Jomelo gets warm West Coast Welcome: February 11, 2000


 

Date: Fri, 11 Feb 2000 )
From: Charity Matic <camatic@yahoo.com>
Subject: Jomelo gets warm West Coast Welcome
 

Sinundo siya nang kanyang brod na si Jun ('yun na pala
ang tawag kay Ceso) at nagpangita kami sa OK Seafood
Restaurant on Hill St, Chinatown, Los Angeles.  Pina
reserve ni Abet ang buong restaurant - walang ibang
pinapasok!

Nagpadala nang message si Ferdie 'ika niya "pakisabi
kay Jomelo, relax lang siya, pinatawag lang nang
totoong may-ari ang mother niya".  Jomelo was in good
spirits. His mom was 85 and had been bed bound for
about a year before she passed away.

Masaya ang aming "lauriat", dahil present si Verne,
siya ang nagorder at patok na patok ang selections!
Ika nga ni Hector, talagang maa-asahan itong si
Verne... kaya nga pa relax relax lang ang Hector!
Mayroong lobster, shrimp na pinaupo sa walnuts,
steamed fish, beef in oyster sauce, crispy fried
chicken, flylice and thick soup na may shrimp pa rin.
Lugi nga yung mag-anak na Matic dahil hindi kami
kumakain nang crustaceans, pero panalo naman sa
fellowship!  But the food was really good, points for
Abet!

Dumating sina Baby Balauag, Pearl Zaporteza and Verne
Reyes (all looking sharp - ang su-suwerte naman talaga
nang mga asawa nila)  Ressie drove down all the way
from San Fernando Valley at siya pa itong na una!
Medyo matraffic kagabi dahil umuulan - alam niyo
naman, bihira umulan dito sa amin...hindi sanay
magmaneho sa basang freeway ang mga tao.

Nagbigay nang preview nang drive to Pagudpod itong si
Jomelo ... tingnan mo nga kung anong impact sa Yahoo
invite responses mo!  Si Noel naman eh nagka-campaign
na mag respond na ang mga tao - alam niya sasama siya
kaya nga nag da-dance lessons na!

Sumama ang dalawang bunso namin na si Paris and
Michael (dahil hindi nila naintindihan yung iniwan
kong ulam ... pork chop na inadobo! "weird, man!").

Ressie, the organized one had a mass card which she
signed "UP Prep 65 - West Coast Chapter" and passed
around with yet another envelop to hold some green
backs for the family.  Jomelo gave his thanks to the
group, sabi naman nang Abet "May pang golf na tayo!" -
hindi raw at baka mamulto siya nang mommy niya.
Holiday pala si Abet ngayon dahil birthday ni Lincoln
kaya may golf siya.  Pakwento na lang kayo kay Jomelo
how that went.

My kids were official photographers - we picked up a
disposable camera for the dinner.  Isusunod na lang
ang mga print.

Ressie spoke with Aida who is still busy checking
papers and begged off hosting this Feb - sa May na
lang daw pagdating nang Mommy niya.  I left messages
for Willie Tenorio and Conrad Bautista.  Ferdie's
health is rather precarious - panay ang pasyal sa ER!
He has not been going to work for some time now. Sa
mga nagdadasal ... do remember him in your prayers.

Ressie wants to put together another to do even before
May - ganado!  May papasyal pa ba gawi rine?  Just
holler, madali nang mag convene dahil sa bahay kami
tumatawag - hindi sa office!  Yun ang secret!  Aba ang
sabi ko sa mga misis, kailangan dumating tayo dahil
baka ito nang pinaka valentine dinner natin!  It
worked!

Daddie
__________________________________________________

Dagdag...

Ang saya namin.. especially ako, mantakin mo, 35 taon kong hindi nakita si
Joemelo... kaya sabik na sabik ako at ganado akong makita ulit ang mga Prep
65 kaibigan.  Napaaga nga ang dating ko... 6:35 nasa parking lot ng ako ng
restaurant.  So naupo muna sa loob ng kotse for 10 minutes .. umuulan.
Nainip, lumabas at nag-usyoso sa mga tindahan ng GINSENG at herbal medicine
at mga capsulang may tatak na FISH OIL (prevents and pang'control daw ng
blood pressure).  Lipat ulit sa katapat na tindahan, ganoon din ang tinda.
Tanong ulit para saan (halatang killing time lang at naiinip).  Panhink sa
2nd floor ...malaki at magandang restaurant .. palinga-linga at baka nandoon
sila.  Baba ulit, umupo ulit sa kotse... 5 mins. later pumasok na ako sa OK
at doon na naghintay.  Hindi nagtagal eto na ang Zaporteza couple.. (hay
salamat may kausap na ako).  Dala ulit ang year book .. walang sawang
tiningnan ulit.  Maya-maya eto na ang Matic Family, Balauag couple and
Joemelo, then ang Reyes couple.  We had a great time, tawanan, reminiscing
the past, the present and kung ano-ano pa.  Sariling-sarili namin ang
restaurant... parang amin, eh.  Sabi nga ni Baby Balauag, ang lakas ni Albert
sa owner, pinasara ang restaurant para sa amin.  Talagang amin, kami na rin
ang nagsara - nagpa-alaman ng 10:00 pm - hindi nagtagal, nagsipagalisan na
rin yung owner and mga cooks, waiters ng restaurant.  Sabi ko nga sa kanila,
BUKAS ulit, maghappening ulit kami.

Seriously, it was really nice seeing Joemelo again (para sa akin) and of
course, the West Coast - LA chapter group too.  Kapag meron lang bisita saka
lang kami nagkakatipon-tipon .. kaya nga ganado ako. Dapat dadalasan.

Sabi nga ni Daddie, Joemelo will fill you in with more details.

Happy Valentine and best regards to all!!!
ressie
 
 
 
 
 
  1