Isang long table na ang dinatnan kong classmates sa Barrio Fiesta. Na-late
ako, ang traffic pala kasi. ( Hindi pa ako makalakad ang mabilis kasi namamaga
yung right foot ko.) Buti na lang at hindi pa nag-se-serve ng pagkain nang
dumating ako. Sa dami ng classmates na dumating delikadong maubusan.
Pero una daw, medyo kinabahan si Luis kasi si Loida pa lang muna ang
dumating, folllowed by of all people, Ruth M. (hindi naman pala kasi sa
Los Banos nanggaling!)
Bakit kasi di ka na lang tumawag at sumabay sa amin, like Dex, sabi
ni Pat. (Siempre, nahihiya rin naman ako, ano?)
Dala ni Ericson ang mga pictures ng reunion! Kinuha na namin ang aming
mga envelopes, at ni-review pa yung ibang shots na baka di pa na-order-an
ng copies.
Opps! Nag-serve na ng soup--apat na klase! Sinigang na hipon yung kinuha
ko. Ano na nga yung tatlo pang iba?Dig in ang mga gutom na. Dating at dating
ang mga putahe. Sarap ng mga pagkain! Inihaw sari-sari in bilao, kare-kare,
pinakbet, sizzling spicy shrimps. Kaming dalawa ni Ericson had a whole
crispy pata just for the two of us!
Dumating si Dennis, suot din ang T-shirt natin. Nakakatawa nga, siya pa ang may suot nung 'Rare na, Cute pa', samantalang I was wearing the 'I am an endangered species' version. Hindi pala niya alam na dalawang designs iyon!
Serious ang discussion dun sa grupo namin. May planong mag-put up daw
ng UP Prep Foundation High School, parang revival ng prep. Okay ba sa inyo
ito? Sabi ni Ericson, if each of the 20 prep batches puts up one million
pesos, may initial fund nang 20 million. Kaya nang ipagpatayo ng building,
kung bibigyan ng lupang pagtatayuan, either sa Fort Boni or sa UP Diliman.
And 1 million from a batch is just P10,000 each from 100 graduates! Ano
sa palagay ninyo? May core group na raw na nag-uusap tungkol dito, kasali
si Delfin Lazaro. Pero sa atin ay si Florante at Ericson daw ang nagkausap
una.
Sabi ni Maripaz, siguruhin daw na papayag ang UP na gamitin yung UP
sa pangalan ng school. Legal angle ba. Sabi naman ni Gil, baka may problema
kasi inaalis na nga ang high school sa UP. dapat daw sa tertiary level
mag-concentrate. Well, it really takes more than putting up a building
to run a school, especially one of that calibre na ini-envision.
Busog na busog din kahit seryoso ang topic.
Nagsimula ang program. Tinawag ng emcee si Ericson, as president of
UP Prep. Tayo naman ang pangulo ng mga uto-uto, pero ipinasa ang mikropono
sa 'beauty of the class' daw. Tayo naman ang Dexter. Ara Mina daw ang bagong
screen name niya. Bata pa raw siya. Buti daw at wala si Tessie, kaya siya
ang beauty."Iniligaw ko, nandoon siya ngayon sa Barrio Fiesta, EDSA."
Hindi daw siya nagsasalita nang walang talent fee, pero dahil birthday
ni Luis, gift na lang niya yung talent fee. "Kay Luis, walang pakinabang
ang klase. Hindi mo man lang maasahang tumulong sa pagkuha ng government
contracts. But it is good to know that he is incorruptible. He is also
incorrigible. (Tawanan!)" . . .
Pagkatapos magsalita ni Dexter, pa-picture silang dalawa ni Luis.
Tinawag naman yung representative ng Lions, who delivered a greeting in English, pero in Chinese intonation, parang di ko naintindihan ang sinabi.
Tumawag ng another representative ng Lions, an elderly gentleman who sang operatic style. Maganda ang boses. May panlaban kami diyan, boasted Ericson, at isinabak ng "Matudnila" ang much-embarrassed Gil. Hindi tinapos ni Gil ang kanta, kuno nakalimutan ang lyrics.
Nagsalita din yung former Health Secretary Estrella, who knew Pat's family from PGH days.
At siempre, nagsalita rin si Luis.
Aalis nang maaga si Dexter, may shooting sa Antipolo, so nag-blow na ng candles sa cake. Pose for pictures.
Ini-serve ang cake. Uy, masarap. Tig-dalawang slices kami. Halos naubos, Diyos me! Wala nang natira for take-home sa pamilya ni Luis!
Ka-inggit-inggit po naman ang kinakaing halo-halo ni Ericson (may ube ice cream pa sa ibabaw), kaya nagsipag-order din kami. Hilakbot ang Luis. Lunch lang ang imbitasyon ko sa inyo, ha, hindi kasali ang meryenda! Doon na kayo tumuloy sa penthouse ni Ericson, itinataboy kami.
Hanggang halos alas kuwatro yata kami doon, ayaw maghiwa-hiwalay.
Hiniram pa nga namin ni Pat yung set of reunion VHS tapes ni Felix. Tumuloy kami sa kanila, at hanggang alas nuwebe naming pinanood ang dalawang tapes! Tuwang-tuwa kami!
Kaya kinabukasan, hindi ako nagising for my fun walk sa The Fort with
my exercise class sa Xenical program.