TIME IN A BOTTLE
RICA PERALEJO
"Every Christmas and New Year. Nagkakaroon kasi kami lagi ng parang reunion every year
na 'yung kapatid ko, mga pamangkin, kamag-anak, nagkikita-kita at nagsasama-sama. Grabe,
ang gulo sa bahay pero ang saya-saya."
MARVIN AGUSTIN
"Nu'ng napasok ako sa showbusiness and my career is doing great. Open naman sa lahat
ang naging buhay ko, 'yung paghihirap na pinagdaanan ng pamilya ko. Ngayon maganda
na ang nangyayari sa career ko, nakakapag-save, napag-aral ko na ang pamangkin kong
si Taptap, sobrang happy na ako ru'n.
"Sana hindi na matapos 'yung blessings. Ngayon napatunayan kong nakaplano ang
lahat ng nangyari sa akin. Mula pa sa simula hanggang sa kung ano ang nangyari
sa akin sa ngayon."
JOLINA MAGDANGAL
"Marami, pero siguro isa sa nangyari sa akin na naging sobrang saya ko ay nu'ng ako
ang napiling maging National Youth Advocate. Ang sarap ng feeling na sa dinami-rami
ng pinagpiliang artist, ako 'yung napili nila. It's really such a big honor."
DIETHER OCAMPO
"Nu'ng napasok ako sa showbiz at nagkaroon ako ng sariling lugar na 'di ako nakikitira,
'yung place na masasabi kong akin. Ang sarap ng pakiramdam na nabibili mo ang gusto
mo na galing mismo sa perang pinaghirapan mo. Nakakatulong ka sa family mo, napag-aaral
'yung mga kapatid mo."
JOHN LLOYD CRUZ
"Actually simple lang naman ang nangyari noon, it all happened nu'ng 1995 at umuwi kami
sa Nueva Ecija. Buo kasi ang pamilya nu'n na bibihira mangyari. Kumain lang kami
nang sabay-sabay, kuwentuhan. Napakasimple pero sobra ang ibinigay na
happiness sa akin."
KAYE ABAD
"Nu'ng nabalitaan ko na nominated ako sa Asian Best Actress For Television. Kasi 'yung
sabihan ka nga lang na ang husay-husay mo sa isang role na ginampanan mo, masaya ka na,
'yun pa kayang ma-nominate ka as Best Actress sa buong Asia pa? Sobrang proud ako
and this will serve as a challenge para mas pagbutihan ko pa ang acting ko."
CARLOS AGASSI
"Yung kauna-unahang commercial na ginawa ko. Ang sarap ng feeling na makikita mo
'yung mukha mo sa screen endorsing one product. Na sa dinami-rami ng nag-apply, isa ka
sa napili. Halos lahat nga ng kaibigan ko nu'ng sinasabihan akong panoorin ako."
[ B A C K ]