Hataw sa Dabaw: Kadayawan 2002
August 23, 2002
Nagulantang ako ng alarm clock at 2:45 am. Hilamos at bihis. Nakaparada na ang Dollar taxi sa tapat ng apartment nang bumaba ako at 3 am. (Tinawagan ko iyon the night before at nagpasundo ako at 3:15 am). Load ng mga dala-dalahan, at pagbaba ni Ojie at 3:10 am ay off na kami.Nasa Terminal airport at 3:45 am.
Si Chit Tiong ang nandoon na, at nag-aabang ng ka-group check-in dahil may mga pasalubong siyang pineapple hopia etc sa kapatid na taga-Davao. Sunod-sunod ang datingan ng mga photographers. Ilan kayo sa group, tanong sa check-in. 42 po kami. Ang tawa ng in-charge! Yun lang mga nandito na.
Tamang-tama lang ang timing namin. Mahaba na ang pila at 4 am. Ako ay naka-higa pa sa upuan (comfortable although medyo malamig kasi metal) at naka-idlip konti bago kami nag-board.
We flew at 5:20 am and touched down at 7 am. Kahuli-hulihan kami sa baggage claim. Load ng baggage sa separate van, sakay sa sundo na jeepney. Sabi ng driver P10 per kilo lang ang durian two weeks ago, pero siguro ngayon ay P30. Ang kasama naming doctor remembers durian at 50 centavos a kilo the first time he went to Davao long time ago.
Hatid kami sa hotel Galleria. It is a cute 7 year old 4-storey hotel with only 43 rooms. May tiny swimming pool with a hint of a waterfall sa gitnang courtyard. Paintings decorate the intimate lobby lounge, where we had coffee on the house.
Pinabitbit ang coffee to the briefing at the function room. Mas malamig doon, encouraged Mrs. Huang. Mrs. Marfori briefed us about Davao, made a sales pitch for her guava jelly, and even tipped us about dining at the nearby Davao Doctors Hospital canteen.
Binigay ang mga films at PRESS pass, ini-announce ang rooms (kami ni Ojie 12:00 noon pa raw), iniwan ang mga gamit sa rooms, and off we went to the Agro-Industrial Center for the horsefight.
Puno na ng mga tao ang arena at pati dun sa top of the bridge where the view is panoramic. Ang mga kabayo ay naliligo pa raw. Lakad to the riverbank to see the horses. Nasalubong ko yung isang puting kabayo being led to the arena. Iyon pala ang female horse ng paglalabanan ng dalawang male horses. Whoever wins the fight gets to mate with her.
Sumilip ako sa river. Nandoon ang mga boats decorated with fruits and vegetables. Hindi ko makunan ng picture at steep yung bank, baka ako mahulog sa pag-anggulo. Lapit dun sa isang stage. Indigenous music competition. Ang gaganda ng costumes ng participants. At pati ng audience. A group of Maranao beauties was being posed and photographed sa grounds. Ang galing ng mga tumutugtog sa kulintang at agong. Ang ganda ng gayak ng stage.
Balik sa horsefight arena. Andoon na ang mga kabayo. Wala akong makita, ang kapal ng tao. Pumanhik ako dun sa bamboo mini-stage, pero nakakatakot, umuuga sa dami ng tao, bumaba uli ako. "Tiil, tiil!" warned the marines lending me a hand as I went down the bamboo stairs. Maraming tao sa ilalim nung stage, at baka may kamay akong matapakan as I go down.
Ang init. Hanap ng maiinom. Aba, Mirinda orange, P3 lang. Bili. Paupo nga sa jeepney, pakiusap ko dun sa mga nakatayo na dun sa ituktok ng jeepney nila. Upo. Inom. Naghihiyawan na ang mga tao, wala akong makita, di ko naman kayang akyatin ang bubong ng jeepney.
Aha! Ang pulis, dun lang sa makina ng jeep nila nakatayo. Puwede po ba akong makitayo diyan? Siempre, tinulungan nila akong umakyat. Ayos! Ang taas ng lundag ng naglalabang kabayo! Ulo at front legs lang ang nakikita ko.Exciting! Ang tagal ng salpukan, walang nananalo. Para ding mga tao, pag may pinag-aawayang babae, sabi ng pulis.
Nang matapos ang laban, basag ang panga ng talunang kabayo, at ang female horse ay nakawala at nakatakbo, hindi nila mahuli-huli! Siguro di niya type yung nanalong male horse.
Hindi na kaya ng mga toes kong litaw sa step-in ang init, bumalik na ako sa jeepney. Isa na ring nagbalikan ang iba. Hindi kaya ng dibdib ko, sabi ni Father. Tumatalsik daw ang dugo nung na-dislocate na panga ng talunang kabayo. Yung isang photographer, excited naman dahil dumaan daw sa tapat niya at nakunan niya nang close-up yung tumatalsik na dugo.
Ti-next at sinundo ang di bumalik sa jeepney as agreed upon by 10:30 am. Yung kasama namin from Thailand, umakyat sa bubong ng jeepney namin. Muntik nang mapaandar ang jeepney nang nakatayo pa siya doon!
Naiwan na ang mga iba, may next batches of horsefight pa pala, hanggang 3 pm. Stop at Gaisano for lunch.
Kami ni Ojie, nag-public transport jeepney to Davao Doctors Hospital at doon nag-lunch sa canteen. Sarap! Tinolang manok, lumpiang ubod, adobong pusit, pancit. Type ko pa sana yung palitaw, pero busog na.
Then we walked to the hotel. Sa ground floor kami, salamat, kasi medyo mahirap akyatin ang spiral staircase to the third floor where most of them are checked in.
Refresh, bihis, tulog. Nasarapan ang noontime nap, 2:00 pm na ako nagising.
Oppsss! Ala-una ang schedule ng indigenous dance festival sa PTA. Dali-daling nagbihis, asked the guard for directions, and walked to the PTA Grounds. Malapit lang naman pala, pero kainit! Sa lahat ng kanto, nagtatanong ako ng directions sa helpful police force.
Ang aming photographers ID ng Federation grants us free access to the PTA Agro-Industrial Fair. Ayaw tanggapin yung ibinabayad kong P2 na entrance fee. Guest of Davao City, iyan ang treatment sa amin ng lahat.
Sa dulo, past the stalls of food, trinkets, batik, plants and orchids, ang entablado. Sus, tinatakpan pa lang ng banigs and other colorful decor yung Pepsi backdrop sa stage. Inaayos pa lang ang sound system. Akala ko 1 pm?, tanong ko sa secretariat. Mainit pa Ma'am, mamaya pa mag-umpisa. Ano'ng oras? 2:30 Ma'am. E, 2:30 na sa relos ko. Mga 4 pm daw, sus! Balik kayo, Ma'am, maganda ito, talagang mga lumads (indigenous people) ang mag-dance.
Di sige, ikot muna sa fair. Napakain ng inihaw na saging, nilagang mani, durian shake, durian milk bar. Nakitikim pa ng Puyat variety durian dun sa isang stall. P45 per kilo. Parang matabang. I-try ko raw ang Sulit variety for a stronger taste.
Tinikman ko rin yung octopus balls. Kinunan ko ng picture yung nagluluto. Nag-apron pa nga siya para mas maganda raw ang kuha. P10 per serving of 3 balls, pero pumayag na isa lang at P3.50 ang bilhin ko. Ang dami ko na kasi kinain, babalik na lang ako mamaya, kako. Ang regular stall daw niya ay sa Victoria Plaza.
Pagbalik ko at 4, aba puno na ang mga seats, at tumutugtog na yung kulintang ensemble. E di inihanap nila ako ng seat sa front! Tumayo rin ako kasi dapat umaakyat sa hagdan ng stage for better pictures. Pasakalye lang pala yung mahabang tugtog na iyon. Mga medyo may edad na lumads ang performers. Bigay na bigay ang pagtugtog. Consistent winner pala sa musical competition ang tropang iyon.
Nang mapuno na ang front seats reserved for VIPs, nag-announce na ng start ng program. Invocation muna. Bawat tribe may invocation. Hindi ko naiintindihan ang salita pero obvious ang solemnity. Pinaka-dramatic yung sa Bagobo. Akyat yung elder nila, in full quaint and colorful costume, pero naka-sneakers si Apo.
After a lengthy supplication to the One Above, nag-motion to an assistant to bring up a bayong. Kinuha ang manok, saka ang gulok. Lapitan ang mga photographers. Ginilitan ang leeg ng manok. Pinatulo ang dugo sa ground. Ginilitan uli ang leeg ng manok, pinatiktik ang lahat ng dugo. Ibinalik ang manok sa bayong. Kinuha ang bote ng alak. Isang lagok, tapos lulon. Isang lagok pa uli, tapos mumog, tapos buga sa paligid. Atrasan ang photographers, baka maanggihan ng buga ni Apo. Isang lagok, mumog at buga sa other side naman.
Nag-speech si Mrs. Duterte, wife of the mayor. She acknowledged the presence of the consul general from Malaysia, Indonesia, Japan, Korea. Others in the audience were three crowned long legged beauties, lumad dignitaries in their beautiful native attire, and representatives of the sponsor companies.
Hindi ko kayang i-describe lahat nung dances ng participating tribes. Merong harvest dance, war dance, hunting dance, courtship dance, etc. Ang isang tuwang-tuwa ako ay yung baptism dance. Yung baby, ginupitan pa ng konting buhok. Yung buhok, inilagay sa isang basong may konting tubig. Pag nag-float daw yung buhok, healthy baby. Pag nag-sink, the baby will be a sickly child. Pagka-shampoo nung baby, inihiga nung mother sa cloth cradle na iniugoy ng dalawang tao. Panay ang dasal nung priest.
Iba talaga ang grace ng movement ng sayaw ng lumads. From their very being kasi nanggagaling. Hindi lang sila just like any dance troupe. Kitang-kita ito dun sa number where participants are mixed adults and children. Very uniform ang movement of the hands, the body and especially the feet. Pati ang facial expressions. I gave up on trying to photograph and just soaked it all in.
It was so absorbing, I did not mind na nakatayo almost the whole time. In between numbers, tinitingnan rin namin ang audience. One young lumad child in full costume was standing in front and watching the program intently. I took several photos of her. So did the other photographers. She was unaware of all the attention.
Nagugutom at nauuhaw na ako, at pagod na. Lumabas na ako sa fair grounds. Kumain ako ng bangsi (daing na half-bangus with sinangag) sa Taps. Tatlong branches pala sila. May isa sa tabi ng hotel namin.
Lakad na pa-Hotel Galleria. Hay, sarap magpahinga at matulog. Hindi na ako pupunta sa SM activity center for the 7 pm Mindanao Indigenous Dance competition.
Kumakatok si Ojie at 10 pm. Galing siya sa SM. Maganda raw yung program doon. Televised pati. (Kaya napanood ko sa TV nung Sunday.) Nakalibot na nang husto sa downtown Davao si Ojie. At ang Press Pass niya, laminated na rin! Hindi pa raw siya nag-dinner. E di sa Taps next door siya nag-tosilog. Tinulugan ko na siya na pinanonood si Ugueth Urbina of the Boston Red Sox.
Day 2, Saturday, August 24, 2002
Tanghali na akong nagising! Wala nang hot water sa shower! Sa Davao Doctors Hospital canteen ako nag-almusal. Sarap, paksiw na pata, pritong itlog, plain rice at saka palitaw pa. Yung breakfast namin sa hotel ay continental kuno, 2 slices toast, orange marmalade, butter, banana and coffee, na di ko type.
Ojie, tara na sa NCCC. Doon ka na mag-breakfast. I watched the Indak-Indak sa Kadalanan Children Category on TV while he got ready. Nagtanong ako sa waitress ng Taps the night before, mas maganda raw panoorin ang Indak-Indak sa Kadalanan Adult Category in the afternoon, so I am reserving my energy for that.
Medyo nalito kami sa pagsakay ng jeepney. Streets were closed for the Indak-Indak. Sus, ka-traffic, pero di bale, naabutan namin si Yeti Lim sa NCCC (a very busy establishment) at nagkakumustahan. I have not seen him since December 2000. Nag-aaral siya ngayon ng Master in Entrepreneurship sa AIM, hoping to graduate in December. Friend ko siya from the Unix Users Club of the Philippines. Davao based na, in charge of their enterprise, NCCC.
Lakad lakad sa pinaka-Divisoria area ng Davao City. Pasok sa Magsaysay Park. Dito mag-uumpisa ang Floral Parade bukas, sabi ni Ojie.
Upo kami sa stall ng Colasas. Inihaw na pecho ng manok ang order ni Ojie. Nagaya ako. Kuuu, kaysarap! Kamayan pa, lalo na. Hopia ang dessert. Hindi halos makatayo sa busog pagkatapos.
Lakad lakad sa seaside. Dito tayo kumain ng inihaw na panga mamayang gabi, ha? It's a date!
Pumunta kami sa Quezon Park. Nandoon ang stage ng Indak-Indak sa Kadalanan. Festive ang atmosphere.Tapos na yung children category. Ang mga bata ay nagkalat, may kumakain, may naglalaro, pero in their costumes pa rin.
Upo sandali sa stage. Tapos lakad uli. Nililinis ang mga kalsada. Kumain kami ng durian ice cream na tinda ng sorbetero. Sarap!
We walked back to the hotel to rest.Nakatulog siempre. Nagising, 2:30 pm. Opps! Lakad na for the Indak-Indak sa Kadalanan Adult category.
Hanap ng street closed to traffic at siguradong doon. Tanong sa pulis: Saan ang Indak-Indak? Na-umpisa na ba? He motioned towards the main street and said: Tulo na ang nag-abot. ( Three delegations have passed.) A, may gaps pala!
I walked towards Quezon Park. Ang mga nadaanan ko ay people seated on monobloc chairs sa street, awaiting the parading Indak Indak delegations . May mga roadside stalls ng durian, marang, at doon na rin kumakain ang iba. Durian ice cream uli ako.
Ang Indak-Indak ay parang Lantern Parade, on a much grander scale. Pumaparada and delegations, pero ang unique presentation nila ay sa harap ng stage (sa Administration Building kung sa Lantern Parade.) Seated on stage are the VIPs. All others line up the street about 10 deep dun sa malapit sa stage. Marines, policemen and boy and girl scouts man the ropes that barricade the crowd.
Kaming photographers, puedeng pumunta kahit saan, kahit lumapit ng close-up sa performers. Ako ay tumayo sa tabi ng cameraman ng Skycable. Paminsan-minsan, pinatatalungko ako ng pulis para makakita yung mga bata beyond the barricade.
Hindi ko kayang i-describe how spectacular is the Indak-Indak. There were over 20 delegations. Wala kang itulak-kabigin sa ganda at kulay ng mga costumes and props. Karaniwan lang yung human pyramid at yung nakatayo at sumasayaw sa bamboo poles borne by young men. They perform as if the street were a theater stage. Barefoot ang marami. Sinubok kong magpaa sa kalsada, ang rough, masakit sa talampakan. E sila pumapadyak pa and all. Hindi ba masakit? tanong ko. Tinitiis po, ang sagot.
The choreography is complicated, kaya talagang praktisado. Usually a strip of cloth serves as a stage curtain at the back of which they get or discard props. After each presentation, may mga stage hands na tagapulot ng props at mga rubber slippers.
Dun sa isang group, may bata na nasa dulo ng isang long bamboo pole, and part of their act ay pinababagsak yung pole from side to side at sinasalo ng mga limang tao yung bata. Sus, dun sa huling bagsak, isang tao na lang ang sumalo, muntik nang mamintisan yung bata. Tilian kami. Shaken yung bata, pero he still managed to go up again sa pole for their final act. The show must go on.
May isang group, habang nagsasayaw ang ladies, may parang tiyanak na nanggugulat, nananakot sa crowd. Kinukunan ko ng picture, ako ang biglang sinugod, pati tuloy ako napatili.
May mga war scenes rin, ayun, dun sa top of the bamboo poles ang eskrimahan. Walang nahuhulog, ang gagaling talaga.
May nakita pa ako na girls na nakatayo sa shoulders ng boys while dancing.
Nagpahinga at nag-merienda ako sandali sa Dunkin Donuts. Isang pitsel na tubig yata ang nainom ko.
May group na ang headgear nila lahat ay parang half a durian.
Yung church group performed a fight between the good and the evil, siempre panalo yung good. Malakas ang palakpakan at hiyawan sa presentation na ito.
Yung isang group, nagsabog ng dayami na binusan ng gas, tapos palpak, hindi sumindi yung lighter nila.
May mga shots ako na yung mga paa lang ang kinunan ko. Pero most of the time, di na lang ako kumuha ng shots at nag-concentrate na lang sa panonood. Kulang na kulang ang dalawang mata, at dapat siguro ay at least 6 feet tall ka for better viewing.
Madilim na nang lumakad ako pabalik sa hotel. Medyo naligaw, kasi open na ang dating closed streets. Nakapagtanong at nakabalik rin.
Higa. Tulog. Ang pagod.
Kumakatok si Ojie at 9 pm. Ang lakas daw ng ulan. Purnada ang inihaw na panga. Bumili ako ng take-out Taps tocilog next door. I ate inside our room. Si Ojie sa Gaisano inabutan ng ulan, doon na nag-dinner sa food court.
Before sleeping, we decided na basta may group na pupunta sa monkey-eating eagle the following day, ay sasama kami.
Day 3, Sunday, August 25, 2002
Nag-alarm at 2:45 am (setting pa iyon nung Friday) ang clock na dinala pala at inilabas from the maleta ni Ojie, sus! Anyway, natulog uli at nagising nang maaga, may hot water shower pa! Ayos!
Ay, closed ang Davao Doctors Hospital canteen on Sundays. Walang open before 7 am kung hindi ang Dunkin Donuts. At least naka-hot chocolate. What to do till 7 am? Nag-internet cafe across the street to check my mail. P10 for 30 minutes, from 6:30-7 am. After 7 am, P15 na yung half hour.
Pinagtiyagaan ko na ang continental breakfast sa hotel. Good news, may jeepney na pupunta sa monkey-eating eagle! Sasama kami diyan, sabi ko agad kay Rose. Ginising ko na si Ojie. Nakipag-kuwentuhan kina Mrs Huang at Ka Lito Beltran.
Nakitikim ng lanzones at guava jelly.
Na-traffic ang jeepney. Habang naghihintay, nanood muna ako ng floral parade on TV. Bumili na rin ng take-out tosi for baon sa Taps next door.
Past 9 na nakaalis. Kasama namin si Mrs Huang, mamimili ng suha at durian. Ang sarap ng simoy ng hangin sa countryside. Nakaamoy ng durian, excited na lahat. Tigil sa isang roadside stall, sample ng suha. Maasim, declared Mrs. Huang. Tigil uli sa isa pang stall. Sample ng durian saka suha. Nagpaiwan si Maam. Kami, tuloy na sa Malagos.
Nakarating sa Philippine Eagle Center at 10:30 am. O isang oras tayo dito. Back to the jeepney at 11:30 am, ha?
May fruit stall sa entrance. Tikim ng rambutan. Ang tamis! Bumili kami, P15 per kilo. Tikim rin ng suha.
Maraming unfamiliar vegetation. Ang mga agila, hindi nagsisilipad. Naka-perch lang sa branch. Ang boring nga siguro ng buhay nila, hindi maka-soar, kasi caged. I tried mimicking their sounds. Uy, sumasagot. 5 out of the 13 eagles are on display. Si Kalayaan, snob, kept looking down on us in disdain, ang hirap kunan ng picture, ang taas ng perch. Ni ayaw mag-spread ng wings.
Kuha ng mga tourist shots.
Balik sa souvenirs center. Napansin ang isang ibon with brown plumes. Ano ang pangalan niya? Alex, sabi ng guwardiya. Kinunan ko ng picture. Sana, mapalipat mo siya dun sa edge nung branch, request ko sa guwardiya. Sinubukan, pero ayaw ni Alex, kasi siguro mainit dun sa dulo. Yung ibang tourists, nag-pose with Alex. Tinuka pa nga niya ang finger nung isang guy. Yung mga kasama naming photographers also took close-up shots of Alex. Mga na-frustrate iyon sa eagles.
Anong puno yung mga palms na iyon with roots that look like poles? Romblon daw sabi ng guwardiya. Ginagawang banig yung palm leaves. Ahh . . Kinunan ko ng picture, sana malinaw.
Balik na sa jeepney. Inalok ko ng rambutan ang driver at ang alalay niya. Natawa at tumanggi. Ito na lang graham crackers, galing sa amin. Tinanggap.
Nang magbalikan na ang iba, nag-tip ang driver. Masarap ho ang durian dito, native variety. Siyanga ba? Bumalik ako sa fruit stall (ubos na yung rambutan nila) at bumili ng isang durian for P50. Ang sarap nga, nilantakan naming lahat sa jeepney.
Heaven!
Next stop, Malagos Garden Resort, an orchid farm. Rambutan tree ang una kong napansin. Para palang atsuete.The rest opted to eat lunch at the restaurant there. Kami ni Ojie may baon na tosi from Taps. So while they wasted the time waiting for food to be served, naikot namin ang butterfly sanctuary, bird park that even had 3 ostrich aside from pheasants, peacocks, parrot, woodpecker, at yung blue ones with a majestic head gear. Halos maubos ko ang isang roll of film dito.
Merong marang trees. Family siguro ng langka. Beware of falling durian, warned a sign near the towering tree.
Of course, tourist shots with orchids.
Natagalan ang mga kumakain. Kami sa jeepney nag-lunch. Ayos!
Nawalan na ng time pagpunta sa Crocodile Farm.
Tulugan on the way back. We made a brief stop at the Shrine of the Holy Child of Prague on the hilltop overlooking the city.
I remember having gone up this hill more than 20 years ago.
We are back at the hotel. Freshened up and packed. Nanood ng TV coverage ng Indigenous Dance of Mindanao competition. Tumawag ang desk at 4. Mag-pack na raw at aalis na at 4:30 pm. Bihis,labas ng mga dala-dalahan sa lobby. Bili uli ng baon sa Taps next door. Inubos ang remaining shots of the loaded roll, taking pictures of the neighborhood. Submit ng rolls of film kay Rose.
We were among the first batch of 10 in the van to the airport. Delayed ang flight to 8:15 pm, informed Tony Yu who got a text message from his friend billeted at Marco Polo. We got to the airport at 5:15 pm. Puwede raw kaming masakay dun sa flight that boards at 5:30 pm. Ayos. Sige. We flew at 6 pm. Umuulan na sa Davao.
Sa kahuli-hulihang row kami nalagay, walang recline ang seats. Mauga ang biyahe, nag-suspend pa nga ng food service at a certain point. Gutom na ako, kinain ko na ang baon kong Taps tosi with vinegar pa nga. Let me get you a drink for that, habol ng steward. (He, he, he! Me baon din yata akong Mt Apo mineral water, product of Davao!)
We touched down at 7:15 pm. Bumuhos ang ulan. We got a metered taxi on the third floor. Ayos! Tuloy-tuloy ang biyahe.
Kumain ng dalawang Davao pomelo bago natulog. Ang tatamis. Parang ayaw ko nang tigilan.
Kinabukasan, tumawag si Mrs Huang. Yung durian candies na order ko, di niya naibigay sa airport dahil nauna kami! Ma'am, itabi lang ninyo diyan at kukunin ni Ojie bukas. Ano'ng oras kayo dumating kagabi? Halos 11 pm daw. Ang suwerte pala namin talaga!