My 56th Birthday
January 13, 2005
I will think of my birthday as another New Year. So I will do the coins routine again. Will put USA coins on the windowsill and let's see if it gives me a USA trip within my 56th year!
It is also time to start resolutions so I will not watch TV while lying down starting tonight.
Will go to the City Hall for my residence certificate (cedula) and to the GSIS for my e-card tomorrow.
January 14, 2005
Last thing I did before sleeping last night was line up quarter, dimes, nickels and pennies, even NY subway tokens and Las Vegas casinos gaming tokens on my windowsill. And I also placed a $20 inside my wallet.
The ringing phone woke me up. Si Ataboy, who wanted to be first to greet me a happy birthday. Sus, alas siyete na pala iyon! I had intended to get my cedula in City Hall at 7:30!
I was about to fry an egg when Pinky called. Said she figured I was talking to Ataboy when she called earlier and the line was busy. Kwentuhan kami sandali. Di ko ma-locate ang cellphone kong tunog nang tunog!
Tawag ang Nanay, kelan daw ako uuwi. GSIS ako ngayon. Bahala na bukas.
Naka-breakfast ng egg and cheese sandwiches, nakaligo at nakita rin ang cellphone. Sagot sa messages. Put on my brown dress and wore my brown boots. Hangos na at may ka-date sa GSIS by 10 am. Skip na ang cedula, alas nuebe na!
Jeepney to MRT Kamuning. Nakatayo sa MRT up to Ayala. Nakipag-ngitian pa ako dun sa bata who kept reaching for my bag of documents which I carried schoolboy style. Got off in Pasay Rotonda. Decided to take the LRT to Buendia. Single fare system, P15 pala. I did not insert the card properly. Side not showing GMA pala dapat. What is this segregation of the sexes in the boarding area? I asked the lady guard, ganoon daw talaga. I boarded the first car.Uy, may cordoned off area pa for the handicapped and the elderly. Ayos, a.
Tinulungan ako ng traffic enforcer pagtawid sa may Buendia. Pinahinto ng tagalinis ng kalye ang papaalis nang GSIS shuttle bus so nakahabol ako kahit tayuan. May nagpaupo sa akin. Salamat dahil ang bigat ng bag ko, sabi ko sa nakatabi kong kasama niya. Siya rin daw, may duplicates pa lahat ng documents. Dala ko pati payslips ko,dagdag ko pa.
Yung palusot sa guwardiya dun sa may GSIS Museum na nangangalog ang tuhod ko sa pag-akyat dun sa escalator na hindi umaandar ang nag-iwas sa akin dun sa pila ng pagkuha ng entry pass sa lobby. Derecho ako sa e-card processing dun sa may malapit sa canteen. At dahil suwerteng andun pa ang kausap ko last Dec 28 nang magsimula akong magpaayos ng date of birth data, derecho na ako sa picture taking for the e-card. Kaya beauty ako sa aking 56th birthday photo on the GSIS e-card! Yung mga kasabay ko e panis na ang ngiti sa haba at tagal ng pila nila.
Nagpadala ng pagkain si Mommy Asperilla sa office, tawag sa akin ng assistant ko. Kainin ninyo.Uubusin na raw ba nila? Tirhan ninyo ako para matikman ko mamaya.
Punta na ako sa releasing area ng e-cards. Aabutin na ba iyan ng lunch break? Puwede bang kumain muna ako saka bumalik? Oo daw. Nakita ko ang isang ka-officemate on the way to the canteen. Magpapa-xerox daw siya. May pagkain sa office, kako. Pagtirhan daw siya. Aba, i-text mo sila.
Wow, sarap ng lunch ko. Pinapaitan, ginisang munggo, rice and fruit salad. Binitbit ko ang tray to the executive dining area (may red tablecloth and placemats) and leisurely ate my birthday lunch.
Pagbalik ko sa releasing area, pangalawa sa tinawag ang pangalan ko. Ayos!
Noon break pa. Umakyat na ako sa Membership Dept at nakiupo muna. Binigyan pa ako ng manager ng newspaper to read.
Nag-text ang ka-officemate ko na i-meet siya sa isang unit on the same floor. Ops, hinanapan ako ng guwardiya ng entry pass. Kakausapin ko lang po ang nag-text sa akin. Galing po ako dun sa membership. It worked. Pinaupo ako sa waiting area.
So, ayun, na-assist ako ng ka-officemate ko sa pag-update ng loan payments. Very friendly yung processor na kakilala na niya. Her area had an all blue motif, nakakatuwa. Ibig ko tuloy siyang padalhan ng something to add to her blue collection.
Then I went back to membership to update my service record. Happy Birthday!, bati pa sa akin nung assigned for posting of NFA records.
I was out of the GSIS at 3 pm. Everything accomplished. I reached the office at 4:30 pm. I had told them earlier in the year that I shall fix my GSIS records before my birthday. Yehey, may e-card na ako, I proudly announced to everybody. Totally most unfair, comment nila sa kuwento ko on how easily I got the card. (Aba, halos atakihin naman ako sa puso sa frustration nung ipaayos ko ang birthdate ko! December 28 ako unang pumunta, January 12 pinabalik, at buong afternoon naghintay sa authorized person who can update it.)
I called to thank Mommy and to tell her that I was about to have my lunch. Ang sarap ng pancit, kare-kare, callos and fruit salad na ipinadala niya.
May note na tumawag daw si Espie from Las Vegas. I checked my email and filed my GSIS records before going home. Bitbit na ang aking hapunan.
Agad hindi nasunod ang new year's resolution. Last two weeks na pala ang 'Lovers in Paris'. E di tatapusin na muna! May tula pa nga akong naumpisahan about it:
Ano nga ba ang pakialam ko
Kina Martin, Vivian at Carlo
Di ko nga sila kaanu-ano
Hindi sila tunay na mga tao
At lalong hindi rin mga Pilipino
Mabuti pang ang gawin ko
Ay ang magkuwento nang magkuwento
Ng totong pangyayari sa bawat araw ko
Libangan pang basahin ng mga kaibigan ko
Siempre, hinintay ko ang 11:30 pm, the hour of my birth, bago ako natulog.
January 15, 2005
Woke up at 6:30 am. Had breakfast. Got my cedula at the City Hall. Another call from Ataboy. Harvested my coins from the windowsill.