Ang ganda-ganda naman ng venue sa penthouse ng bagong building ni Ericson!
Hindi na natin kailangang mag-hotel ever! Kaya pala hindi ako nag-T-shirt,
kasi hindi bagay dun sa elegant setting.
At pag ako daw ay nagpakasal, libre na doon ang reception (hindi si Ericson ang maysabi nito).
Sina Eric, Arlette, Felix, Lu and Francis pa lang ang nandoon
when I arrived. Aba, nasaan ang Pinky na alas-kuwatro pa lang ay sinabi
sa akin na papunta na siya doon?
Naglibot muna. Lumanghap ng hangin sa terrace. Inusyoso ang mga bedrooms.
Puede pang kumanta ang mga walang boses. Salang ang Carpenters, iyon daw ang pambabae. Aru, e professional naman pala si Arlette. Sige, kanya na ang mike. Pero nanghingi pa ng another mike for Lu. Saling pusa kami.
Eto na si Pinky. Hindi ka ba na-traffic?, tanong sa akin. Hindi, muntik pa nga akong lumampas kasi di ko akalain na Avon na pala!
Si Benjamin at si Baby, eto na rin.
Naku, si Mrs Cortes had to walk up the winding stairs, assisted by her nurse. Her light fuschia dress is very becoming! They brought the books we ordered during the grand prep reunion.
Pinalibutan namin siya. Pagkakita kay Pinky, sabi, Ana? He., he, he! She remembers me as the small girl from her Sampaguita class (I was 4' 7'' and malnourished at 79 lbs!) Ma'am, ako si Ana. Mataba na ako ngayon!
Tuwa si Felix, kasi kilala siya agad.
Kinuha na namin yung autographed books. May discount pa pala kami. P600 lang siningil.
Dumating sina Ruth, WIlma, Ella, Zeny and Loida. Naunahan pa kayo ni Mrs Cortes! Galing sila sa hospital, binisita si Ben, asawa ni Girlie. Kaya si Girlie ay hindi makakarating daw.
Tapos kantahan uli. I brought out the prep 66 CD, at iyon ang background music as we were getting our food and eating.
Siempre, assumed na nandoon si Vergel. Kasama ko sa table si Dennis, Francis, Felix, Pinky, Benjamin and Baby.
Panay kantahan at kuwentuhan, group, regroup ang ginawa. At siempre pala, kodakan.
Nung New York, New York ang kanta, aba dapat tatayo tayo diyan! An instant Rockettes chorus line was formed and we kicked to the left and to the right (inilililis ko ang aking long skirt (saya) for a better kick!) Naubos yata ang film ni Lu sa kakukuha ng pictures at this point! It was just like when we were in New York at Radio City!
(itutuloy bukas. Huhulaan ko si Joscelyn ngayon).