WHAT HAPPENS NEXT AFTER THE LOVE IS GONE?
RICA PERALEJO
"Medyo mahirap ang ganyang situation kasi sarado ang puso ng taong sobrang
nasaktan. Hindi rin naman natin sila masisisi, 'di ba? Pero if ever na nasa
sitwasyon akong kunwari I fell in love sa taong medyo deadma dahil sa past niya,
I'd still go on loving him. I'll teach him how to love again. Mahirap, pero
kakayanin ko lalo pa kung napamahal na rin siya sa akin. Pero if time comes at
sabihin niya sa akin na useless ang lahat ng efforts ko dahil hindi niya ako kayang
mahalin, eh, 'di goodbye na.
"Pero kung ang sitwasyon naman, eh, sa akin mangyari ang ganyan, I'd still give
myself a chance to be happy. Kumbaga, I'll just have to be prepared for the
worst, but hope for the best, 'ika nga. Malay mo naman kung sa kanya na pala
ako liligaya, 'di ba? But of course, it takes time."
MYLENE DIZON
"If ever may nangyari sa akin na somewhat traumatic na, kunwari eh, sobrang
tagal na namin nu'ng guy tapos wala rin palang kinauwian, hindi pa ako handang
magmahal uli siyempre especially kung traumatic ang epekto sa akin ng aming
paghihiwalay. But of course, it won't be for long. I'd be willing to love all
over again pero I have to get over the trauma first. Kasi it would be unfair
para roon sa taong handang mahalin ka uli tapos madadamay lang siya sa pagiging
traumatic mo. Kasi you're not over it pa, eh. So before kayo magmahal uli nang
totoo, be sure that you're ready para hindi naman maging shock absorber lang 'yung
taong 'yon.
"If I happen to love someone naman na traumatized sa past affairs niya, hihintayin
ko na lang na makawala siya sa traumang 'yun. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili
ko. I could go on, I could stop loving him. Depebde rin sa akin. 'Yun lang."
JOLINA MAGDANGAL
"Kung sa akin mangyari 'yung ganoon eh, I'll wait for the time na wala na ang
trauma ko roon sa past relationship ko kunwari. Kasi magiging unfair lang ako
sa isang tao kung bigla ko namang tatanggapin siya or what. Madadamay lang siya'
lalo na kung hindi ko pa nakakalimutan 'yung past. Pero, oo naman, ah. I'll give
myself another chance. Ayoko namang sayangin ang buhay ko just because nagkaroon
ako ng masakit na experience sa past, 'di ba? Pero pinaghahandaan kasi 'yan, eh,
para maging maayos na uli ang lahat.
"What if 'yung guy na labs ko naman ang nagkaroon ng takot na magmahal uli? Hindi ko
siya pipilitin, pero ipaparamdam ko sa kanyang nandiyan ako for him. Kung ayaw niya,
huwag. Hindi kasi maganda kung ipipilit mo ang isang bagay kung hindi para sa 'yo
eh. Pero if time comes at ready na siyang magmahal uli, at nandiyan pa rin ako, I'll
prove na I'm worthy enough to be loved. Mahirap kasing ipilit ang isang bagay lalo
pa kung sarado ang puso ng taong pinakikitaan mo, eh."
DOMINIC OCHOA
"Ahhh, hindi ko hahayaan ang sarili kong ma-trauma dahil lang sa isang failed
relationship. Although at first siguro naron 'yung feeling na kakabahan ka to
fall again, pero hindi 'yung isasarado mo na ang puso mo. Ikaw kasi ang talo
kapag pinairal mo 'yang traumatic effect na 'yan. Isipin mong you also deserve to
be happy. Pero kapag 'yung girl ang takot nang magmahal uli dahil nasaktan siya
nang husto kunwari eh, I'd let her know na hindi ko magagwa 'yon sa kanya. Na
hindi lahat ng relasyon, eh, puro sakit ng ulo ang binibigay. I'll let her
realize na it's worth another try. Ngayon, kung lahat ng 'yan eh, ginawa ko na
at ayaw pa rin niya, wala na akong magagawa kundi intindihin ang desisyon niya.
Pero kung sa akin mangyayari 'yan, I'd give myself another chance.
"Masarap yata ang manuhay na may nagmamahal sa 'yong tao. It's hard pero ganoon
'yun, eh. Wala namang sigurado sa isang relationship unless you guys work it out."
[ B A C K ]