PATRICK --- HOW'S THE 'SUSPENSION' ?





POSITIBO pa rin ang pananaw ng sikat na young actor na si PATRICK GARCIA na kahit na six weeks siyang under suspension ay hindi naman daw 'yun magkakaroon ng epekto sa career niya. Kahit na pansamantalang wala muna siya sa programang Richard Loves Lucy at Gimik ay tuloy pa rin ang taping niya sa Mula Sa Puso.

Pero sumama raw ang loob ni Patrick sa mga big bosses niya sa Channel 2 dahil dito.

"No, it's not true. What they have given is just a sort of reprimand para doon sa maling nagawa ko. And since they are the boss, may karapatan silang gawin ito. Ilang weeks lang naman ito, 'di ba? And kahit na hindi muna ako mapapanood sa Gimik at Richard Loves Lucy, eh, visible pa rin naman tayo dahil makikita pa rin naman nila tayo sa Mula Sa Puso."

Maraming nakakapansin na medyo humihina na ang popularidad ni Patrick. Aware ba siya tungkol dito?

"Siyempre kaya nila siguro nasabi 'yan dahil more than a month din naman na nagbakasyon ako sa Amerka 'di ba? Lahat naman siguro ng personalities, eh hindi naman sa lahat ng oras, eh laging on top ang career nila. Kumbaga, may panahon din na medyo mahina tayo."

"And for me, to maintain one's popularity is a difficult task. Hindi ko pa naman masasabing sikat na talaga ako eh. Kumbaga, hindi ko pa nararating ang gusto ko talagang marating. For me, as long as ginagawa ko ang gustong ipagawa sa akin at sinusunod ko ang mga iniutos nila sa akin, then I have nothing to worry."

Meron daw umiiral na favoritism sa Talent Center kaya hindi na siya ang paboritong alaga nila?

"Wala naman akong napapansing may nangyayaring favoritism, eh. For me, ginagawa ko lang ang anumang pinagagawa nila sa akin.

"Kumbaga, when they need me at meron akong project sa kanila, I'll just attend to it. Hindi na ako 'yung tanong nang tanong kasi I know naman na hindi sila nagbibigay ng project na alam nilang hindi bagay sa akin at mapapahamak lang ako," pagtatapos pa ni Mr. Patrick Garcia.




[ B A C K ]
1