The humor in Nanay’s ruptured appendix emergency operation

Nanay hospitalized and operated on

I got a text message from my brother Ojie at 8:30 pm on May 12. Sumakit ang tiyan ng Nanay, dinala sa ospital. Under observation for the night. I sent text messages to my cousins in Cabanatuan to give support to my brother. (The landline in Cabanatuan was not receiving incoming calls.)

I woke up early the next morning. I got ready for going home to Cabanatuan. I was on low bat already, so I asked my brother if I can still drop by the office to get the charger. Okay. Nanay still under observation. Called up my sister in Baguio. She will advance her schedule of going home to Cabanatuan (set for the weekend) that morning.

At the office, first text update from Ojie: Diagnosis is ruptured appendix. Surgeon and cardiologist in conference.

Next text was a survey: Would I agree to opening up of Nanay? My answer: If there is a solution through medication, can we try that first? She is 86 years old, never been operated on, siguradong ne-nerbiyusin kung ooperahan.

Next text: No option except open up. Opps! Sige, we trust the doctor. When is the schedule?

Final text: Opening up at 1 p.m.

I told the bosses and my staff that I have to go. We were in the middle of a conference to produce our Information Systems Strategic Plan, and I was leading the discussion in scheduling and prioritizing our information systems for development.

I was at the Baliwag Transit terminal at 11:30 am. The bus left for Cabanatuan at 11:50 am.

I gave Ojie my location in thirty minute intervals, pero di na sumasagot sa text. Tulog na siguro habang inooperahan ang Nanay.

I went straight to the hospital. Ojie was sleeping inside Room 208. Tia Seding, 89 year-old elder sister of Nanay, was resting on the hospital bed. She directed me to where Tatay was, outside.

Tatay was visibly worried. Kept shaking his head, saying: " Hindi lang iyan appendix. Ang tagal na ng operation. Baka kung ano ang nakita upon opening."

"Tay, huwag kang mag-isip ng negative. Hindi ako kinakabahan, kaya ayos lang iyan. Baka pinagaganda ang pagtatahi."

My niece Cecille, a nurse by training, filled me on the details. She scrubbed and wheeled in Nanay to the anteroom, where she was sedated before being wheeled in to the operating room.

Both Nanay and Tia Seding are unaware of the operation. Check-up procedures lang ang alam nila!

By 5 pm, Tia Seding was already asking questions. Ang tagal naman ng check up daw. Cecille lied and told her that Nanay will stay longer in the room where she is being checked up, kasi mas malamig ang air-conditioning dun. Cecille then brough Tia Seding home, bago abutan ng paglabas ng Nanay sa operating room.

Sus, tatlong matatanda ang pasyente namin: ang Nanay kong inooperahan, ang Tatay kong kinakabahan, at ang Tia Seding kong siguradong kakabahan pag nalamang inooperahan ang Nanay!

Nagugutom na ako. Maraming pagkain sa room. Sige, kain habang naghihintay sa labas ng recovery room.

Finally, lumabas na si Dr. Perez. Explained to us what they found. The appendix ruptured several days ago. He wondered how Nanay withstood the pain. The amazing thing was how the body reacted. The large and small intestines stuck together and covered the holes, so her system functioned normally. Until the night before when infection manifested in a slight fever plus stomach ache.

I was the one who asked the doctor about Nanay’s chances:"Doc, ano po ang high, medium and low natin?" Frank anwer: "Given her age, she has 70% chance of recovery, so we will put her in the ICU as soon as she wakes up in the recovery room."

He then invited us to see the tissues he took out. The segment included a length of the small and large intestines plus the ruptured appendix. Parang tocinong hindi pa napiprito. ( Naalala ko yung kuwento ni EQ about his gallstones.)

Nanay was in the recovery room at 5:45 pm. She looked okay, although a little pale. She was transferred to the ICU at 6:30 pm.

Cecille is back from taking Tia Seding home. We kept Room 208 as OBR (Occupied by Relatives). We received visitors there. Mga kapwa Mason ng Tatay, classmates ni Ojie, various relatives, and the doctors, too.

Ang mga pinsan ko, dun pa nanood ng episode ng "Marina" sa hospital.

Kami ni Ojie ang overnight bantay. Tanong ng Tatay before going home, sasabihan daw ba ang brother at sister ko sa America? Naku, saka na pag may incoming na ang telepono sa Bitas. Okay naman ang Nanay, kawawa naman sila kung hindi makakatawag for updates. Torture iyon.

Nanay at the ICU

Ang main function ng bantay ay kumuha ng gamot sa Pharmacy at i-submit sa ICU. Ang dami nung prescriptions that first night! Pero isang batch lang kaya nakatulog rin kami ni Ojie.

May 14, 2004

Maaga siempre ang gising. More prescriptions. Attend to business. File Philhealth papers. Mason ang hospital owner, mason rin ang surgeon, kaya admitted sa hospital without a deposit.

Naoperahan na at lahat ang Nanay, ni singko ay wala pang ibinabayad, kakahiya naman. Pati pagkuha ng gamot sa Pharmacy, Philhealth ID lang ang ipinakikita.

10-11 am ang visiting hour sa ICU. Problema agad. Tinatanggal ng Nanay ang mga IV needles sa arms at ang oxygen tube sa nose. Kaya itinali siya ng nurses. Sus, nagagalit naman sa restraint, tumataas ang blood pressure. .

Gusto ng Nanay, babangon siya para umihi. E naka-catheter na, naka-diaper pa. Nagagalit rin na ayaw namin siyang ibangon. Sus, tumataas na naman ang blood pressure.

Sa 5-6 pm visiting hour, si Cecille ang bumanat. "Lola, makinig ka sa akin. Inoperahan ka para gumaling. Yang mga nakakabit sa iyo, pagkain mo, kaya huwag mong tatanggalin. Pag inalis mo, ikakabit uli, masasaktan ka. May sugat ka, kaya hindi ka muna babangon. Umihi ka lang diyan sa kama, bahala akong maglinis."

Nang mag-rounds ang doktor, pinalagyan ng mittens ang mga kamay ng Nanay, para di na siya nakatali. Nakiusap kami at pinayagang bantayan siya overnight sa ICU.

Mas napagod pa ako sa pag-entertain ng mga relatives and friends na dumadalaw kaysa sa pagbantay sa Nanay ko. Dun na naman sa hospital nanood ng episode ng "Marina" ang mga pinsan ko.

Saturday, May 15, regular ICU dalaw lang kami at 10-11 am and 5-6 pm. Nagseselos daw yung mga bantay nung mga ibang ICU patients dahil special treatment kami.

Sa lahat ng magbantay sa Nanay, panay pagkain ang tanong niya. Kumain na ba kayo? Kumain na ba ang Tatay niyo? Ano ang kinain ninyo? At ang reklamo, nagugutom daw siya.

Ang indicator ng frustration niya ay pagkakamot ng ulo. Pag isang kamay lang ang kumakamot, safe pa, pero pag nag-dalawang kamay na, watch out at siguradong tumaas na ang blood pressure!

Ang manugang pala ni Tia Seding na si Analyn, umamin nang inoperahan ang Nanay. Ayun, e di hagilap ng apo or kapitbahay ang Tia Seding para samahan siyang dumalaw sa hospital! At nang walang mayaya, umiinom na lang daw ng beer para makatulog. Sos!

Ang pinsan kong si Ate Baby na nasa California, tumawag daw sa akin sa office. Nang sabihan na naka-leave ako, nagtaka. Tumawag sa apartment ko. Siempre walang sumasagot. Tumawag sa Bitas, Cabanatuan. Walang incoming call sa bahay namin. Tumawag kay Analyn. Sinabi ni Analyn na inoperahan ang Nanay, nasa ICU, at 70% ang chances! Aba, e di tawag naman agad sa sister ko sa Florida si Ate Baby! Taranta ang sister ko! Tawag sa brother ko at nag-isip nang uuwi agad dito sa Pilipinas! As soon as na-activate ang incoming call sa Bitas, sunod-sunod ang overseas calls na tinanggap.

Ang good news, nagpaalam ang surgeon na aakyat ng Baguio. Ibinilin sa kanyang anak na doktora ang Nanay. Tay, ayos yan, kako. Siempre hindi aalis si Doctor Perez kung delikado ang lagay ng Nanay. Oo nga, ano? Agree siya.

Ang taas ng blood pressure ng Nanay at 9:30 pm. Pinakuha kami ng gamot sa Pharmacy. At binawal kaming mag-overnight watch, kasi baka raw pag nakikita kami ay na-e-excite.

Sunday, May 16

Maaga akong nagising at 5:30 am. Baba sa ICU. Uy, medyo hawi nang konti ang kurtina, nakakasilip sa loob. Nag-i- sponge bath sila ng mga pasyente. Marami kaming bantay na pasilip-silip. Naki-upo ako dun sa benches with them. Kuwentuhan, kumustahan. Parang isang community yung mga bantay. Yung isang pasyente, Tatay ng barkada ni Ojie. Yung asawa nung isa pang pasyente, kamag-anak ng isang classmate ko sa elementary. Kapitbahay namin yung anak nung isa pa. Familiar ang surname nung isang pasyente, tinanong ko yung anak na bantay kung Tita niya yung isang schoolmate ko sa Cabanatuan East Central. Oo daw.

Ako ang taga-assign ng bantay ng Nanay. Ang Tatay ko sa 10-11 am. Si Ojie sa 5-6 pm. Si Cecille sa 10:30 pm, after her telenovelas na sinusubaybayan. Ako ang reliever ng lahat.

Habang nakakasilip dun sa kurtina, nakaupo kami dun sa benches at nakiki-bonding dun sa mga ibang bantay. Hindi na hawi ang kurtina after noontime, so akyat kami sa room.

Bumaba ako sa ICU at 2:30 pm. Hindi hawi ang kurtina, pero dahil translucent naman, nakita kong several nurses were around Nanay’s bed. I gowned and went in. Kunyari magtatanong lang kung may prescription. Umakyat lahat ang dugo sa ulo ko, dahil nag-i-struggle ang Nanay. Lumapit ako. They were trying to re-insert the IV’s. Natanggal niya lahat pati yung NGT tube to the stomach, at pati yung dressing ng sugat! Tapos sabi sa akin ng Nanay ko, uuwi na raw siya!

I accused the supervisor at the ICU that they are neglecting their patient! Pabayaan ninyo kaming magbantay, mangiyak-ngiyak sa galit kong sabi. Tinawag ko ang brother ko, pinabantayan ang Nanay ko. Sinugod ko ang resident doctor sa emergency room and informed him that we will watch over Nanay. Hindi ninyo kami mapapaalis sa ICU!

Tinawagan nila ang doktorang anak ni Doctor Perez. She re-inserted the NGT tube. Dressed the wound.

We took turns sa pagbabantay. Sila pa nga ang nag-request na magbantay ang Tatay nung medyo gabi na kasi agitated talaga ang Nanay. Bumaba ang Potassium level. Mataas ang blood pressure.

Dalawa lang kami ni Ojie that night. He took the 10 pm slot.

Monday, May 17

I relieved Ojie at 2:30 am. Hanggang 8:30 am ako. 9-11 am ang Tatay. Mas malakas na ang boses ng Nanay sa reklamong nagugutom siya. Nung mag-rounds ang doctor, ang demand niya ay "Pagkain! Nagugutom ako!" At ang sabi sa akin: "Papatayin ka sa gutom dito! Uuwi na ako!"

May mga nag-report na student nurses. Medyo naaliw ang Nanay, kasi ang nag-aayos sa kanya ay hindi yung mga nurses na nagtali sa kanya. Kinunan ko pa nga siya ng picture with the student nurse na na-assign sa kanya.

Naiwanan din namin ang Nanay sa siguradong close watch nung mga student nurses.

Nagpahinga kami nung afternoon. The student nurses were off at 3 pm. We resumed our watch.

Si Ojie sa 3-5.

Dumating si Cecille at 4 pm, kasama si Tia Seding. Ipinakita ko muna ang picture taken earlier at the ICU. Tapos, ni-request namin na hawiin ang kurtina para masilip niya ang Nanay. Kontento na at nakita na. Hindi na nga pumasok sa ICU. Umuwi na uli kasama ni Cecille.

Kaso tumaas ang blood pressure ng Nanay dahil na-excite nang makita si Tia Seding! Opps. Tatay muna ang nagbantay till 7pm. Ako sa 7-10:30, kasi may telenovela si Cecille. Siya na raw till morning.

Opps, at 9:30 pm, pina-aalis ako ng head ng ICU team at nandun daw yung supervising nurse. Puede kong kausapin? Oo daw. Mukhang mabagsik yung nurse. I introduced myself. And said I hope she is aware of the circumstances that led to our insistence to watch over Nanay. Pinaupo ako. Nag-explain. Sinabi ko lahat ang observations ko while I was on overnight watch at the ICU. Sumilip si Cecille. Kapalit kong magbabantay, trained nurse, I pointed out.

I was assured that they will keep watch over Nanay. Lumabas ako. Nag-press con sa lahat ng mga ibang bantay dun sa benches. Mahaba at serious ang meeting ng mga nurses sa loob ng ICU. 11 pm na umuwi yung supervising nurse. Binati at nginitian kami pagdaan.

That whole night, up on their toes ang mga tao dun sa ICU. Panay pa ang inspect ng isa pang supervisor.

Nanay out of ICU

May 18, Tuesday

Nag-rounds ang doctor at 7:30 am. Tinanong ang Nanay kung nautot na siya. Oo daw, kahapon pa. E ngayon po? "Di lang daw nautot, na-ipot pa!", ang sagot. Naka, wala naman nang i-check ang diaper.

At dahil tumaas na ang potassium level, puede nang i-release from ICU.

Inayos na namin ang room for Nanay’s transfer. She was wheeled in just before lunch. Inabutan kami ng mag-asawang Alice at Olan na mina-maneuver ang pag-ihi ng Nanay. Siempre, i-uupo siya kahit nga may catheter at diaper pa. Iyon ang gusto. Di raw niya gawi ang umihi nang nakahiga sa kama. Request kayo ng commode, meron itong hospital, suggested Alice. Ayos!

Eto lang muna ang dinala namin (mamon, oatmeal and chocolate drinks), kasi di ko pa alam kung ano ang puwedeng kainin ni Tia Lucia, ani Alice. Ay, huwag kang mag-alala at wala namang bawal kainin ang mga bantay, biro namin.Puwede mong dalhin kahit ano, hindi kami mapili. Ang tatakaw!, sagot ng Nanay.

Rested na rested ang tulog ng Nanay out of ICU that afternoon. Ang lakas nga maghilik.

Nagdala ng folding table saka extra mattress from the house ang sister ko early evening. Ang ibinibilin lang ng Nanay sa kanya ay tayaan ang 15-21 sa jueteng!

Kaso, na-vacate ang Room 208 (may ICU quality bed, may ref, additional P100 per day lang, sabi ni Cecille). Lipat kami agad, siempre!

Ginabi nang uwi ang tataya sa jueteng Hindi naipasok ang taya sa 15-21.

Every 3 hours kung umihi ang Nanay. Puyat kaming tatlo nina Ojie at Cecille, kasi talagang i-uupo sa commode each time. Tumataas pa ang blood pressure each time dahil napapagod siempre. At ang mga gamot na iinumin orally, kailangan hinahaluan ng sugar, otherwise, iniluluwa. Kasali dun yung gamot sa high blood. Yung kumuha ng blood sample for the potassium, sinipa niya!

May 19, Wednesday

Ang early morning news ng sister ko: tumama daw sa jueteng ang 15-1 the night before. Sasabihin ba natin sa Nanay? Naku huwag, baka tumaas ang blood pressure!

Nag-rounds ang doctor. Uuwi na raw siya, sabi ng Nanay. Kailangan ka munang matae bago ka pauwiin, sabi ng doctor. Sure enough, at 10 am, tumae na.

Just before lunch, sumilip ang linen lady sa room, at tinanong ang Nanay ko kung gustong tumaya sa jueteng! Inay, may kubrador pala sa hospital! Tinayaan yung 15-21 combination.

Hagalpakan kami ng mga Tatay ko! Onli in da Pilipins, he kept saying, shaking his head!

O, Tay, siguro naman ay puwede ko nang iwanan ang Nanay. Tumataya na sa jueteng. Naka-tae na. Papasok muna ako sa office, mag-papa-pirma ng Philhealth papers, at magta-transfer ng perang pantubos sa hospital.

Nag-caucus pa nga kami ni Cecille kung magkano ba ang dapat ihanda. Ilang araw ko nang tinatanong ang mga doctors, ayaw magsi-sagot. Si Dr. Pascual daw ang pinakasikat na anesthesiologist sa Cabanatuan. Major operation yung ginawa ni Dr. Perez sa Nanay. Si Dr. De la Cruz ay Heart Center trained cardiologist. Yung mismong hospital ay Medicard affiliate. So sige, i-upward estimate na lang sa St Lukes’ level, para di kulangin.

I left after lunch. Ni hindi ako nakadaan sa bahay namin. Ang lakas ng ulan sa biyahe! Nag-dinner muna ako sa McDo bago natulog nang mahimbing sa Kalayaan apt ko.

Nanay out of the hospital

May 20, 2004 Thursday

Low bat na low bat ako pagpasok sa ofis. Yung high-backed chair ang gamit ko para nakaka-nakaw ng tulog.

Siempre, kinumusta ng lahat ng nagdasal kung ano na ang lagay ng Nanay. Ayun, awa ng Diyos, iniwan kong tumataya na sa jueteng! Hagalpakan ang lahat!

I had my Philhealth papers signed. I went to Land Bank PCSO Extension Office to transfer funds.

Ayos!

Ang Nanay, pina-iinom na ng fresh fruit juice, one tablespoon every hour. Iyon lang ang allowable peristaltic movement ng kanyang still healing large and small intestine joint.

May 21, 2004 Friday

Stil low bat sa ofis.

Ang Nanay, pinaiinom na ng soup. Pinakakain na ng bits of mamon.

Baka daw sa weekend ma-discharge na.

Ojie, di ko yata kayang gumising nang maaga Saturday. Okay lang ba ang afternoon trip straight to the hospital? Okay daw.

May 22, 2004 Saturday

Salamat at dumating si Julie sa apartment. For the last time daw kasi uuwi na ang family niya sa Ifugao. At least, she straightened out my home and my laundry while I went back to Cabanatuan.

Uy, okay na talaga ang Nanay. Looking forward to going home na.

Conference uli kami, ano ang mga preparations sa bahay naman. Absolutely necessary ang commode. Nanghihiram sana ako ng isang unit sa hospital, hindi puwede dahil they only have a few. But the nurses told us where to get one, isang hospital supplies company sa bayan, owned by another mason.

Puyat again sa hospital. Ang na-discover ko, pag tinabihan sa kama ang Nanay, uusog siya to give me room. O di sige, dahil hindi ko siya kayang iusog by myself, sinisiksik ko na lang siya sa kama para siya mag-move. Ayos! I taught the same technique to Cecille. Kaya ang bantay, nakaka-pahinga rin.

May 23, 2004 Sunday

Nag-rounds ang doctor at mid-morning. Clean bill of health. Puwede nang umuwi pagka-settle ng bill.

Earlier, kinausap ko na ang Accounting na payagan akong mag-promissory note. No problem with amount pero weekend nga pala, may limit ang withdrawal sa ATM, P20,000 max per day! Si Ojie na lang ang babalik Monday.

Earlier din, nabili na and napa-deliver na ang commode sa bahay. Kahit Sunday, nagbukas ang tindahan, binigyan pa kami ng substantial discount dahil kapwa-mason.

Ang pinsan ko, naghihintay lang ng text para sunduin kami. We told him to fetch us after taking his lunch. Kami rin, nag-lunch muna sa hospital. Masarap ang pagkain dun, lutong bahay talaga. (Sample: sinigang na bangus na ang pang-asim ay usbong ng sampalok!) May cooperative ang employees which runs the canteen. Very reasonable ang prices.

O, Nay, uuwi na. Practice na tayo ng paglakad. Step by step with the walker. Tuloy-tuloy. Lumabas na ng room.

Ayaw nang pumasok uli. E di pina-upo na lang sa wheelchair sa labas ng room. Buti at malamig ang panahon. After 30 minutes, nanlalambot na siya. O, mahiga ka muna uli. Ayaw na talagang bumalik sa room!

Finally, she was very slowly wheeled out to the waiting vehicle. Panay ang wave goodbye sa mga nurses dun sa station.

Yung commode ang ginamit naming parang stretcher to get her inside her room in the house.

Sosyalan muna sila ng mga well-wishers while we got more baked goodies and diapers and had her take home prescriptions filled sa botica sa may crossing.

 

Conference muna about homecare for Nanay before I went back to Manila. Meals, medicines, procedures and shifts. Tay, wala ka munang lakwatsa. Cecille, night duty ka. Maintain written record sa clipboard. Parang may charting pa rin tayo. Ang check-up, sa June 1. Ang mga pet dogs, bawal pumasok sa kuwarto. Baka dambahan ang sugat, yari tayo.

Tulog ako the whole time sa bus going back to Manila.

P. S.

Nanay is at home in Cabanatuan and is getting home visits from the surgeon, imagine that! My sister is going home next month. Sabi niya sa Nanay ko over the phone, "Nay, maglakad-lakad ka para malakas ka na pagdating ko." Sagot ng Nanay ko, "Tumatakbo na ko nun!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1