Cebu Revisited: June 19-22, 2002
Day 1: June 19, 2002
I went to Cebu to attend the Stress and Conflict Management Workshop with the NFA provincial managers in Region 6, 7, 8, 9 and 10.
Bago pa pumunta sa airport, stressed na kami. We were told by Dodge to be ready by 10 am. I just took an early brunch at 9 am. Cecille went down to my office at 10:15 am, and we called up Helen at 10:30 am. Yun pala past 11 na kami makaaalis! Lalong stressed on the way to the airport, kasi baka di umabot ng eroplanong lilipad at 1 pm!
Awa ng Diyos, umabot naman. Kaso, gutom. Sus, P35 ang tubig sa airport. I bought Red Ribbon products, mukhang freshly baked.
First time kong sumakay ng PAL in a long time. Kaya ngayon pa lang nakapasok sa Terminal 2. Ganda! Puede pang magpa-blind massage at manicure while waiting.
Sabi ng mga kasama ko, Fita biscuit at juice lang daw ang i-se-serve ng PAL. Hindi pala. Wafers and salad flavored pretzels (made in Thailand) plus Nutrilicious orange juice (made in the Philippines) ang kinain namin. Bakit naman kaya di pa Philippine products lahat ang i-showcase ng flag carrier natin?
Overcast skies nang dumating kami sa Cebu. Kuha ng map and brochures of Cebu, akala mo turista. Hinahanap ni Cecille (kaibigan ko sa Accounting Department) ang banner welcoming us. Siempre wala naman.
Sinundo kami ng van. Lima kaming participants from Central Office, plus 2 from the Training Staff.
Hindi ko na matandaan ang Cebu. Huli ko yatang punta, nung 1990 pa. Halos English lahat ang signage, except yung "Kan-anan sa Cebu" na nakita ko. Meron pang "Anything Store", siguro translation ng Sari-Sari Store, di kaya?
Dumaan kami sa Marcelo B. Fernan Bridge. May banner na "Welcome to the Participants of the Stress and Conflict Management Workshop" dun sa NFA Cebu. May last coat of paint na ini-a-apply dun sa fence.
Ano na nga ang "Good Afternoon" in Cebuano?, tanong ko sa guard. "Maayong Hapon" nga pala! Nagkataon, lumabas ang friend kong si Becky from Finance, umaatikabong beso-beso at batian! Hindi niya alam na darating ako! Dumaan na tuloy ako sa Finance para i-greet si Inday (provincial accountant) saka si Delia (provincial bookkeeper). Almost twenty years ago, na-assign ako sa Cebu and made friends with them, especially with Becky who was kindred spirit and took me to all the quaint places in Cebu.
We got our room assignments from the guard. Akyat sa 3rd floor (Inay, 6 flights of stairs!) to check-in sa Administrator's Room. Six beds for 6 ladies. Ano'ng pangalan ng utility person with the smiling face who opened the door and gave us the key? Robert Cabrera. Iniwan lang ang mga gamit, baba na sa 2nd floor for the courtesy call to the regional director.
Hindi alam ni Bing Lozada (regional director) na may participants from Central Office, kaya akala niya, resource speakers kami! Nagkasarapan ang usapan sa courtesy call, halos alas-singko natapos. Ann, wala pa kayong dinner dito ngayon, reminded Mike Wycoco (asst regional director, kaibigan ko rin). Oo, lalabas nga kami, may vehicle provided.
Saan tayo pupunta, tanong ng barkada. Lilibot, pero kakain muna. Ang aga raw. Gutom na ako, ano? Hindi yata kami nag-lunch, tapos wala pang merienda!
Sakay sa van. Hinintay si Nick (transport office manager ng Metro Manila). Hindi puwedeng iwanan kasi siya ang nag-request ng vehicle.
Ano po ang pangalan ng driver natin? Rolly Sarabosing daw, asawa ni Inday. Ayos!
Mr Rolly, lilibot tayo sa malalapit na lugar lang, at kakain dun sa may mga ihaw-ihaw. Hindi kailangan fancy place, koboy kami.
May ambiance talaga dun sa ihaw-ihaw. Al fresco dining. Pinili ang mga ipa-iihaw: pusit, blue marlin, kitang, beef, saka chorizo. Ano yung rice na nakabalot sa palm leaves? Curious, pero di sumubok. We ordered plain rice served in banana leaves. Saka mineral water for drinks. Wala silang soup.
Ang sasarap ng inihaw! Tig-isang bowl of sawsawan kami. Suka, toyo, kamatis, sibuyas sili at calamansi na di piniga. Nagdagdag pa ng order ng pusit at blue marlin.
Hindi na halos makatayo sa busog when we settled the bill. Aba, tig-P100 lang kami including the tip! Hindi kapani-paniwala!
Attracted by the unusual lighting (parang kastilyong buhangin) we drove to Waterfront Hotel. Naks, impressive lobby layout. Hindi tayo bababa? Hindi raw. Sige, drive on. Saan? Sa Tops, malayo ba iyon? Mga one hour daw. Huwag na lang doon. Mr. Rolly brought us to Cebu Plaza for a panoramic view of nightime Cebu. O, bababa tayo. Lakad to the poolside. Ayan ang ambiance! Very romantic. May mga toads na lumulundag!
Uwi na raw. Gusto ninyo sa Magellan's Cross? Aba, sige. Ipinarada kami ni Mr. Rolly sa Fort San Pedro. Pasok. Silip sa courtyard. Sayang, closed na ang museum, pero umakyat kami sa mga kanyon sa itaas (more akyat ng hagdan) at na-istorbo ang lahat ng mga nag-de-date na pairs doon!
Sa picture niya doon sa Fort San Pedro, hindi pala guwapo si Ferdinand Magellan!
Umikot kami sa Basilica de Sto Nino, marami pang nagtitinda ng kandila na lumalapit sa van, hard selling talaga. Closed ang Magellan's Cross enclosure, hindi na kami bumaba. Uwi na sa office.
Nalimutan ko palang dalhin ang water heater, paano maliligo? Mr. Robert, makakapag-init ba ng tubig sa kalan? Matanda na ako, hindi naliligo ng malamig na tubig. Kunin ko na raw ang water for coffee sa wonder pot! Better yet, he opened his linen cabinet and came up with an extra wonder pot na ipinadala na sa kuwarto namin! Ayos!
Cebu Revisited: Day 2: June 20, 2002
Buti may dala akong blindfold, nakatulog agad kahit naka-ilaw pa ang rest of humanity. 5 kami sa room. Yung unoccupied bed was between me and Cecille. I took the bed nearest the door. Fanny socialized with her co-managers till midnight yata pero di ko na namalayan when she entered the room and turned off the lights.
Ang ginaw ng air-conditioning, nagising ako nang madaling-araw. Sheet lang ang kumot namin! Hala, kapa ng maong pants and T-shirts sa bag. Wore the pants and T-shirt, nagtalukbong ng isa pang T-shirt, ayos! Umulan nang malakas, kumidlat at kumulog pa.
Sus, ang mga ka-roommates kong mga misis, ang aagang gumising! Alas kuwatro may naliligo na! Ako ay bumangon nang 6 at nag-breakfast muna at 6:30 bago nasolo ko ang bathroom at 7 am.
May common ladies room outside our room, wala nga lang shower. Si Ellie, doon rin nga naliligo, buhos style.
Across our bedroom is the conference room for our workshop. Doon na rin ang meals. Kaya we were there on the third floor the whole day. Walang stress ng traffic, sarap!
Three of the provincial managers, Dodong Adorable, Milo Magtrayo and Oms Muhammad were also our classmates ni Cecille sa Management Training Course 'George Class' in 1994. Reunion kami bale. Doon ko nakuha ang nickname ko na 'George'. Mas kilala ako ng field office executives as 'George'.
We waited for the arrival of the resource speaker together with our HRMD department head who will give the opening remarks. Naabutan daw sila ng malakas na ulan papunta sa airport sa Manila. Very apologetic sa delay nila kaya pagdating, ni hindi na nag-breakfast, sabak agad sa workshop.
Ang unang ginawa, roundtable introductions. Each participant makes a unique sound, na uulitin ng the rest of us. Tapos, state your name and something positive about yourself. Sabi ni Bob, katabi ko, manager of Cebu, he just came from paradise. (His previous assignment was in Bohol.)
After all 23 of us were done, merienda time na. Ang sarap ng bibingka with green mango juice.
Resume workshop. Lectures about stress. Then we were made to form groups of 3. Si Bob at si Jack (father of 8) ang groupmates ko. Lahat ng sharing ay with this group, which we kept throughout the workshop.
Sabi ko kay Bob, di ko pa nakita ang Chocolate Hills ng Bohol. He was suggesting na pumunta ako that Saturday, he can arrange it, kaso, I-mi-miss ko ba naman ang wedding ni Jiro?
Hanggang alas-siyete kami sa workshop. Pagod na ako afterwards, kaya straight tulog after dinner. I asked for another kumot from Mr. Robert. Full house kami sa room, Benjie (HRMD director) joined us, taking the vacant bed between Cecille and me. Thank you uli sa aking blindfold.
Day 3, June 21, 2002
Hindi rin ako nag-sign-up dun sa simba sa Sto Nino at 6 am Friday. 5:30 am sila umalis, tulog pa ako. Solo ko uli ang bathroom namin. I had breakfast with Dodong, Oms and Milo, mga kaklase sa George Class.
We finished the workshop at 4:30 pm. Photo finish sa 5 pm flight sina Benjie at yung resource person, Lourdes Aseneta.
I went down to Finance to see my friend Becky. Pa-simba daw siya sa Sto Nino. Sama ako. Nag-jeepney kami. Yung mga roommates ko went to the danggit and daing market.
Traffic din papunta sa Sto Nino Basilica. Nilakad na lang namin yung Colon. Dumaan muna sa Cathedral. Then on to the Sto Nino Basilica. Converted to a marketplace ang nearby streets. Ang gaganda ng flowers! May nakita pa akong nakatuhog na malalaking tinapa.
Sa labas ng simbahan ang misa ng Sto Nino. May ginawa na pala doon na Pilgrim Center. Pumasok din kami sa loob ng simbahan at pati sa office where they sell Sto Nino images.
I went back to the office alone. Nagamit ang 'Lugar lang' na pagpara sa jeepney.
I had dinner with the office staff. Kababayan ko pala yung isa, taga-Jaen, Nueva Ecija. Bumalik daw ako doon in private capacity at ipapasyal nila ako sa magagandang beaches of Cebu.
Dumating ang aking mga roommates at past 8. Mga amoy daing na sila. Dumidikit pala sa damit ang amoy. Pati nga sa panyo. Buti pala at sa secretariat na ako nag-order ng mga pasalubong na otap, dried mangoes, chicharon, dangggit at pusit. Nakakahon na ibinigay sa akin. Ang chorizo, nasa ref daw muna.
Nag-pack na kami that night, maaga raw aalis kinabukasan para makapasyal pa.Pag maaga akong nagising, sasabay ako sa inyo, otherwise, bahala na akong pumunta sa airport mag-isa, bilin ko kay Cecille.
Day 4: June 22, 2002
Ang aga talaga gumising ng mga misis!Libre na ang bathroom when I woke up at 6:30 am, kaya nagsusuklay na ako ng buhok nang kumatok si Dodge na ibaba na raw ang mga gamit. Sama na ako sa kanila.
Sus, amoy daing ang vehicle! Kailangan kong maligo bago mag-attend ng wedding!
Nasa Shamrock Bakery na kami by 8 am. Sus, kahon-kahong kung anu-ano ang pinagbibili nila!
Next stop, Magellan's Cross. Open na. May matandang babae na nag-offer ng kandila, piso daw ang isa. Sige, sampu. Tinanong ang pangalan ko. Iyon pala, ipagdarasal niya ako sa Magellan's Cross! Sumasayaw pa siya ng steps ng Sinulog habang nag-cha-chant ng prayers for me! Kahit Cebuano ang salita, may kasamang Ana halos lahat ng phrases niya. I felt so blessed. (Naalala ko nung dalhin ako ni Becky sa Virgen de la Regla sa Opon years before.)
Sa Fortuna Bakery kami nag-breakfast. P45 yung value meal na rice with 2 tortillang alimasag and iced tea. Lakad sa courtyard ng Sto Nino afterwards. Discovered the Sto Nino Museum dun sa basement ng Pilgrims Center. Hanip ang opulence ng mga vestments ng Sto Nino! Ang daming antiques dun sa museum. The curator gave me a guided tour. Binalikan ko ang barkada at niyaya. Doon na kami nagtagal.
Nagyayaan next dun daw sa bilihan ng lechon Cebu. On the way to the airport na pala iyon. Parang sa La Loma, isang colony ng mga litsunan. Separate yung area ng lechon manok sa lechon baboy. Dumaan ka pa lang busog ka na sa tingin.
Generously kaming pinatikim nung hinintuan naming tindahan. Balat, laman from different parts of the lechon. Sold, ang sarap nga, kahit walang sarsa. Bilihan sila ng tig-dalawang kilo at least. Ale, bigyan mo ako ng 1/4 kilo and rice, kakain ako ng lunch habang bumibili sila. Kaso, madali silang natapos, so ipinabalot ko na lang ang rice and lechon ko at nanghingi ako ng dahon ng saging as prospective plate.
Nasa airport na kami. Sige, pack for group check-in. Si Cecille ang gumawa na labels for the lechon packs, na pinag-sama-sama sa isang kahon. We have 16 pieces total of group checked-in luggage! Buti di nag-exceed.
Bili ng tubig in one of the food stalls inside the airport . P15, okay lang. Miss, puwede ba akong kumain dito ng baon kong lechon Cebu? Puwede raw. Inilatag ko ang aking dahon ng saging. Binigyan ako ng kubyertos. Si Cecille ordered arroz caldo and joined me. Si Dodge at si Ellie, di nakatiis, nakihati sa rice and lechon. Binigyan rin sila ng kubyertos. Kung alam ko lang, marami na sana yung binili kong rice and lechon. Yung kanila, naka-check-in na lahat!
Iba talaga ang hospitality ng Pinoy! Hiyang -hiya pa yung salesgirls nung pinilit kong magbigay ng 'corkage'.
Mas malaki yung sinakyan naming plane. Two rows of center seats kaming pito.
Hindi ko na kinain ang biscuits served, Blue Skies crackers, chocolate chip cookies at isa pa. Nutrilicious orange juice pa rin ang drink.
Exactly 1 pm nag-touch down sa Manila. Two vehicles kami to the office. Naka, yung car ni Nick, nag-o-overheat, tumitirik, itinutulak! E dun kami nasakay ni Cecille. Sos, past 3 pm kami dumating sa NFA. Hilamos at bihis sa office (sana hindi amoy daing!), hangos na sa Manila Cathedral for the wedding of Jiro.