Alay kay Luis, Aming Kaibigan
Paalam, Luis
Hanggang sa
muling pagkikita
Sa iyong biglaang paglisan
Binulaga mo kami talaga
Nakabibingi ngayon
ang katahimikan
Na hindi naririnig
ang iyong natatanging tawa
Sana lang,
tulad nang dati
Pinapunta mo uli ako sa Malacanang
Upang ang iyong karamdaman
Sa akin ay pahulaan
Malay natin, baka nahabaan
pa kahit konti
Ang makabuluhan mong buhay
Maraming Salamat sa lahat-lahat,
Luis
Sa iyong buong buhay
Na kami ay bahagi lagi
Sa masasaya mong mga kaarawan
Na kami ay laging inaanyayahan
Kasama ang QC Uptown
Lions
na alang-alang sa iyo
Ay amin na
ring mga kaibigan
Ang ginawa mo para sa aking Tatay
At lalung-lalo na
para sa aking
Nanay
Sa kanilang pagkaka-ospital
Sa St Lukes kung
saan
Ang Nanay ko ay namatay
Hinding-hindi ko
malilimutan
Paalam Luis
Pati ang langit
Ay lumuluha sa
iyong pagpanaw