Letters to Ataboy:1998


                                    Ataboy is Aurora 'Rory' Asperilla-Santiago.



Reunion with Christine and Elmer

Reunion with Miss Cruz at St. Lukes       Ruth Monserrate-Villareal in Los Banos

 Golden Birthday of Ruth Ramos-Flores      At the Wake of Zeny K.'s Mother

 Reunion with Debbie and Brenda
 



Reunion with Christine and Elmer

                                                                                                                                May 27, 1998
Dear Ataboy,
 

First of all, nag-yes na kami for a joint reunion with prep66 sa year 2000 dito sa Pilipinas, me angal ba kayo?

It was an intimate dinner last night at the 'A Taste of L.A. Cafe' for Elmer, Felix, Christine, Ella, Girlie, Maripaz, Vergel, Joe Solidum, Manny Canillas of prep66, and me.

Ang nagpahintay na sina Pat and Franklin, di pala nakasakay sa eroplano as originally planned, kaya padating pa lang kagabi. The heavy downpour and the awful traffic probably discouraged the others who were on their way. Ella who left Makati at 5:30 pm arrived way past 8 pm, just to give you an idea how it was! Nang dumating si Vergel, tinanong naman si Ella kung saan dumaan.

The place to meet the Prepian family pala is doon sa 'A Taste Of L.A. Cafe'! Alam na ang mga waiters, kaya sila na ang magsasabi sa iyo kung sinong Prepians ang nandoon! We met three, one even sat and had a drink with us, another conversed  with us while we were not yet even seated, and of course the owner introduced himself and saw to our needs. (Kaya Ling, ang isang mini-reunion na order mo e doon natin gawin!)

Kaya pala doon ang pinili ni Vergel, masarap ang pagkain! The cheesecake melts in your mouth! Reasonable ang prices, kung dollar earner ka! Expensive kung sa mga 1K1T (translation, isang kahig isang tuka).

This is an intro. I have to attend a meeting, kaya mamaya na ang details!

      Nakupo, umaga pa lang  nakapundo na ang ulan. Siguradong merong malulusaw at di darating, sa loob-loob ko lang. Pero siempre, think positive!
      On time ako nakarating kahit ma-traffic. Wala pa raw tao, sabi ng waiters, pero nakaayos na yung nook na reserved exclusively for us. May mga prepians daw na ibang batch in some other parts of the place. Magsusuklay lang ako at lilibot, sabi ko.Paglabas ko, e me tao na raw, sabi ng waiter. Si Elmer! Na sinundan ni Felix. Nagkukuwentuhan pa lang kami na parang reception line (nakatayo), may prep71 na bumati sa amin. Na sinundan pa ng isang prep69. Alis ang prep69, stay ang prep71. Nangawit na kami, so naupo na at nag-drinks. Kuwentuhan pa rin. Umabot pala sa prep71 yung chain e-mail for Miss Cruz!
          Eto na si Christine at si Ella. Beso-beso, siempre! Bulong ko sa prep71, huwag kang magpapakilala. Gets naman agad niya. Of course, quiz of the evening kung sino 'yon. Natural, hindi mapagsino. Banat pa ni Felix: "Apat na taon ninyong kaklase, humaba lang ang buhok, di na ninyo makilala?" Umamin din kami matapos sila mai-goodtime! Iniwanan na kami ng prep71.
        Order na tayo, gutom na kami, sabi ni Felix. Asan ang mga iba? Na-traffic. Appetizers muna tayo. Sige.
        We were all marvelling about the wonders of e-mail. Parang hindi kayo malayo, sabi ni Felix kay Elmer. Tapos pa nga, alam na rin agad yung kuwento sa LA! Pare-parehong gulat sa physique ngayon ni Ferdie! Daig pa nga naman si Trolley noon!

        Ops, teka lang at Franklin is on the phone . . .
        He, he, he! Kadarating lang kagabi at nakakatulog pa lang ng dalawang oras, eto na at nagtatanong kung paano i-acess ang webpage natin para makita ang mga pictures daw! Atat na atat, ika nga. Na-move daw ng one day ang uwi nila at masyadong hectic and schedule!

        Ops, teka lang at i-upload ko muna yung kadarating na tidbits about Albert Zapoteza. O, andon na. Teka lang at mag-beauty sleep muna ang puyat na subwebmaster.

        Dumating ang inimbita kong si Manny Canillas. Siya yung pinagpasahan ko ng chain e-mail for Miss Cruz sa  prep66. Naka-donate naman sila agad ng dugo. Adopted prep65 siya, sabi ko.
     Dumating si Jose Solidum. Pinsan mo ko, sabi ni Ella. Aru, at magkakaklase pala sina Ella, Joe S. Edith at Amee nun pang elementary sa Phil Normal Lab School. Namatay na raw ang teacher nilang si Miss Dadufalza, kapatid nung English Honors teacher naman naming si Prof Concepcion Dadufalza (Dadu). Nakumusta ni Joe S.  si Amee. Sabi kako ni Debbie, "Amee is alright in Florida with her family. I gave her your address so she can write you if she wants to."
 
     Napag-hinagpisan  uli yung souvenir program for the 25th anniversary na hindi na nakuha yung proofs at saka submitted material dun sa printing press. Ang dami pa naman daw pictures doon! Coverage nung mismong 25th Anniversary celebration, saka family pictures pa. Kinatay pa nga raw yung Annual ni Ella for that! Hindi na mapapalitan! Golden birthdays na nga naman tayo, wala pa rin yung 25th anniversary souvenir. Paano nga ba kaya makukuha pa iyon? May mga suggestions on how to contact Bayani. Me atraso din daw kay Joe S., kaya hindi puwedeng siya ang humabol.

        Nakuwento ko na na-reach ko si Merlyn Espanola by phone at sinabihan ko about the reunion, kaya lang di siya puede dahil out of town till Wednesday. Paano na-contact? Nakita ko ang picture niya sa newsletter ng Philippine Computer Society, in a presentation of CAP (College Assurance Plan) Open University. Tinawagan ko si Lerma Moreno-Williams, prep73 na alam kong taga-CAP, who gave me Merlyn's CAP number. CAP gave me her home phone number. Bilin ko pa nga kay Merlyn, just in case makarating siya, e huwag siyang mag-identify ng sarili at gagawin ko siyang puzzle of the night.
        Nakuwento rin yung hindi pagkakilala kay Ruth Monserrate dun sa Pearl Anniversary reunion kina Ericson. Kasabay ko pa nga sa elevator, sabi ni Ella. Nagbigay pa nga ng clue na may kapangalan siya, sabi ni Felix.

        Si Jose Osteria, na-connect through Felix. Taga-Imus kasi si Lou. May sarili na raw company ng HR consultancy si Jose. Nabalikan po ang mga pinag-umpisahan at pinagtapusang kurso ng mga engineers sa class.

        Mahaba ang reminiscing ng boys about high school days. Paborito daw ni Miss Galang si Elmer. Pati yung mga tests ni Mrs. Cortes. (Challenge and response lang naman ang gustong sagot nun, sabi ko).Yung yellowed notes ni Tinte.  Sabi ni Manny Canillas, may nakuha pa daw silang old quizzes ni Tinte sa storeroom yata. Hindi daw talaga binabago.
Kaya pinakinabangan pa nila.

        Nag-compare notes sina Felix and Girlie about teaching, about smart alecks, being strict, varying of test questions, and the joy of teaching! Pero mabait tayo noon, insisted Girlie.

itutuloy pa bukas!
 
  Siempre, napag-usapan si Erap. Mas bumibilib na raw si Girlie lately dahil sa sinabi ni Erap sa interview na we must not only do things right, we must do the right things. Maripaz recounted the Mel and Jay interview of Erap's mother. Very candid daw na pinalayas si Erap noon.
        Eto naman ang joke contributed by Ella: The Sultan of Brunei promised to support the candidate who could make his horse laugh, cry or run. Joe de V. flapped his daga-ears, pero wa epek. Lim similarly failed. Pero si Erap, may ibinulong sa horse, aba, tumawa ito. May ibinulong uli, aba, umiyak naman ito. Sa huling ibinulong, kumaripas ito nang takbo! Unang bulong: Alam mo ba na ako ang bise presidente ng Pilipinas? (tawa si horse). 2nd bulong: Alam mo ba na ako ang magiging next president ng Philippines?(iyak si horse) Huling bulong: Pag di ka tumakbo, gagawin kitang fying voter! (sibat si horse)
        Natanong kung nasaan si Luis. Kako, nasa abroad. Dadating Friday pa. Naghahanap na raw ng trabaho, sabi nila!
        Na-review ang mga involvements ni Erap: si Guia Gomez, Perla Bautista, at Nora Aunor daw! May mga contribution na tidbits dito si Christine, aba't updated! Si Guia daw ang paborito ni Mama. Na hindi pinaniwalaan nina Girlie at Maria Paz, dahil si Loi daw ang sinabing paborito dun sa TV show.
        Nakuwento ko (sa girls lang), although straining to hear ang boys, na sabi ni Tessie ang landi daw ng boses ko dun sa recording ng details ng reunion sa answering machine ko. Ikaw nga, banat ko, kano pa yung nagsasalita sa answering machine mo, akala ko tuloy, mali ang na-dial ko. (Boyfriend niya raw! Loko, huwag kang babanat nang ganyan sa akin at i-i-Internet chismis kita, sabi ko!)
        Matindi ang hagikhikan dun sa recall nung ngongo daw na nagharana sa atin sa Mauban.
Napunta sa educational tours ang usapan when Felix shared that he stirred a hornet's nest when he talked about experiencing educational tours in a speech he delivered at UPIS. Nag-clamor daw yung students for one yata. Nagulo tuloy ang faculty.
        Wala na itong proper sequence, ah.
        Naalala rin yung mga na-cast noon, si Jose Osteria (alam ko nag-autograph ako sa cast niya), si Elmer, and one other.
        Si Christine sinundo ng mga relatives kasi pupunta pa sila sa wake ng kapatid ng father niya. Umuwi lang daw dito para magbenta ng lupa, dito na inabutan. And since the spouse is here, nag-uwian lahat ng anak na nasa States. Ang babay ko kay Christine ay 'See you in Wash DC.'
        Si Girlie ang nagyaya nang umuwi, kasi my lecture pa raw siya sa isang seminar the next day. Oo naman si Maripaz, may pasok pa daw. Ihahatid na kita, sabi pa niya sa akin.
Hindi ako sumabay sa kanya, kasi Elmer and Felix earlier agreed na pupunta kami sa hospital to visit Miss Cruz. I went with Felix in his car, and Elmer went with Vergel.
        Nabongo kaming apat, kasi di pala nagkapag-check-in si Ma'am that day as scheduled. Wala doon nang pumanhik kami ni Felix, at  wala rin sa record ng admission where we found Elmer and Vergel.
        So, Felix and Elmer brought me home. Ang babay ko kay Elmer ay 'See you in New York.'
 
                                                                                                         

                                                                                                Sincerely,
                                                                                                    Urbs



Reunion with Miss Cruz at St. Lukes

April 15, 1998

Dear Ataboy,
       I went to visit Miss Cruz at St. Lukes Hospital yesterday and the day before.
        Tinawagan ko muna siya Monday morning para tanungin kung ano'ng oras siya puedeng dalawin. Anytime daw. Kaya lang, Ma'am, may sipon ako. Okay lang, hindi mo naman ako iki-kiss, sabi. Gusto nga kita i-kiss, sagot ko.
        I will be there in 30 minutes, kako. Tatakas ako dito sa office.
       Nanonood sila ng TV nang dumating ako. She insisted on sitting up from her lying down position kahit sabi ko e okay lang nakahiga siya.
        I commented na ang ganda na pala ng St Lukes, parang hotel ang lobby. Kaya nga raw nagtaas na rin ng presyo. Yun daw room niya na iyon sa Cancer Institute e P1,500/day pero gusto niya roon kasi may expertise sa procedures ang staff.
        E di kuwentuhan parang reunion natin. Updated siya sa chismis natin kasi may kopya siya ng mga broadcast e-mail. Nasa bag pa nga niya yung printout nung poem ko for her.
        Ipinakita ko sa kanya yung picture ng family ni Mila plus her note and her check, and I also showed our bankbook and pointed to the latest entry -- "Ito Ma'am, galing kay Felix."
        Marami siyang kuwento tungkol sa iba't ibang batches ng Prep at ang support nila sa kanya. Yung silver jubilarian daw na Class'72 gave her P25,000, one thousand for each year nga naman.
        May Prepian couple daw na may-ari ng isang restaurant, on the house ang dinner, basta you leave a check for Miss Cruz.
       May 10% discount daw siya sa room and board ng St Lukes thru the effforts of Susan Umaly-Guanio of Security Bank. Member of the St Lukes Board daw yung boss ni Susan sa bank. E right hand man daw si Susan.
        Siempre tinanong ko ang schedule niya ng chemo. Kailangan daw muna ng blood transfusion (type A+) of 3 units bago maka-chemo, e wala pang donors.
        Kinulit ko yung mga IV niya. Yung kulay yellow ochre may added vitamin daw. Yung opaque white, good cholesterol daw. Ang daming capsules and pills in a ziploc bag on the side table!
May permanent opening na on the vein in her upper right chest to take in the IV, kaya wala na siyang tusok sa kamay. Dati daw iyon, para siyang laging naka-Panatang Makabayan na nakataas ang kamay for the IV to freely flow.
        Ni-re-write niya yung message niya for us  na ang draft e nakasulat sa likod ng isa sa mga resibo. May reference sa kanta, naalala kong tanungin kung same pa rin ang soprano voice niya. Hindi daw, at nasira na sa katuturo sa mga bajo.
                I told her I should go para mai-broadcast na yung message saka yung call for blood donors, but I will be back in the afternoon.
        Kung puede daw ma-relay ang anything thru telephone, kahit huwag na ako bumalik sa hapon.
       Hindi na nga ako bumalik kasi nag-worsen ang aking colds and coughs e baka siya mahawa. Pero ipinag-print ko siya ng additional tsismis, yung nung 30th reunion natin.
        But I called her from the house. Nag-ba-blood transfusion na raw siya ng 1 unit, at baka ma-chemo na after midnight, kaya lalabas na sila sa hospital by 11 am next day.
        Malayo na siguro ang narating ng message ko, sabi. Oo kako, at si Manny Canillas naman ng batch 66 e ni-broadcast na yung call for blood sa batch niya.
 
 Derecho ako sa St Lukes from the house Tuesday. Almost 8 am ako dumating.
        Nadatnan ko, she was climbing back to bed, with the assistance of the nurse and the bantays. Katatapos lang daw ng morning ablutions, sabi ni Ma'am.
        Naka-chemo ka na? Hindi pa nga raw, ngayon pa lang, kaya aabutin sila ng 5pm sa hospital. (Siempre, tinitipid rin niya kahit half-day!) Naka-2 units of blood transfusion lang daw siya.
        Maya-maya nga, eto na ang parang cranberry juice na inilagay sa IV, kapalit nung opaque white na inilagay muna sa ref. Iyon na ang first of three cancer drugs that make up the chemo.
        Miss Cruz wants to be a cancer educator daw (Meron palang cancer patient's forum yata doon).
        Katulad nga raw ng pagiging kalbo. Expected daw iyon dapat sa cancer patient. Kung sa kanya lang daw, okay lang lumakad siya nang di naka-bandana. Kaya lang, people get shocked if you do that, kaya nag-ba-bandana siya.
        Alam mo ba Ma'am, parang nai-imagine ko kung ano ang sasabihin ni Dennis kung magkita kayo. Ano? E di,  "Namputsa, Ma'am, mas kalbo ka pa sa akin!" Tawanan kami.
Tanong niya, bakit, kalbo na ba si Dennis?
        Tumutubo na nga nang konti ang buhok niya. At may eyebrows na rin siyang konti. Di tulad noong October, talagang makintab na makintab yung ulo niya noon. At walang kilay, ubos.
        Noon daw talaga ang mahirap. Pati yung chemo daw noon, isang linggong parang binugbog ang katawan.
        She was very candid about her illness. Stage 4 na raw. Di pa niya sa doctor niya nalaman. Hindi daw nila iyon pinag-uusapan ng doctor niya.
        Ini-explain niya pa sa akin pati yung mga treatments na na-undergo na niya. Na-radiation at linear accelerator(cobalt) na rin daw siya noon. Tapos may mga numerical evaluations daw lahat iyon, bago either itutuloy or i-re-revise ang treatment. She is into the second treatment of her third chemo series na.
        Yung radiation daw, parang may residual effect dun sa lower lumbar area niya, kaya she has tio lie down 2 hours in the morning and two hours in the afternoon.
        Nangulit din ako. Ma'am, yan bang opening na yan for the IV, straight to the heart na? Hindi, ah!! Pero sus, ha, P50,000 halos daw yung procedure(surgical siguro) for that opening. Naku e bugbog na bugbog na ang mga veins ng kamay sa tusok ng needles, kaya that was a relief siguro. Nag-na-numb nga raw yung fingertips, kaya minsan di siya makasulat. Nasalat ko ang kamay niya, aba, mainit, parang nilalagnat. Ganoon daw talaga ang temperature.
        Kulit pa,"Ma'am, di ba masakit?" Mataas daw ang threshhold of pain niya, kaya yung unbearable na sa iba, e kiti kiti lang daw sa kanya.
        "E, Ma'am, di ba nakakainip?" Hindi naman daw siya yung type ng person na naiinip pag nakahiga at walang ginagawa.Nakakapag-muni-muni daw siya.
        Napunta sa discussion about her work. I got into a fascinating discussion with her about the use of Filipino as a medium of instruction, the development of a non-formal curriculum to be interfaced with the formal, as well as about the holistic approach they use at UPIS in developing the person. Naturuan pa ako kung ano ang i-i-introduce dito sa office namin, kasi may Lupon ng Wikang Filipinona kasali ako  tasked to propagate the use of the language in office communications. Yung 2nd year textbook of math in Pilipino is mainly her work, and it is set for field evaluation this schoolyear. Remember our BCS biology text noon with Mrs. Rabago?
       Halos nalimutan ko nga na dumadalaw ako sa maysakit! Kung di nga lang nagpa-change siya ng tilt ng bed at medyo nag-settle doon. It's the lumbar area needing the rest.
        Buti daw at nag-aral siya ng computer programming at literate siya sa computers. She wanted to double major in English and Math daw before, pero ended up with Math and Earth Science.
        Marami pa raw siyang related work for which she got honoraria because of these. May unfinished portion nga, yung relating to statistics, na hindi na raw siguro niya matatapos.
        Full professor na pala siya, so expecting to get some amount for her permanent disability application for terminal leave effective May 98.
        At one point, na-shock ako, kasi, when we were talking about benefits, sabi niya:
"Ang ibinibigay e yung monthly pensions, e malapit na akong mamatay, hindi ko na kailangan ang monthly, ang kailangan ko e yung lumpsum!!" Yay!
               Opps, malapit nang maubos ang cranberry juice! The doctor came and discussed her schedules. She was adamant about attending a seminar in Tagaytay on May 1-4, and she won't submit to the next chemo till May 5. Birthday niya ang May 4! May complete blood count (CBC) schedule on April 21, tapos may evaluation pa after. Dapat daw may blood transfusion before the seminar, so April 29 iyon. Kailangan ng donors!
        Yung cancer drugs pala ang matitindi ang cost.  TAXOL at TAXOTER ang nasabing siyang ginagamit niya. Baka kako we should try to find somebody in the drug industry na Prepian.
        Siempre may tsismis din. Dala ko na ang account ng Pearl celebration natin, tapos nipakita ko yung card with check from Delay naman. And I promised to print the feature on Francisco.
        Nakuwento yung graduating batch ngayon ng UPIS. May message daw siya na mag-a-appear sa yearbook, the class insisted on it. Iyon daw  ang unang batch na nag-express ng care sa kanya about her condition. One member of the class could not afford to buy the book 'Chicken Soup for the Surviving Soul' and sounded off his class in contributing for it. Very responsive daw. Kaya nga ang sabi daw niya sa kanila, "with you as cheering squad and with God as coach, how can I not survive?"
        She had lunch with Class '72 last Holy Wednesday daw. Nang sabihin daw niyang sana, it is not her last  reunion  with them, may nagtanong daw na, "Bakit ma'am, may sakit ba kayo?" (Akala regular reunion lang iyon, kasi talagang ka-date daw niya sa mga ganoong kainan ang batch na iyon.)
        Almost 10:30 am na ako umalis, pero babalik pa ako mamaya, sabi ko.
        I called her at 4 pm. Aabutan ko pa sila, kasi hindi pa raw sila sinisingil ng doctor sa medicines. Tamang-tama, nagsisingilan nang dumating ako. Wow, they paid a cash amount of P42,600 just for the medicines since Sunday!
        May sinabi pang procedure na baka puede sa kanya, injections to stimulate bone marrow production.
        Naihabol ang printout ng feature on Francisco. Inilagay sa bag niya, kasama ng iba pang printouts ng chismis. May isang folder siya for them!
        Nagpakuha na ng wheelchair, sumakay na siya doon. Ni ayaw pahawakan ang bag niya at cane. Iniabot lang sa akin ang leftover ng pack of Nagaraya peanuts at ilagay ko raw muna sa bag ko. At sumabay na raw ako sa kanila at idadaan ako sa amin!  He, he, he, ang teachers parang mga Nanay! Ang treatment sa iyo e parang nung teenager ka pa!
        Ang inis ko po sa sinakyan naming taxi! Biro mo, nakasakay na kami at nasoli na ang wheelchair, pinababa kami uli at ayaw maghatid sa Marikina!  O, loko! Hinuli siya dun sa St. Lukes, kinuha ang lisensiya niya. Mabait na yung nilipatan naming driver, at mas maganda ang sasakyan niya!
        Ang sabi ni Miss Cruz, originally e may plano pa sana silang dumaan sa Shoemart at ibig bumili ng bagong mga step-in, pero hindi niya kaya at medyo sumasakit na ang mga ribs niya.
        Ma'am, si Jimmy nagpapasama sa akin pagbigay sa iyo ng contribution niya, at mahiyain daw siya. Dapat nga, bukas,eh.
        Mahiyain talaga iyon, laging namumula iyon, explained Miss Cruz to her sister.
        I was dropped off at  V Luna cor Kalayaan.
        Tinawagan ko agad si Girlie pagdating ko sa bahay at ipinaalala kong hinihintay pa ni Ma'am yung hinihinging menu ng diabetic cancer patient sa kanya noon.

Urbs
 



Ruth Monserrate-Villareal in Los Banos 

March 30, 1998
Dear Ataboy,
        I had a date with Ruth Monserrate-Villareal in Los Banos yesterday.
        Woke up real early at 4 am. Left the apartment at 5 am (ang dilim dilim pa pala!), crossed Kalayaan Ave. and took a Cubao jeepney (buti meron na!). Got off at Ali Mall, crossed the street to the bus terminal. May BLTB bus to Sta Cruz, tamang-tama! Hindi aircon, pero okay lang at malamig pa naman. The bus left the station at 5:30 am.
        Pagliko ng bus sa EDSA, bumuhos ang ulan! Sarap ng lamig, daig ang aircon!
        Pag-tiket ng konduktor, I asked him how long the trip will take. Two hours daw. Pagkasingil ng pasahe, natulog na ako, siempre.
        Nagising ako nasa Alabang na, at 6:15 am. Tuloy-tuloy kung ganoon. Tulog pa uli. Nagising ako nasa Calamba na. Nakita ko pa nga yung Calamba Medical Center, where Raul Desipeda is CEO.
        Hindi na ako natulog at baka lumampas. Inilabas ko na ang kodigo kong printed e-mailed directions ni Ruth. At tinanong ko ang dalawang katabi ko kung malayo pa. Sasabihan nila ako kung malapit na.
        Ayun na ang Caltex station. Baba na ako, 7:20 am. Sakay ng jeepney na naggagasolina right there. "Mama, dun ako bababa sa may Cel's restaurant. Di ko yon alam, pakituro lang po."
        Ibinaba sa may Cel's, naglakad konting derecho, kumanan, kumaliwa at ayun na sa black gate with blue roof. Nag-buzzer at exactly 7:40 am. Sa gate pa lang, maingay na ang tawanan namin ni Ruth!
        Tuloy-tuloy sa kusina. Nagluluto siya ng  bacon at saka blueberry hotcakes. At ready na rin ang  request kong pandesal with kesong puti!
        Sa back porch kami nag-breakfast. Tulog pa ang daughter niya, kaya ang pinaglaruan muna namin ay yung 3-week old pet  Easter Bunny named Bruce. Ka-cute, very white with pink ears! Iyon daw ang pet na walang ingay! Oo nga naman.
        Mahabang satsatan yung breakfast. Kung ano-ano. Pag may tinanong about anyone, sagot ako, daig pa ang Yahoo search, siempre. Maraming tawanan, at maingay kami. You can imagine, dahil ganoon din tayo, di ba?
        Maraming kuwento about her family, the center of her world.
        She is retired, has been for quite a while. Her husband is a scientist in Mexico, whose project is about wheat and maize. Her son is in Melbourne, taking up aviation. her  daughter just finished her sophomore year at the UP Rural High School. They are set to go on vacation April 25-June 10 in New York, Washington DC, LA  and Mexico, kaya marami rin siyang tanong about classmates in those areas.
        After breakfast, tingin ng mga pictures.Wow, nakalibot ako sa Mexico, Thailand, China, Australia, Indonesia, USA. (Ipinauwi nga sa akin yung booklet about Oaxaca, at yung thick book on Mexico ay pagbalik ko na lang babasahin doon, at di ko mabibitbit sa kapal at bigat.)
        May pictures ng UP Alumni Association Homecoming last June 1997, at doon ko nalaman na awardee pala ng Outstanding Alumnus in Agriculture ang husband niya noon.
        Iniwan ang pictures, at nag-tour ng campus. I loved the pili drive on the way back. Shady pili trees at frequent intervals on both sides of the road.
        Nag-park sa Cel's at bumili ng sinigang na isda at beef with vegetables (para di na magluto at maabala sa tsismisan), nag-cross ng street at bumili ng fresh guayabano fruit. Balik na sa bahay.
        Chismisan pa uli. Finally, nang magutom, gumawa ng salad, ininit ang mga ulam, at sa kusina kumain while tuloy-tuloy pa rin ang tsismis.
        After lunch, sa computer naman para tingnan ang webpage natin, at i-adjust ang ibang settings ng e-mail niya.
        Kumain pa  ng pinalamig na guayabano, binigyan ng 'funds' for Miss Cruz, bago ako  inihatid sa Caltex station.
        Nasakay naman ako agad ng aircon bus to Cubao at 3:45 pm. Of course, pagkabayad ng pasahe, e tulog agad. Nasa Makati na nung magising ako. Tuloy-tuloy ang biyahe!
        Umiwas pa ang driver sa traffic sa Cubao ibabaw, nag-Cubao ilalim all the way to Nepa-Q-Mart, where I got off at 5:30 pm. I was home at 6 pm. Nakabili pa ng fruits dun sa may City Hall before walking home.
        I will write a separate story about her family and their life later. Isang magandang buong istorya din iyon, eh.
        I already deposited  the amount you stated for Miss Cruz, together with what Ruth gave me.

Urbs

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Golden Birthday of Ruth Ramos-Flores


 

Date: Mon, 09 Mar 1998 10:28:46
To: nvsantiago@aol.com
From: "Ana B. Urbina" <abu@nfa.gov.ph>
Subject: Ruth's birthday
 

Saturday was very interesting!

Tumawag si Ruth Monserrate Villareal, katatanggap niya lang daw ng letter ko  about Ruth's party. Hindi daw siya makararating because she has a seminar to attend. Tawag daw siya nang tawag sa bahay ni Ruth, walang sumasagot.
 
I did my laundry, got tired, overslept in the afternoon.
 
When I crossed Kalayaan Ave. on my way to Makati, may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko, si Mila Deysolong Aguilar pala! Itinigil ang sasakyan niya in the middle of the road (walang pakialam sa resulting traffic) at nag-shake hands kami paglapit ko. Hagikgik pa nang hagikgik at nag-traffic daw siya.
 
May banggaan dun sa may Cubao, kaya na-traffic ako at almost 8 na nakarating sa Intercon.
 
Si Maria Paz ang naabutan ko sa restroom. Tabi na tayo, sabi niya, dahil pareho tayong stag.
Paglabas namin, eto naman si Au at Poochie. Balik uli sa kami sa loob ng restroom.
 
Si Poochie, ready to dance talaga in a short aqua beaded dress and dancing shoes. Si Au, na ang sabi sa akin ay hindi na nagsusuot ng short dresses (panay long dress or pants na lang daw siya), was in an obviously new short black number with lots of carats (may pakintab-kintab dun sa flower design ng flimsy material. Mukhang galing kayo sa parlor, sabi ko. Aba, siempre naman daw, sagot ni Au.
 
Pagpasok namin sa Bahia, tinanong ako ng head waiter kung saang group kami. Nagtaka ako. Sabi ko, ang alam ko e exclusive ni Mrs Flores yung Bahia. Oo nga raw, pero may instructions si Mrs Flores about the seating. Ah, e UP Prep po kami.
 
He pointed us to a section, and further pointed out who were assigned to the other sections. Bank of America, Soroptimist, family, family friends, Cielo's young group.
 
Nagdadasal nang lumapit kami. There were three tables(of 8 seats each) in our section, with the center one already occupied by Ruth's barkada -- Girlie, Loida, plus Wilma, Zeny K, and Ella with their husbands.
 
We took another table. Hindi muna kami agad sumali sa buffet line pero yung barkada e sumali na. Maaga siguro silang dumating.
 
Eto na si Dennis. Formal pala talaga, sabi. Hindi bale, guwapo ka naman, sabi ko.
(Nung magtanong kasi siya kung ano ang suot at sabi kong formal, barong or suit, ang reklamo niya e paano naman daw magsasayaw nang ganoon. Mag-si- shirt lang daw siya. Sabi ko, e ikaw, paano naman yung mga hindi guwapo?)
 
We were joined by Tessie Hernandez and her sister Edna. Kay Rose na itong remaining seat, sabi ni Maria Paz.

 Nakuwento ko sa kanila na nung tawagan ko si Joemelo, ang tanong agad e kung kasama ang mga asawa. Ang sagot ko naman, e galitin na agad niya si Peng (asawa niya) dahil ubod nang sexy and mga DI sa Intercon. Bilib na sana ako sa ka-macho-han niya, kaso e ibinisto naman ni Dennis na wala raw kasi si Peng, nasa Europe! Sus!
 
Pinag-uusapan ang ex-husband ng sister ni Tessie na executive pala ngayon sa Metrobank nang dumating si Rose. (Ang sakit naman! Best friend pala ni Edna yung naging mistress ng husband niya, at kasama pa siya nang dalhin sa ospital nung manganganak iyon ng anak pala ng asawa niya!) Kailangan nga raw niya ng good lawyer. Aba, e di presenting ... Maria Paz.

Nagyayaan nang sumali sa buffet at masyado nang ma-i-involve sa chismis!

Dumating si Felix at Lou, and they sat on the 3rd table in our section. Magkakasunod lang kami sa buffet line.

       Opps! Eto na po si Joemelo, akbay ang kasama na in-introduce sa akin na si Freddie Blay daw. Si Dennis, nakanganga, parang nakakita ng multo. Paano, si Peng ang kasama ni Joemelo!
        Naka-recover agad si Dennis. Akala ko, nasa Europe ka, bati kay Peng. Bumalik a few days ago, sagot ni Joemelo.

        Bulungan kaming mga girls nang pumunta sila sa table nina Felix.

        Si Dennis, sabi naman sa akin, dapat daw ginawa namin e sinabing, aba, may ibang babaeng kasama si Joemelo. Mas masaya daw iyon! Kaso, kilala naman ni Rose at ni Maria Paz  si Peng!

        Pabalik-balik kami sa buffet table siempre. Tuloy-tuloy rin ang chismisan. Panay ang lapit ng waiters na nag-chi-check ng dominoes nung nagpaluto ng Mongolian.
        Nang tapos nang kumain ang karamihan, nag-start na ang program.
        Si Jonathan ang emcee. Ang gulat namin, kasi para na siyang si Mac Ramos, ang Daddy nila. Oo, lumaki ang katawan. E di ba may bigote din yon?
        Nagpunta daw sila from the US upon the request of Ruth. Nandoon ang Mama nila, ang Kuya nila at ang dalawang younger ay present in spirit, pero nandun sa States. Si Ruth lang kasi ang based dito.
        Nagsalita si Kuya. May ibinigay na gift kay Cielo,tapos my little talk. There are 3 kinds of people daw-- the fortunate, the very fortunate, and the very very fortunate. Ruth belongs to the very very fortunate daw, because she is healthy, she is wealthy, and she has a loving family supporting her.
        Tinawag ang mga anak at isa-isa silang nag-greet sa Mommy nila. They will not exchange her for any other Mommy.
        One of the cousins was called to represent the extended family. She read verses from Proverbs and gave thanks to God for making Ruth well after her operation.
        Maghanda ka na na, Dennis, ikaw ang magsasalita for UP Prep, sabi ni Wilma.
        One family friend, Paeng, was called to speak. He didn't know he was going to be called.
Am I supposed to roast her, or something, he asked.Let me try to be my meanest, he said. Naku e mukhang ang bait bait na tao naman!
        And now, from the old UP Prep, her two closest friends, Girlie and Wilma, announced Jonathan.(Ready talaga ako dahil sinabihan ako, sabi ni Girlie.) Nakahinga nang maluwag si Dennis. Bakit old, angal ni Rose. Tanggapin na natin, kako.
        I am here to introduce Girlie, ani Wilma. Then Girlie read the sentimental  letter she wrote to Ruth about their friendship spanning decades. (She promised to send me a copy to broadcast to all of you. Abangan!)
        Pagkatapos ni Girlie, Wilama announced that two of our boys will speak. Tinawag niya si Dennis at Felix. Do us proud ha, bilin ng mga hecklers.
        Parang Erap speeches ang ginawa ng dalawa. Pinagtatawanan namin, kasi AIM professor nga naman si Felix, at si Dennis ay walang nasabi kundi Mahal ka namin, Ruth. Hagikgikan lalo na sa table namin.
        Talo-talo pa yung mga Bank of America kung sino ang representative. Magulo rin, paris natin.
        Yung Soroptimist representative, serious.
        Pagkatapos ng lahat, nag-respond si Ruth.
        Totoo daw ang sinabi ng Kuya niya about her being very very fortunate.( Aminadong donya, he, he, he!)
        Some people wondered why she was shouting out her golden birthday to the world. She said she really promised that if she reaches her 50th she will celebrate it. She thanked everybody for coming.
        Jonathan then called for a concluding prayer. Magulo pa dun sa dulo, hindi siguro sinusundan ang program, kaya inulit pa niya uli ang request. Saka pa lang natahimik.
        After the prayer, we burst into an spontaneous singing of Happy Birthday, na sinalihan na rin nung iba. He, he, he! Adelantado pala, kasi may blowing of candles on the cake after the prayer.
        Thank you and goonight na.
        Nag-dim ang lights, and all the DI's, male and female, with their name plates, took to the dancefloor. Wow, ang se-sexy, ang ikli ng mga suot!
        Talo ang mga iyan ng DI natin! Kinuha ni Joemelo si Tessie at sumali doon. Aba, sexy din yung atin.
        Si Dennis ang naging DI nina Poochie!
        Dumating si Pinky. Dennis gave up his seat for her. Nagkuwentuhan kami habang kumakain siya.
        Paano ka nagpunta dito, tanong ni Pinky. Nag-bus, sagot ko. Tawa siya. Oo, hindi ba sinabi ko sa iyong kaya kong isakay sa bus yung isusuot ko? Paano ka uuwi? Mag-bu-bus din.
        Nagtatawanan kami about how times have changed. Noon, di ba ini-a-aanounce pa kung ladies choice yung particular number? Ngayon, tinatawag nila si Dennis na isayaw sila! Demanding pa! At kung DI naman, kinakawayan  na lang ng mga babae.
        Ang galing ding sumayaw nung sister ni Tessie, si Edna. Regular daw siyang nag-ba-ballroom dancing every Tuesday. Makunat daw yung dance floor ng Intercon. At tinuturuan daw niya pa yung DI.
        Magaling din si Peng! Nakakatuwa siyang panoorin.
        Game yung mga asawa nung barkada. Lakasan lang iyan ng loob, nadinig kong sabi ng asawa ni Zeny K. as he took to the dance floor with a DI.
        Sabi ni Dennis okay daw yung DI. Sinasabihan ka pa ng I love you, di ba pare, sabi niya kay Joemelo. Maniwala naman ako!
        Niyaya ako ni Maria Paz na sumabay umuwi sa kanya at 11. Pati na rin daw si Pinky.
        Dumating si Luis, kasama si Enah. Nakipagkuwentuhan ako kay Enah habang nagsasayaw si Luis. Kaya pala sila late ay third gathering na nila iyon. Binigyan daw si Luis ng award sa La Salle, tapos death anniversary din ng mother ni Luis kaya may family gathering din.
        Halos 11:30 na rin kami nakaalis dahil nag-dessert pa si Pinky, tapos nadaldal din si Maria Paz kay Loida. Sumabay na sa amin si Rose.
        On the way out, nakausap namin si Jonathan.
        Inihatid kami ni Ma Paz sa Kalayaan, tapos doon na kumuha ng taxi si Pinky. Usual arrangement namin.

Pag may naalala pa akong details sa susunod na lang. Nagka-exchange e-mails na kami ni Mila Aguilar about our chance meeting sa kalye nung Saturday.

Urbs

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

At the Wake of Zeny K.'s Mother
 
 

January 21, 1998

Dear Ataboy and Prep '65 classmates,
        Mrs. Francisca E. Kagawan, Zeny K's mother, passed away exactly on her 73rd birthday, January 19.
        Did you know that:
        Pat Pascual-Mangonon and Zeny K are cousins?
        And that Jojo Sabalvaro-Tan is the inaanak sa kasal of Mrs. Kagawan?

        I went to the Holy Trinity Memorial Chapels straight from the office at 2:30 pm and got there at 4:40pm. Sa Sucat na lang medyo na-traffic dahil may brownout at walang traffic lights in operation. (Reminded me of the time I brought Mila home to BF in the combination bus-jeepney- tricycle mode.)
        Nag-aayos ng mass cards at mga kandila  si Zeny K. nang pumasok ako sa premier chapel, kaya nakatalikod siya sa door. Nasa wheelchair ang isang auntie, elder sister ng mother niya.
        Nilapitan ko siya after putting down my bags, at gusto ko ring tingnan nang malapit ang beautiful charcoal portrait ng Nanay niya na katabi ng mga mass cards on that side table near the foot of the coffin.
        We went up together to view the remains. "Ang ganda ng Nanay ko, ano?" sabi niya. I agreed. Para lang siyang natutulog. (Later I found out from the barkada na ang Nanay daw ni Zeny ay talagang laging nakaayos. Kahit daw nasa bahay lang siya, ay naka-make up at naka-caftan, ganoon.)
        Pagbaba namin, I told her that I am also conveying the condolences of Jojo Tan, the inaanak of her mother, at saka ni Potit, sent thru e-mail.
        Dumating ang isang kaklase niya nung elementary sa JASMS, kasama ang younger sister na naging estudyante naman ni Zeny K. sa Philippine School of Interior Design. Sila naman uli ang nag-view.
        As I was taking a seat, eto naman na si Pat, na sinundo pala si Ched.
        Nagkumpol na kami sa 3 rows of seats para isang kuwento na lang si Zeny K sa amin ng what happened.
        Enlarged heart, cardiac arrest daw. Pero she was hospitalized for 2 weeks but was discharged last Saturday. Hindi naman daw sinabi ng doctor na in her condition, e naghihintay na lang. Nag-complain lang daw na masakit ang likod at chest area nung madaling araw, hinilot-hilot ng brother niya, as usual, tapos 'sinundo' na raw ng Tatay niya, and that was that.Wala na. (Bakit kaya daw hindi yung Father nina Zeny ang sumundo?)
        At kaya sandali lang ang wake ay dahil pagod na rin sila and not in the best of health, kahit si Zeny K. (Remember when we went to Angono, dinala pa natin si Zeny K sa clinic for an injection?) Some of the siblings are arriving later in the evening, the others have no passports and can't make it.
        Si Wilma daw was there  the night before daw. At ang sabi e inutusan daw ni Ruth na magdala ng bulaklak. Kaso naman, lanta na raw yung mga nakita dun sa flower shop, kaya hindi na lang bumili at baka mapintasan pa at mapagalitan ni Ginang Milyonarya.
        Natural, parang reunion ang kuwentuhan! Ang pagmamahalang brutal ni Franklin at ni Ched--ayaw na ayaw daw ni Franklin na kausap ni Pat si Ched sa phone, kasi mahahagalpak nang tawa at siempre hihikain. (Incidentally, Franklin is going to Monterrey for a 3-month schooling. He flies on Jan 28, so get ready ang mga hosts diyan!)
        Na-reminisce na magkasama daw sa military school bus si Franklin at si Zeny K. Na tahimik daw si Franklin. Na duda ba si Ched kung nanligaw ba daw si Franklin kay Pat.Na si Aytona ay kaklase ni Ched nung elementary. Na si Aida ang elementary classmate ni Zeny na naunang tumawag sa kanya ng Zeny K, to distinguish her from a Zeny M, another classmate.
Ganoong klaseng usapan.
        Dumating ang isang co-teacher from PDIS kaya nag-separate si Zeny K sa kuwentuhan, pero kami e nagtuloy nang daldalan.
        Yung sisters from elementary school ay very engaging na kausap. 3 silang sister na panay single, living together in one house by themselves. One manages an art center, another is retired from PICC and is in business, the eldest is in garments. ( Ang saya-saya nga nila, nag-a-apply na akong sumali sa asosasyon dahil qualified naman.) Kinuwento naman nila ang kanilang mother, very lovingly recalled!
        Kinausap naman ng co-teacher yung student, kaya sa bagong dating naman na ninong at ninang ng anak ni Zeny kami na-introduce.
        Maya-maya, dumating na si Ruth and husband Ric Flores.
        Re-group uli ang Prep. Umuwi na yung elementary classmate. Barkada kuwentuhan na sila. Nakikinig lang ako. Niyayaya ni Ruth na makipaglibing din si Pat, kaso mahirap dahil wala siyang sasakyan at masakit pa ang katawan niya dahil nahulog daw sa computer chair trying to reach the phone right after e-mailing Daddie Albaladejo-Matic.
        I went home with Pat and Ched. Iniwan namin sina Ruth. On the way out, nasalubong namin si Ericson. Huwag muna kayong umuwi, ma-traffic pa, sabi. (Hindi naman!)
        Aba, mukhang may dinaramdam nga si Pat. Kumpleto ang pillows sa upuan niya, may bolsa de yelo pa. One and a half hours pa ang kuwentuhan namin ni Pat. About being a military wife, a condition she shares only with Ched from among our class, about Ria, about Prep.
        It was 9:30 pm when I was dropped off at my doorstep. Surprisingly, hindi ako pagod. I was glad I took the time off from work to visit Zeny K.

Urbs

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Reunion with Debbie and Brenda

Debbie, Ched, Yehey, Brenda, Poochie.

Brenda, Ched, Poochie, Ana B., Debbie at Cafe Figaro in
Robinson's Ermita
- - - - - - - - - - - - -
                                                                                                        January 2, 1998
Dear Ataboy,

We did get together last Dec 30 at Robinson's Ermita. Debbie, Brenda, Poochie, Ched at ako. Au (Yehey) was there earlier daw, but had to go home because of an upset stomach. I met them at 4 pm.

Ang taba mo, sabi nila lahat sa akin. Di ako mataba, mga payat lang kayo, pilit ko. Sige na nga, ayon nila.

Doon tayo sa nakita kong coffee place, suggested Debbie. May Cafe Figaro pala malapit sa National Book Store. Opps, taken lahat ng 'outdoor' tables. Ayaw sa loob, kasi mali daw ang ambiance. So, we sat inside but waited till an 'outdoor' table got vacated before we ordered. Si Poochie, bumili pa ng coke from another establishment, at talaga daw di kaya ng sikmura niya ang coffee. Ubos naman ang masarap na chocolate cake, kaya we settled for carrot cake (buti at vegetable, sabi ni Debbie) saka pecan pie with the cappucino. Masarap, declared Debbie.

Doon lang kami nag-stay at nagdaldalan.

Main chismis topic  was Amee Ilog-Lyles who is part of their barkada but has not communicated even with best friend Poochie. You can imagine how disappointed they are about it.

Debbie produced a condolence card for Freddie which she insisted that all of us should sign. I had to mail it later na lang, because we didn't have his address then.

Debbie and Brenda got some addresses and phone numbers from my address book.

Brenda has a kainggit-inggit na lifestyle. She works at a place that is within walking distance from her house. Even then, dinadala pa niya ang car, para makauwi sa tanghali at makipag-laro sa aso niya.

Si Debbie only has to work 18 hours a week, tapos may 2 months paid vacation pa so what more can she ask for, she says.

Tinanong ako ni Ched kung bakit di nagpunta sa Dec 6 Christmas party daw sa penthouse ni Ericson. Sabi ko, barkada party siguro iyon. Hindi daw, she insisted, and enumerated some other people who were told  about it.  Hindi ako nasabihan, kako na lang. But she did make me wonder.

Marami pang ibang chismis, at tuwang-tuwa sila sa updates about us here.

We had to break up at 6 pm dahil pupunta si Debbie sa Hilton to meet cousins. Ched separated from us right there, but the 4 of us took a cab (masakit ang paa ni Poochie, bago ang sapatos) to the nearby Hilton (now Holiday Inn). Doon na tumawag ng sundo si Brenda at siempre daldalan pa uli hanggang dumating ang Mama niya.

Kami ni Poochie went home together, at siempre, more daldalan pa rin. Iba talaga pag mga babae ang nagkita-kita.

Urbs

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
 
 

          Hot Links:

UP Prep '65

                                            Treasure these Prep '65 tidbits/chismis that keep us close!


 

This page created with Netscape Navigator Gold
1