This is the poem published in July 1999.
Alay sa iyo, John-John
Malinaw pa sa akin
ang ala-ala ng iyong ama
Ang hinangaang winika niya
sa kanyang pasinaya
"Huwag tanungin
kung ano ang magagawa
ng iyong bayan
ukol sa iyong kapakanan
Bagkus ang tanungin
ay kung ano ang iyong magagawa
ukol sa kapakanan
ng iyong bayan"
At sino ba naman
ang maaaring makalimot
sa iyong ina?
Tinularan, hinangaan
sa habang buhay niya.
At sa iyo, nung munting bata pa
na buong kawalang-malay
na nagpugay sa libing
ng sumakabilang-buhay mong ama
Ngayon, buong mundo'y
nakiki-dalamhating muli
sa tanyag ninyong angkan
sa maaga mong pagpanaw
Nawa'y
mapayapa kang mahimlay
sa piling ng iyong mga magulang
<< back to homepage | << back to poems archive | << May 1999 poems | >> August 1999 poem |