Kups Lyrics By: Poeticprose Music By: Poeticprose Date Created: October 1998 I Sinet mo ang alarm para magising ka ng maaga Tinapat mo pa sa mukha at malapit sa yong tenga Ngayon umaga na hindi ka pa rin gumagalaw Mataas na ang sikat at ang sinag ng araw II Sa pagmamadali almusal mo ay nalimot na Ang tren papaalis na kaya late na naman sa opisina Pagpasok sa opisina kunyari ay walang nakakita Patay malisya, dumiretso sa yong mesa Refrain Hoy KUPS , ka talaga Hoy KUPS , ka talaga III Leyt na nga sa umaga kung magtanghalian ay ang haba pa At kapag uwian na wala pa sa oras lalarga ka Ang pinoproblema ay ang yong hahapunanin Kasi di marunong magluto ng tunay na pagkain IV Iyong iniisip kung MakDonalds ba o Pitsa Hat Pero sa sinigang at sa munggo ikaw ay atat na atat Kaya sa groseri dumiretso para bumili ng mga sangkap Pero ng naluto mo na ito kahit ang aso mo ayaw kumagat Refrain Hoy KUPS , ka talaga Hoy KUPS , ka talaga V Habang namamalansta, sa tibi nakatutok ang yong mata Bukas na nga ang vidyo may balak pang makinig ng radyo Hindi inaasikaso ang hugasan na plato't baso At umaalingasaw ang basura sa kusina mo. VI Magmamadaling araw at mukhang hindi ka pa bibitaw Sa teleponong hawak mo, mukhang hindi ka pa aayaw Sa pakikipagusap sa babaeng yong sinisinta Kaya sigurado ko sa umaga late ka na naman sa opisina Last Refrain Hoy KUPS , ka talaga Hoy KUPS , ka talaga Hoy KUPS , ka talaga Hoy KUPS , ka talaga (fade) CHORD PATTERN: I, II - VI D---G---D--- Chorus Dsus-D-Dsus-G---D---