Dear Ataboy,
Nang tumawag
ka, kagigising ko lang. Siempre nag-nap muna, kasi magpupuyat nang New
Year's Eve.
Nag-pack ng
blanket, nag-line up ng coins on all the window sills (my New Year tradition).
Left all the lights on (another New Year tradition), and off we went to
Makati. Mass at 5 pm sa Ayala ang hinahabol.
Walang traffic!
We were at Land Bank at 4:30 pm. Wala pa si Vergel. Iniwan lang namin ang
bag with the blanket. Naku, ang daming liligpitin bago matulugan ang sofa
niya! May Christmas basket pa among the books and things doon. Punung-puno.
Conserve ang
energy sa paglakad. Sumakay ng jeepney up to Makati Ave. Lakad past
the office of Rose sa kanto ng Paseo. Nag-inspect pa ng backpack ko yung
mga guwardiya dun sa kanto ng Paseo at Makati Ave. Inusyoso namin ang huge
cylinders ng fireworks. Isine-set -up na, ang dami!
Sa kanto ng
Manila Pen, ayaw kaming pa-derecho-hin ng mga guwardiya.
Pinaliko, pinaikot pa sa Manila Pen main entrance bago
nakarating sa Ayala Ave.
Opps! Hati
ang kalsada. May mga aso (hindi naman mukhang mababangis) yung bomb dispersal
unit siguro na nasa island. Lakad sa side na hindi matao. Ma'am, mga may
tickets lang po ang pinapapasok dito. Opps! Saan ba nakakakuha ng tickets?
Hindi po namin alam, pero may mga dalang tickets na po yung mga pumupunta.
Tanungin na lang daw dun sa desk where the tickets are exchanged for big
ID's. Sa desk: Sorry, Ma'am, wala na pong tickets. Sold out noon pa.
Balik, past
the dogs, doon sa matao. Ma'am exit po dito, sabi ng guwardiya. Saan ang
entrance? Asus, doon lang sa kabilang kamay niya!
Kalahati na
nga lang ng kalsada, magkabila pa ang hilera ng food tents! We inched
our way towards the intersection of Ayala and Makati Ave. Pakapal nang
pakapal ang tao. Freaked out na ako. Ayaw na ayaw ko yung sensation
nang sisksikan na parang ma-ka-crush ng sea of humanity.
Misa pa nga
lang iyon, paano pa kung show na talaga? Kahit pa nga may dala kaming folding
chair, hindi iyon maipu-puesto!
Ayoko na dito,
punta na tayo sa Fort, yaya ko kay Ojie.
Doon na tayo
lulusot sa kabila, sabi ni Ojie, so forward pa rin kami.
Mas grabe
pa sa Makati Ave! Buong kalsada yung exclusive sa hotel row! Kapirasong
makiraan sa bangketa, backpack inspection na naman, ano ba iyan?
May booming
voice na tumatawag sa akin. Asus, si Luis pala! Separated kami ng fence,
nasa kalye sila (kasama niya si Ennah at ang mga bata) at nasa bangketa
kami. Kinawayan ko na lang si Louise. Lagi talaga tayong nagkikita
kung saan-saan, sabi niya. Pupunta na kami sa Fort, walang kuwenta dito,
sabi ko. May bomb threat doon, dalawang beses nang pumutok, warned Ennah.
Ang liwanag
talaga ng mata ni Luis, commented Ojie. Biro mo, nakita agad tayo!
Daan muna
tayo sa Shangri-La, makakuha na ng bagong menu sa Shang Palace, nandito
na rin lang tayo.
Doon ang ikot
sa may underpass to get to Shangri-La. Pagod na ako sa lakad by the time
we crossed Makati Ave.
Sa may side
door near Zu sana ako papasok, aba sa Main door lang ang entrance. Tinatanong
pa kung ano ang kailangan bago ka papasukin! I will see Cindy at Shang
Palace to reserve for a function, I firmly declared. In-escort pa kami
, and was endorsed to the reservations desk. Again I said I will
see Cindy at Shang. Itinuro ang stairs to the second floor.
Hanip, hindi
ka pala basta papapasukin sa hotel!
Shang Palace
was closed, so bumaba na uli kami. Is there an exit at the Rizal Ballroom,
tanong ko sa main door guard. Wala Ma'am. Dito lang ang exit. Lalabas na
kami. Ma'am, do you already have your pass so you can return to the hotel?
No, thanks, we are not coming back!
Lakad along
Ayala towards EDSA. Nadinig namin na kumakanta si Jaya sa Intercon.
Ang tarik
ng hagdan ng overpass! Susubukang tumawid sa street level. Opps, no pedestrian
crossing. P100 ang fine. He, he, he! That's P200 for Ojie and me. Balik,
akyat, hawak sa railing.
Maraming sundalo
sa kanto na hintayan ng The Fort bus. Ipinuesto ang folding chair,
naupo ako. In 10 minutes, ayan na ang bus. Hindi sumakay ang mga sundalo.
Siguro talagang naka-station dun sa kanto.
Libre ang
bus service to The Fort.
Hindi pina-de-derecho
sa Boniland Avenue. Umikot pa, pero wala namang traffic pa.
Lakad konti.
Uy, meron silang restroom na hindi portalet. Checked it out. Very clean,
aircon pa.
Maraming food
stalls. May huge food tent with many circular tables.
They have
set up three huge stages, tabi-tabi. Sa open air, neatly arranged in rows,
nakatuhog pala ng plastic tali, ang monobloc chairs. May VIP section sa
front of the stages. Reserved for those with ID's ng Tent City.
Marami namang
vacant seats, so doon na kami sa VIP section naupo, sa tapat ng Mindanao
stage. Nasa magkabilang gilid niya ang Luzon at Visayas stages, respectively.
Inabutan namin
ang last three numbers ng Chill sa Visayas stage.
The next concert
was at the Mindanao stage. Mr. Pure Energy himself, Gary V.!
With guests Jamie Rivera, Nanette Inventor (prep 69),
and his son, Gabriel. Naku, tumayo din kami sa monobloc chairs at umindak!
Mahahawa ka talaga sa crowd. Pag gusto ang kanta, tayuan iyan sa silya,
indak at palakpak! Pag di masyadong type ang kanta, upo sa silya. How demonstrative
ang Pinoy audience.
At one point,
ang pinanonood ko ay yung bata na katabi ni Ojie. Daig pa si Gary V. sa
pagsayaw! In his enthusiasm, tumilapon pa nga yung suot niyang Halloween
mask 3 rows down. Sa row in front of me, tinulungan na ng mga apo yung
lolo nila na umakyat sa upuan, pero sige, indak rin ang matanda.
A band named
Parokya ni Edgar also performed. They sang songs about Kowloon siomai,
and Pizza Pie.Nakakatuwa! Aliw na aliw ako dun sa isang kanta na may line
na "sa kutis mong kulay champorado, hindi kami naaakit, kartada ng mukha
mo ay ubod nang pangit, pa-cute ka pa". Yung isang member nung band, naka-suot
ng damit pambabae.
Elmer, you
would have loved it!
Mabait ang
Diyos. The sky was clear, almost cloudless, kaya litaw ang mga bituin.
Hindi rin maginaw, kaya tama lang attire yung tiny blouses with thin straps
na kapag umindak ang may suot, kita mo na ang midriff. Uso yung lighted
bracelets, fiber optics kuno.
Many people
had their celfones. May mauulinigan ka pang naka-overseas call, kinukuwento
ang mga nangyayari sa kausap. Cameras kept on flashing, too. Marami din
akong nakitang nag-vi-video na may maliliit na screens.
Nung medyo
maingay na band ang nag-play, naglakad-lakad kami at kumain. Hotdogs, barbecue,
popcorn and drinks, all at reasonable prices. Marami rin yung may dalang
baon, including coolers with drinks! Ang luwang kasi ng grounds kaya walang
kaso kahit pang-isang batalyon pa ang dala.
Inusyoso namin
ang Tent City. May chest-high picket fence lang na bakod ang
grounds housing the VIP tent. Dressy sila doon. Sa family and corporate
Tent City, mas casual ang attire. Ganoon rin, may picket fence na bakod.
Pero one hardly feels the segregation kasi nung mag-parade ang air puppets
e magkakahalo din lahat sa street. Lumabas din sa Tent City yung mga inhabitants
doon. Alam mo, kasi red ang ID nung sa VIP, and another color yung sa family
and corporate.
Bumalik pa
uli kami sa concert grounds. May mga kumakain na. May nagsasayawan! Hindi
lang nakatayo sa chair at umiindak, ha? As in, may partners at parang ballroom
yung grounds! Maluwang kasi, kaya puede iyon.
People are really out to have a great time, millennium
kasi.
Nang almost
11 pm, we spilled out to the streets for the air puppets parade. Parang
biglang dumami ang tao. Maraming padating pa lang.
Aliw na aliw
ako dun sa Frenchmen on stilts na naka-cancan costume na ubod nang alembong
ang act. They led the parade coming from two streets and converging dun
sa main avenue. Meron ding ati-atihan bands to add rhythmn to the march.
And trucks with fireworks for brilliance. May isda, octopus, grasshopper,
at snake(?) among the puppets. (Ang ini-expect ko ay yung tulad sa Macy's
Thanksgiving Parade, sina Betty BoBeep, Snoopy, ganoon.)
I saw many
people posing for pictures with the puppets and the parade as background.
May show dun
sa may hologram lake pagkatapos ng parade. May mga sumasayaw. Hindi ko
masyadong makita. Nalimutan namin magbitbit ng silyang tatayuan. Hindi
ako kakayanin ng folding chair namin!
Marami nang
fireworks na nakikita sa malayo. Magaganda at makukulay.
Malapit na
ang countdown. Nag-flash ang numbers, 5, 4, 3, 2, 1, Happy New Year! Palakpakan,
sigawan, tilian!
A single beam
green laser light. Nag-spread sa whole sky. Wowww, chorused everybody.
Tapos, a seemingly never-ending barrage of fireworks! Nangawit ang leeg
ko sa pagtingala at namula ang palad sa kapapalakpak! The sky was on fire!
Ang ganda-ganda talaga! Laging akala mo, finale na, tapos
may susunod pa!
( I know we spent
a lot on all those fireworks, but so what!)
Yung katabi
ko could not contain her excitement! Tili siya nang tili! I was amazed
hindi siya namalat.
Natapos din. Balik
kami sa concert grounds. Hindi na nakaayos ang mga chairs.
May litter na. May mga nagsiuwi na rin. Marami pa rin
kaming natira, at may dumarating pa rin.
Wala munang
live band. Pero kahit sounds lang, may mga nagsasayaw pa rin. I put on
my blindfold and rested my eyes.
In a few minutes,
the Side A band was on. Gising na gising kami. Ang guests pa mandin
ay sina Jaya, Regine Velasquez at Martin Nievera.
Yung katabi
kong bata retrieved and stacked chairs para makakita siya above the adults
in front of her. Tapos, sige, yugyog siya on top of the stack.
At 2 am, niyaya
ko na si Ojie, at antok na ako. Lakad to the bus stop. Wala pang bus. Puesto
uli ang folding chair. Upo. 15 minutes bago nakasakay. 10 minutes bago
bumiyahe. Sus, kaya pala matagal ang hintay, ang traffic-traffic! More
than 30 minutes nilakad yung kapiranggot na kalsada sa may Forbes. Natulog
ako sa bus!
3 am nakarating
sa EDSA. Nilakad ang kahabaan ng Ayala to go to Land Bank.
Naku, the party area is one big garbage dump! The party
is over, nagliligpit na ang lahat. May mga nadaanan kaming skeletons ng
paputok.
Kukunin na
lang natin ang blanket kung open pa ang Land Bank. Umuwi na siguro si Vergel
kanina pa. Kung tulog ang guwardiya, hindi na natin gigisingin. Another
day na lang kukunin yung bag, sabi ko kay Ojie.
Sus, walang
natutulog, at buong staff ng Technology ay nandoon! Ang guwardiya ay nanonood
sa TV.
Pinakain kami
ng media noche dun sa Conference Room. Aba, nagutom rin pala ako
sa kalalakad! Maraming pagkain. Semi-potluck daw iyon.
Kuwentuhan
tungkol sa millenium celebrations at sa Y2K readiness. May auditor silang
kasama doon, observing everything. They have to report regularly to BSP.
I-test natin kung okay ang Internet.
Nang mabusog
na, punta sa cubicle ni Vergel, tinawagan niya si Cesar Cifra, pero ako
ang unang pinakausap. Pinatawid niya dun sa Land Bank. Nag-e-mail
muna ako sa iyo, Ataboy, at kay Lolong, then joined them for coffee dun
uli sa Conference Room.
Ginising daw
namin siya, sabi ni Cesar Cifra. Marami pa uling kuwentuhan.
6 am na nung
magpaalam kami. Sila ay hindi pa puwedeng umuwi, dahil may round of live
testing pa pala. Dapat talaga may bonus yung lahat ng nagtrabaho sa Y2K.
Lagpak
patay sa bahay maghapon! Ang tindi ng jet lag!
Nung gabi,
nagsulat and relished writing the date January 1, 2000!
Happy
New Millennium, folks! Could not yet get down from the high of it until
now!