THE TIME I ALMOST QUIT MY JOB...







JOLINA MAGDANGAL
"Mula Ang TV days ko hanggang mid of 1998 ay maganda naman ang trabaho. Nito na lang ang nagkagulo. Ang sama-sama ng loob ko na pati magulang ko na walang ginagawa ay idinadamay nila sa intriga sa amin ni Marvin Agustin. Ang ganda-ganda ng pakikitungo ng pamilya ko kay Marvin pero ang naglalabasang balita, parang napakasama ng mga parents ko. Bago pa ipalabas 'yung movie hanggang ngayong ilang buwan na ang nakaliapas after it was shown, eh, kami pa rin ang binabanatan ng press. Nakakainis talaga. Tantanan n'yo na kami. Ganito ba talaga ang kalakaran sa trabahong ito? Ang sakit-sakit naman."

MARVIN AGUSTIN
"Siguro ito 'yung time na nagkakasabay lahat ang mga bira sa akin. Nandiyang may ng mude photos at betamax tape ako. Nataon din na nalaman ng publiko 'yung tungkol sa daddy ko. Ang sama-sama ng loob ko kasi parang ito pala ang dapat kong pagdaanan para lang mabigyan ng chance na magkapangalan. Ilang gabi rin akong hindi mapagkakatulog dahil sa mga issue'ng 'yan."

JUDY ANN SANTOS
"Sa lahat ng mga intrigang naipukol sa akin, isa lang 'yung ininda ko nang husto. Ito 'yung tungkol 'yung kina Mommy at Tito Alfie. Inis na ako sa showbiz nu'ng mga panahong 'yun. Bakit kailangan kong maghirap nang ganito? Tama bang pamiliin ako sa taong nagsilang sa akin at sa taong tumulong sa akin? Ang feeling ko that time, naipit ako sa mga nag-uumpugang bato. That time, feel ko nang mag-quit. Pero naayos din naman. kaya nandito pa rin ako."

RICA PERALEJO
"Nu'ng mga una naming pairing ni Bojo Molina napagbibintangan akong nang-aagaw ng ka-loveteam. Na hindi naman totoo. Nagkataon lang na kami ang gustong pag-partner-in ng Talent Center. Nandiyang, I was branded na naninira ng career ng may career. Another time ay mga pagkakataong feeling ko aping-api ako but I can't speak my mind. Madalas nababaligtad ako. Masakit 'yun."

MYLENE DIZON
"Hate na hate ko sa work na ito ay 'yung kahit anong pagod mo, you have to smile and wave to everybody. Hello, tao lang naman ako. Ang press naman they expect us to know them by name which is so hard on my part. Eh, kung mga staff nga ng ASAP, tatlong taon na kaming magkakasama, may mga nakakalimutan pa rin akong pangalan, sila pa kaya na hindi ko regular na nakikita?"

RICO YAN
"Ang kinaiinisan ko ay 'yung time na ang daming naglalabasang balita tungkol sa akin na hindi man lang ako kinausap. Tipong they are putting words into my mouth. It's fine kung maganda ang mga sinasabi ko but the thing is, parang inaaway ko 'yung mga co-stars ko. If they want to propel a certain person to stardom, huwag naman sanang at my expense. Nakakainis kasi."





[ B A C K ]
1