapangiti ako
kapag naalala ko ang mga 'yun. Masaya naman kasi talaga eh."
DOMINIC OCHOA
"Ahhh, 'yang high school days ko, talagang sobrang enjoy ako niyan. Mala-adventure ang
dating eh. Kasi it's oe time in your life where you seem to want to try on new things.
'Yung girls, sex, inuman, lahat na. Pero siyempre I would say na it's just a stage of life
na eventually, eh, naa-outgrow mo rin. Sa Coelgio de San Agustin ako nag-high-school, in
Dasmarinas Village. Masaya siya tapos may naging girlfriend pa ako roon. Hanggang ngayon,
kapag may get together kami, we still get in touch, kumustahan.
"Masaya kasi ang part na ito ng buhay natin, eh, you experience some things and it's where we
learn more. Sana nga, 'yung fun na naranasan ko, eh, mangyari rin sa teens natin kasi it's
something na you'd still remember kahit saan pa kayo makarating. At siyempre, keep the
friends that yu've had way back."
NIKKI VALDEZ
"Ay, sobrang saya 'yung high school days ko. Sa San Agustin-Binan ako nag-aral.
Taga Laguna nga kasi ako, di ba? nakaka-miss din 'yung mga araw na gumigising ako
nang maaga for school, 'yung kulitan ninyo ng classmates mo, tapos nariyan 'yung barkada.
Ako noon, 'yung gimik namin besides school, eh, nagi-stay kami sa house ng isang friend
namin. Tapos magluluto lang kmai ng sitsirya. Minsan, nood ng sine. Pinapayagan
naman ako ng parents ko dahil kilala naman nila ang mga kaibigan ko at may tiwala naman
sila sa akin.
"At siyempre, I had crushes din. Pero there's someone na naging puppy love ko.
Ang cute nga, eh. Parang mutual understanding ang nangyari na eventually, nawala rin.
Pero masaya. Well, I only have good memories sa high school life ko. Sana kayo rin."
CARLOS AGASSI
"Masaya ang high school days ko. Sa OB Montessori ako nag-aral. It was fun, barkada,
exams, kalokohan. Lahat ng 'yan naranasan ko. At siyemre, nariyan 'yung crush mo.
Dito ko rin nakilala si Angelika, who was really a head-turner sa campus namin.
Okey 'yun, tambay sa McDo, sa bahay ng barkada. Ibang klase ang bonding na nae-establish mo
with your friends."
[ B A C K ]