MSD Outing to Iba, Zambales : March 14-15, 2003
Pictures may be viewed at
http://photos.yahoo.com/ana_b_urbina and at the album 2003 MSD Summer.Martes pa lang, dala ko na sa office ang aking sleeping (kulambo at kumot) and swimming (bathing suit and beach towel) things. Para di malimutan! Na-order ko na rin ang baon kong chicken-pork adobo and rice kay Aling Ester at the garage. Lulutuan rin daw ako ng bagoong. Ready by 6:30 am, our scheduled departure time. Na-order na rin ang itlog na maalat kay Odet, ide-deliver nang Thursday. Ayos!
Huwebes, ala-una ako dumating sa office. Wala na si Aling Ester sa garage! Opps! Baka malimutang lutuin ang baon ko! Noemi, isahog mo na nga ako sa sinaing mo for breakfast and lunch, just in case. Meron na akong 6 itlog na maalat, at may isang boteng Montano sardines pala dine sa module ko, pasalubong ni Ed from Dipolog 2 weeks ago. Huwag ko sanang malimutan ang strawberry jam pampalaman sa pandesal for Saturday breakfast.
Thursday night, pack nung mga nalimutan na kailangan. Strawberry jam. Socks, bonnet, sweater, baka malamig sa gabi. Tulog at 10 pm.
Gising at 4:30 am. Una pa sa alarm set at 4:40 am. Ligo. Inom ng mainit na Milo. Etc. Quarter to 6, medyo madilim pa, lakad na. Baka maiwanan.
Derecho na sa tourist bus na naka-park in front of our building. Reserve a seat.
Tuloy sa garage at . . . hinagpis! Wala pa si Aling Ester! Wala akong baon, hu, hu, hu . . . !
Kuha ng bag, unan, toiletries, kusina (tray, spoon and fork, dishwashing soap, basahan) sa office.
Roll call na. Everybody accounted for. Let's go! 7 am lumarga na.
Panay ang daldal ni Mong, ang driver na taga-Zambales na siyang guide kuno. Sister-in-law niya ang owner ng beach house na pupuntahan namin. Sakay rin namin ang isang sakong bigas niya, at ang sasabunging manok niya na ilalaban sa derby that afternoon.
Kaya pag medyo maiidlip ka sa bus, bigla kang gigisingin ng manok na tumitilaok!
Maraming ipinasang pagkain sa bus. Nilagang saging, nilagang mani, nilagang mais, pandesal with cheese, fita biscuits, and fish crackers with sukang maanghang na sawsawan.
Mong, umaamoy itong alaga mong manok, complained Elvie. Ilipat mo sa compartment. (Wala palang compartment ang bus namin.) At siempre, ayaw ni Mong, kasi dapat in air-conditioned comfort ang isasabong niya. Tinakpan na lang ng diyaryo ang kahon ng manok, at dun inilagay sa may hagdan ng bus.
Medyo na-traffic kami at 8 am dun sa San Fernando.
Nakakita ng mga duyan sa daan. Bili tayo, kung may pagsasabitan dun sa Zambales. Marami daw dun sa kanila, gawa ng mga Ita, ani Mong. Sige, dun na lang.
Sa Bacolor, ang daming mga woodcarvings ng mga santo at mga muebles, ang gaganda. Daan tayo pagbalik, para may cultural activity rin naman itong outing.
Jingle stop. Sa Double Happiness in Lubao kami tumigil. Kumain sandali ang mga drivers. Alas-tres pa raw kami darating sa Iba, biro lang. Tatlong oras pa raw ang biyahe.
Yung dalawang bus na katabi namin sa pagkaparada ay outing ng mga taga PUP. Yung professor-chaperone nila ay former officemate namin who took a doctorate degree and went to the academe. Umaatikabong kumustahan.
Olongapo City na. Dinaanan ang elementary school ni Henry. Color-coded ang mga PUJ, panay dilaw. Bawal ang tamad sa Olongapo. Puwede ako dito, sabi ni Imee, pero ikaw Malou, bakit ka nandito? Meaning . . .?
Dalawang oras pa ang biyahe, sabi ni Pogi who has roots in Castillejos, Zambales. Panay Magsaysay ang nakikitang pangalan dun sa Castillejos. Tagaroon si Pres. Ramon Magsaysay.
Dumaan kami sa heart of laharland. May areas na parang may sandstorm pa.
A series of towns named after saints followed, and then a sign Iba, 7 kms.
10 minutes na lang, sabi ni Mong, pero teka, nasaan ang beach? Yun pala sa NFA Provincial Office muna kami to pay a courtesy call to Manager JJ. Siempre dapat nag-re-register sa embassy pag nangingibang-bayan.
Kumakain si Mgr. JJ sa room niya at 11:30 am, but I noted that all the employees were at their posts, working. Kagulo na, kani-kanyang kumustahan.
Una, niyaya kami ni Manager JJ na kumain doon, pero nang malaman na ang dami namin, e pina-sige na kami na huwag na roon kumain.
A few more minutes, nakita na ang dagat, at eto na kami sa ARC Beach Resort sa Lipaydingin, Panibuatan in Iba, Zambales.
Isang kaing ng hinog na mangga from Mong welcomed us to our beach home. And sarap! Ang tamis!
Kani-kanyang kuha ng kuwartong tutulugan. The ladies claimed the room with tile floors and sliding capiz doors. Levi's family took the next room with a big bed. Noemi and her kids went up to the attic. So did Malou's family. Hindi ako puwede sa aakyat ng hagdan, so I took the room with a papag and bamboo floors. The younger generation said they will sleep on the beach, so they just dumped their things on the balkon. Ayos ang distribution!
May nag-init ng adobo, but mostly ay binuksan lang ang mga lalagyan at inihain ang mga baon. What a variety of food! Pinakbet, halabos na hipon, spaghetti, itlog na maalat with kamatis, at bicol express na tahong na ubod nang anghang pero napakasarap!
After lunch, nanguha ng beddings (banig, kumot, unan) at nagsipaglatag. Ako ay nag-nap, sila ay nag-mahjong.
Pagkagising ko at 3 pm, may kinakain na silang Indian mangoes with bagoong, at may tinolang manok pa, padala ni Mong.
Eto na ang tawag ng Boss, from Manila. Bigyan daw ng instructions ang mga naiwan sa office, at may system na kailangang mag-file build-up na. He, he, he! Ang celfone ko ay off! Konting twagan at text lang, ayos na.
Picture taking na, pang-inggit sa mga hindi sumama.
Ang mga misis, pumunta sa palengke, bibili ng isda.
Explored the backyard. May mga puno ng balubad (kasuy). Binigyan ako ni Roy ng isa. Ang tamis!
Binati ang masipag na labandera. Ang bango ng mga sinampay. Ang dali magpatuyo ng damit, kasi ang hangin! Pagkatapos daw niyang maglaba, sasamahan kami sa beach.
Alas kuwatro, lumusong na sa beach ang young crowd. I did not dare, kasi ang lakas ng hangin at ang lamig ng tubig.
Dumating ang mga nagsi-palengke. Ang bangus na 1.5 kilos, spilling out sa plastic sandobag ang tail. Na-busy ang kusina. Tinalbos ang talbos ng kamote, nilinis ang mga isda, inayos ang mga sawsawan, isinalang ang sinaing.
Umahon sa dagat ang young crowd. Sila ang volunteers sa ihawan. Kami naman ang pumunta sa dagat.
Ang ginaw. Hindi ako lumusong, pero naglakad ako sa thick sand. Ang galing na exercise.
Ako ang photographer nung malapit nang mag-sunset. Lahat ng posing, ginawa. Mayroon pang censored. Bottoms up, saka topless. The former meant they removed their shorts and held them up in the air. The latter, well, they removed their shirts and held them up the air. Si Tita Jers (our gay officemate), embraced Philip in one shot. O, lumundag kayong sabay-sabay, klik! Hahawakan daw niya ang sun, sabi ni Pogi. Sige. Ang anak ni Noemi, umiiyak, hindi na nahabol ang mabilis na lumubog na araw!
Lahat ng ayaw lumusong, pilit nilang hinila sa dagat, puwera ako. Ang takot lang nila!
Finally, gininaw na lahat, nagsi-ahon.
Kumusta ang pag-iihaw? Inilipat ang location ng tungko and grill, kasi may bagong panganak sa katabing kubo. Jojo can relate, sabi ni Delano, kaya nalipat agad. (Nung December lang ipinanganak ang preemie na panganay ni Jojo.)
Nakasalang ang iihawing bangus, at susunod ang mga talong. Bakit tinuli ang mga talong? (Tapyas ang mga dulo.) Kasi, matataba at mahahaba, baka sumabog.
Ayan ang kaya kong gawin, magbalat ng inihaw na talong., I volunteered. Sus, ang nipis ng balat ng talong! Natambakan ako ng babalatan kaya sabi ni Roy kay Imee: "Mukhang kailangan ni Ma'am Ana ng assistance". Ang bilis ni Imee, 3 niya sa isa ko ang rate ng pagbalat. Tapos agad. Luto kaya ang inihaw na bangus? Tinusok ng tinidor. See? No blood!, declared Roy.
Set na ng table. O, picture muna bago lafang. Manay Elvie led the prayers. Amen.
Masaganang hapunan! Tinolang manok at sinigang na tanigue, inihaw na spare ribs, malaking bangus at talong, steamed talbos ng kamote, sawsawang kamatis, sbuyas at bagoong. Saka suka at toyo with sili and calamansi. Adobo and more. Tumba ang sinaing, na dapat sana, ang matitira ay sasangagin pa kinabukasan para almusal. Ang linamnam ng mga bagong huling isda!
Hinagpis ang ligpitan ng kinainan at nilutuan.
Young crowd went back to the beach, doon matutulog. Older female crowd followed, with red wine and chicharon.
Ako ay nagkabit ng kulambo at natulog.
Nagising ako near midnight and joined the older male crowd na nagsisipag-beer sa balkon. Ang ganda mag-stargazing! The sky was clear and bright.
Maya-maya, eto na ang older female crowd from the beach, looking like muslim women, all covered up. Di nakatagal sa lamig at lakas ng hangin.
We really got away from it all. No telephone, radio, TV, videoke . Hindi puwede sa reading yung lights. Sarili namin yung buong beach.
At midnight, everyone went to bed. Sarap matulog! Tahimik ang buong paligid. Medyo matigas nga lang na higaan ang papag, walang kutson.
Nagising ako na may mga nagkakape na sa kusina. Sus, alas kuwatro y medya!
Kinunan ko sila ng picture na nangakapangalumbaba. When they went to go jogging in the beach, bumalik ako sa higaan. Kaso, bigla akong naalimpungatan ng distant na potpot ng nagtitinda ng pandesal! Bilis bangon. Put on a fisherman's hat plus pangginaw over my nightdress and went out. Deserted ang kalsada, so I walked towards the potpot sound, which finally approached. Ang liliit ng pandesal! Walang panukli ang nagtitinda. Babalik na lang siya.
Dinala ko ang pandesal at strawberry jam sa beach, pero wala sila! Nandoon lang yung mga nakakulubong na natutulog na young crowd. Balik ako sa bahay, kumain ng pandesal. Gising na rin sina Malou. Si Noemi ang nautangan ko nung pambayad sa bumalik na nagtitinda ng pandesal.
Nagbihis na ako at bumalik sa beach para maglakad. Kinunan ko ng pictures yung mala-bangkay na nangatutulog doon.
Ang ganda ng lacy design left by the waves lapping the shore. Saka yung claw steps ng mga sea creatures. It was so peaceful there on the beach that early morn.
Pagbalik ko sa bahay, nagluluto na ng almusal sina Noemi at Levi. Isinangag ang konting kanin, at dahil di makita ang mantika (nasa bote pala ng suka), yung residue ng longganisang Lucban, saka sabaw ng adobo ang ginamit.
Naghain na. Nagdatingan ang young crowd. Hindi interesado sa pandesal and palaman (strawberry jam and Montano sardines from Dipolog) na inialok ko. Yung limited sinangag ang nadale, kaya I ended up eating spaghetti for breakfast.
Dumating sina Elvie, galing na pala sa palengke. Si Imee nakarating sa palengke nang nakatapak, dun na lang bumili ng tsinelas. Sila din daw ang nagsabi dun sa nagtitinda ng pandesal na gumawi dun sa may amin.
Nagprito ng itlog si Mely. May tinapay na inilabas si Elvie. Nagprito rin ng suman. Dapat may kasamang mangga ito, sabi ko. Kumuha si Imee ng mangga sa kuwarto. Ayos! Uy, bakit si Henry, may kinakaing sinangag? Na-donate pala yung itinabi ni Noemi para sa mga bata sana.
Kami nina Imee at Ipe ang nasalang sa ligpitan, kasi nagsipag-dagat na lahat. Bagal na bagal sila sa paghugas ko ng mga kinanan. Ops, me problema ang sinaing. Niremedyuhan ni Ipe. Isinalin ang iba sa another kaldero, nagdagdag ng tubig. Tita Jers, pabili naman ng bigas sa tindahan, just in case kailangang magsaing uli. Hindi nakatanggi, nanghiram na lang ng payong ang biyuti.
Si Josie, nag-conduct ng crash course sa tong-its for the young crowd.
Change into swimsuit na. Maginaw pa rin konti, pero lusong na kasi alas nuwebe na, and dapat ahon na at ten. Oppss! Muntik nang mawala ang eyeglasses ko, kasi nahulog nang lumangoy ako! Thirty minutes into the water, ahon muna para mag-merienda ng pandesal with sardinas. Balik uli , sana for ten more minute before ten, kaso nawili ng kuwento kina Henry at Philip, inabot kami nang eleven. Ayun, sunog ang unprotected back!
Ligo, tapos kuha ng picture dun sa ihawan sa likod bahay. Bonito ang tawag sa isdang inihaw. May fake posing pang umiinom kuno ng beer with the boys.
Tanghalian na. Nauna nang kumain ang mga pamilya. Ipinagtabi ng inihaw sina Elvie, na sasaglit uli sa palengke para sa iuuwing isda saka mangga. Ang lata ng sinaing (siopao raw, sabi ni Del) kaya yung tutong ang kinuha ko. Ang sarap!
Nap after lunch. Tahimik when I woke up. Nasa likod bahay, nag-iinuman habang nagkukuwentuhan ang grupo. Uy, bakit kayo lang ang may pistachio nuts? Chicharon ang pulutan.
Nagdatingan ang mga namalengke, at ni-reserve ang tricycle sa next batch na bibili ng mangga. Instead na kumain sa kusina, dinala ang inihaw sa nag-iinuman at doon na nag-posing uli. Pati mga bata, may tangang bote ng beer!
Eto na ang driver.Tiningnan lang siguro kung may pag-asang umalis nang maaga.
Bumalik ako sa bahay at nag-pack. Isinakay ko na ang aking big bag sa bus. Matutulog pa sana ako, pero maya-maya ay nagpa-andar na ng makina ang bus, at nagsakayan ang mga pamilya. Nakabalik na rin ang second batch ng namalengke.
Aalis na ba? Bumalik ako sa likod bahay at tinawag ang mga nag-iinuman pa. Ayun, e di binitbit ang mga gamit, nagligpit sa kusina, nag-settle ng accounts sa caretaker, and go na. Si Imee, hindi na yata nakapag-shower pa. Sina Henry, na may balak pa sanang bumalik sa dagat bago umuwi, ay sa bus na lang daw magtutuloy ng inuman.
Antok ang mga inuman boys, at walang madaldal na Mong, kaya nakatulog sa bus ang mga sakay.
Gising at nangagugutom na nung nasa Bataan na kami. Napasa ang fish crackers, chicharon at pati left over pandesal.
Jingle stop sa Double Happiness. Marami ang kumain ng goto. I just bought balut, just in case gutumin ako. Expected arrival sa office ay 7:30 pm.
Buhay na naman, mga busog, so maingay sa bus. Eto po, na-traffic nang matindi sa Lubao. Nakabili ng walis tingting, nag-picture-taking, while stuck in traffic. Pinagtiyagaan ang lahat ng kuwento ng aswang, manananggal at mangkukulam na walang pagod na inulit-ulit ng anak ni Levi. Tinawagan ang lahat ng sundo na may delay ang dating.
Talaga naman. Isang oras yatang hindi gumagalaw. Naiihi na kami, paano iyan?
At last, nakaraan sa gridlock. Pagdating sa Petron sa San Fernando, pinabuksan pati ang handicapped CR to accommodate everybody asap. Salamat!
Mahaba pa rin ang biyahe. Alas diyes dumating sa tollgate ng North Expressway. Finally, almost 10:30 pumarada sa office. Hay . . .
Maghapon akong nagtulog the following day. At magdamag pa that night. Bawi ang pagod ng long flight.
Monday, sabak lahat sa trabaho, ni hindi makuhang magkuwentuhan ng tungkol sa outing.