2008 Pasko

 

Pasko na talaga

 

hindi na mapigilan

 

natapos na ang mga kasayahan

 

sa opisina at sa  restoran

 

 

Noche Buena sa bahay

 

mamayang hatinggabi

 

yan ang  lalantakan

 

sana’y di gaanong mabundat

 

ang aking nagdurusang tiyan

 

 

hindi matapus-tapos na batian

 

yan pa ang nagaganap sa kasalukuyan

 

kung meron pa man akong nakalimutan

 

na batiin sa koreo , text o email kaya

 

sana  mabasa  niya  itong aking tula

 

 

Maligayang Pasko sa iyo!

 

Biyayaan  ka nawa

 

sa buong buhay mo.

 

Patnubayan ka nawa

 

sa lahat ng landas na tatahakin  mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1