Maaga na naman uli ang gising nung Tuesday.
Alas siyete ako nasa opisina, 7:30 am ang alis
ng service van namin
papuntang Malacanang. Binigyan pa ng limang minutong
palugit ang iba.
Eksaktong alas otso, nandoon na kami. Strikto sila. Nakalista
ang pangalan
ng may karapatang pumasok sa palatuntunan.
Pero, ano'ng suwerte naman! Nandoon sa Malacanang grounds
ang na-miss kong
reliquary ni St Therese!
Delayed ang palatuntunan ng Araw ni Balagtas. Tatapusin
muna ang misa for
St. Therese.
Pinayagan kaming sumali sa activities for St Therese!
Dahil kokonti lang ang
tao,
exclusive lang siempre sa kanila, 5 minutes lang sa pila
ay nakalapit na
kami sa reliquary niya. Just like the others, kumuha
rin kami ng mga
bulaklak doon.
At binigyan rin kami ng breakfast na juice drinks
at Binalot (kanin na
nakabalot sa dahon ng saging, with chicken pork adobo
and itlog na maalat
with kamatis).
Nakaakyat kami sa Kalayaan Hall by 9 am. Naki-join ang
delegation namin sa
two tables na hindi pa puno sa medyo harapan.
9:30 am nagsimula ang palatuntunan. Inantabayanan si Cong.
Ralph Recto na
panauhing pandangal, pero hindi dumating.
Ang invocation ay inawit na panalangin.
Ang sarap talagang makinig sa palatuntunan na panay Wikang Filipino ang salita!
Lahat ng nagsalita, pati emcee, kahit paano ay tumula
ng ilang saknong sa
mga sinulat ni Balagtas. O, natatandaan pa ba ninyo ang:
" Sa loob at labas ng bayan kong
sawi;
kaliluha'y
siyang nangyayaring hari
kagalinga't
bait ay nalulugami
ininis sa
hukay ng dusa't pighati."
May mga nag-balagtasan na taga-Nueva Ecija. Talaga naman,
naluha pa ang ale,
dahil sa galak! Sa wakas daw ay nakarating na ang balagtasan
nila sa Malacanang!
Parang lumabas na si Luis ang panauhing pandangal, kasi
hindi talaga
dumating si Ralph Recto. Aba, mas maganda naman ang talumpati
niya, at
siempre, ang delivery, ano? Matamang nakinig ang lahat!
Bb. Crescini would
have been very proud!
May intermission na kanta, "Aling Pag-ibig Pa", at saka
sayaw na may sunong
silang palayok (Girlie, ano'ng tawag doon?) Parang "Binasuan",
pero palayok
ang sunong, eh.
Nag-award ng Makata ng Taon, at nagbigay ng Gawad Parangal
sa ilan.
Magaganda ang mga talumpating tugon ng mga manunulat.
Pinuntahan ako ni Luis sa table namin (siempre di ko naman
siya masugod dun
sa presidential table sa harap). Ipinakilala ko sa kanya
ang mga kasama ko
sa NFA.
Sabi nung isa sa kanya: "Sir, sa TV lang namin kayo nakikita!"
Balik uli siya sa presidential table. Mahaba pa ang programa.
Ang mga tao nga, siguro gutom na, pumila na sa buffet
lunch kahit may mga
nagsasalita pa. (Sino ba naman ang mag-aakalang lunch
ang pagkain sa 8-12 na
program? Akala ko may coffee break, e wala.)
Nagutom na rin nga ako (buti nga at naka-breakfast pa
ng Binalot) kaya
pumila na rin ako sa buffet lunch while somebody was
reading the speech of
Ralph Recto.
Patalikod ang pagkapila ko, kaya nakaharap pa rin
ako sa bumabasa ng speech.
Dumaan uli si Luis sa pila namin pag-alis niya. Sumama
ako hanggang sa stairs.
Sabi niya, natakot daw siguro si Ralph Recto sa kanyang
mas magandang
talumpati, kaya hindi sumipot. Tapos, humagalpak nang
dinig dun sa buffet queue!
Masarap yung lunch, parang handaan fare.
After eating, pinuntahan ko yung table ng mga taga-Nueva
Ecija na
nag-balagtasan.
He, he, he, inimbita kami sa meeting ng mga makata sa
April 15. May grupo
pala, nag-bo-broadcast pa nga sa DWNE. I think I will
pursue this. Tuturuan
daw nila kami kung paano yung pag-panginig ng boses pag
tumutula!
Sa sasakyan, pabalik sa opisina, panay patula ang aming
mga salita.
Napakasaya ng grupo ng Lupon sa NFA! At ang mga pulong
rin ng Lupon ang
pinakamasaya sa nadadaluhan ko sa opisina.
------------------
Pahabol:
Tumawag si Luis kahapon. Nagkuwento.
Dumating daw siya sa Kalayaan Hall, 10:30 am. Tinanong
daw siya sa reception
desk kung saang opisina siya. Sagot: mensahero daw siya
na may ibibigay kay
Dra. Castillo, yung in-charge sa program.
Pinaupo siya sa likod at pinaghintay!
May nakakita sa kanya na taga-Malacanang, in-escort siya
sa presidential table.
Tawa siya nang tawa sa anonymity na na-accomplish niya for a time!
- - - - - - - - - - - - - - - -
AnaB,
The dance na palayok ang nakasunong sa ulo is called "Binoyogan."
Natatandaan ko pa, ano? Puro babae ang nagsasayaw nito.
Nag-enjoy ako sa account
mo.
Girlie
Thanks for sharing this. Do you know that Mina and I are
"daughters" of
Balagtas? Kasi taga Pandacan si Balagtas at ang mga Aspilleras
(the
Aspillera patriarch was called the "ama ng balarila").
Balarila is grammar in English, in case you forgot.
Gie