News clipping: Nov. 8 Invitation News clipping: Nov. 18 (cont'd) Fan Mail
Subject: Flash news! Luis debuts on the fashion ramp
tonight at the Makati Shangri-La Ballroom, 7 pm
at the Marketing Association of the Philippines
event billed as "Power Dressing: A CEO's Tool for Success"
Subject: Luis was a real pro last night!
I think he has found the perfect alternative career!
-------------------------------------
Backgound muna kung bakit
nakapanood ako ng fashion show kagabi.
Last Nov 1, may lumabas
na feature sa newspaper about the benefit
fashion show of the Management Association of the Philippines. May
picture
si Luis, as one of the CEO models. I clipped the news article and sent
it to
him by mail with a note asking kung saan ba makakakuha ng tickets.
Pagpasok
sa office nung Nov 3, tinawagan ko siya sa phone, pero wala pa, kaya
in-e-mail ko. Maya-maya, nag-return call.
Humagalpak nang tawa nang
malaman ang kailangan ko! Akala daw niya
may reunion uli! Umiiwas nga raw siya sa pag-mo-model, kaya raw siguro
inilagay ang picture niya para mapasubo na siyang pumayag!
Hindi nga raw niya alam
yung news article. Ttinawagan daw siya ng
pamangkin niya at ang sabi e nasa diyaryo siya. Kinabahan pa nga at
akala
daw niya e inalis na siya sa trabaho! Biro daw ng pamangkin:
"Kaya pala
nagpapapayat ka lately, mag-mo-model ka!"
The following Sunday, Nov
7, another news article about the fashion
show in another newspaper! Clip and send by mail uli ako, with another
note
na star na siya talaga, at saan nga ba makakakuha ng ticket?
Monday, Nov 8, my offficemate
(na kasama ko minsan pagpunta sa
office ni Luis) called my attention to still another news article
about the
fashion show. Hindi na ako tumawag, kasi ang kulit naman, ano?
Thursday, si Luis ang tumawag.
O, nakuha na raw niya ang second
clipping. May nagsabi daw sa kanya na meron din sa Today nung Monday.
Meron
ka na ba nung article sa Star nung Monday din? Wala pa daw. ( Hiningi
ko
yung copy ng isang tao dine.)
O, Luis, nasa Makati ako
sa Monday afternoon. Tamang-tama. Saan ba
talaga makakakuha ng ticket sa fashion show mo? Talaga bang gusto mong
pumunta? Oo ba.
Nagkita kami sa wake ng father
ni Freddie that night. Bibigyan na
ako ng invitation noon, hindi lang makita sa attache case among all
the papers.
Anyway, basta pumunta daw ako sa Shangri-La! Nandoon daw siya nang
4 pm, may
rehearsal sila.
Part I - The Rehearsal
I was in Makati yesterday afternoon for the Informix launch at Manila
Pen
where I met Benjamin Bello and Cesar Cifra.
Nabasa na ni Benjamin yung earlier flash news ko. May 'Liwanag Fashion'
daw
na business sina Luis sa Sta. Cruz noon.
Ipinaalala ko kay Cesar yung lakad natin sa karnabal pa nandito na si Elmer.
Maaga natapos ang Informix launch. We had time to view the Old Asia
exhibit
of antiques at the Conservatory. (Ang gaganda, Ling!)
I went to Shangri-La with Ojie para sumilip sa rehearsal ng fashion show .
Tamang-tama. Nasa backstage end ng ramp si Luis. Kinawayan ko at kumaway
din
sa akin.
Binati ko ang katabi ko sa panonood, si Tony Pio de Roda ng Software
AG. (
Dati siya sa IBM at nakasama ko sa Phil-Itec Organizing Committee.)
Model ka
ba dito?, tanong ko. Oo, ikaw din ba?, sagot sa akin. Ang tawa
ko lang!
Nagkakatuwaan ang mga CEO models! Very informal ang atmosphere. They
coach
each other and applaud the graceful ones. Yung mga ibang lady CEO's,
naka-set with rollers pa ang mga buhok while parading down the ramp.
After a while, tinawag lahat ng CEO models for the curtain call final
practice.
Aba't si Romy David ng prep '68 ang isa sa dumaan sa harap ko! Model
ka pala
dito! Manonood ako mamaya, sabi ko sa kanya. (Ex-boss ko iyon dito
sa NFA.)
The next announcement was for the CEO's to proceed to another room for
their
make-up.
Hinintay ko si Luis. He gave me the invitation to the show.
Tinawag niya si Romy David at nag-usap kami konti. Then they went together
dun sa make-up room.
Kami ni Ojie ay nag-Glorietta muna.
Part II - The Show
May appointment akong daldalan
sa isang friend at 6 pm sa lobby,
kaya bumalik kami ni Ojie sa Shangri-La by 6 pm.
Dumaan na ako sa MAP secretariat
at nag-register. Opps, wal pang
assigned table kay Ennah Liwanag, at taken na lahat yung tables na
malalapit
sa ramp!
Sa daldalan, pumuesto
kami sa lobby na on the look-out for Luis.
Sige , daldalan about my friend's recent Boracay trip.
Nang mag-appear si Luis,
sinabi ko agad na wala pang table. Pumili
na ho kayo, sabi ng secretariat. Pasok kami sa ballroom. Balik sa
secretariat. Taken na yung malalapit! Dun ho sa table ng membership
committee, table 20. Naka, reserved na sa Phil Export ang table 20!
Maki-join ho kayo sa Table
16, sabi ng in-charge. Lapit kami sa
Table 16. Tatlo lang ang bakante. Kulang iyan, kasi pito kami, sabi
ni Luis.
I fetched my bag and brought my friend to help me reserve the seats.
May idadagdag na table sa front, bantayan na ninyo at lumipat kayo
agad
doon, bilin ni Luis.
Nilalagyan pa lang ng tablecloth
yung bagong set-up na table,
binantayan ko na. May lumapit sa akin at nagtanong kung kanino
daw yung
table. Sabi ko kay Secretary Liwanag. Kaklase daw niya si Luis, puede
ba daw
sila sumama sa table? Itinuro ko si Luis para kausapin niya. May dalawang
foreigners na tumayo sa tabi ko, obviously to sit on that table once
the
seats are brought in. Paglapit ni Luis, aba, halos puno na yung table!
Balik
ako sa table 16 with my friend at hinayaan ko muna sila sa new table.
After
a while, may nagpalipat dun sa dalawang foreigner. That was when my
friend
and I joined the now exclusive table of Luis. Nang mahusto na
ang curiosity
ng aking friend, nagpaalam na sa grupo at inihatid ko na sa lobby.
Nag-serve muna sila ng dinner.
Sa dami ng tao, medyo matagal ang
service, kaya salad pa lang ang nakain ay tinawag na ang mga models
for the
start of the show.
Nag-render ng several songs
si Nolyn Cabahug, tenor.
Tapos, speeches and acknowlegements,
mahahaba!
Fashion show na. Ang concept ay 'A Day in the Life of a CEO'.
Mixed CEO's and professional models pala! Akala ko una, CEO's rin ang
mag-mo-model ng sleepwear, hindi ko nga ma-imagine na mag-papajama
doon si Luis!
Nauna ang sleepwear. Mga
lookers ang mga models! Hinuhubad ang mga
negligees at the end of the ramp. Na-i spray ng fragrance sa audience.
Mabilis ang pacing.
Sumunod ang sportswear. Nakahalo
na ang ibang CEO models.Excited
pumalakpak ang audience sa mga CEO's, lalo na sa mga kakilala nila.
Si Romy David ay golf attire ang ini-model.
Exclusive to the Rustan's
models yung swimwear. Naks, high cut ang
mga swimsuits, may mga two piece pa.
Travel outfits ang kasunod
na category. Yung isang CEO, may bitbit
pang garment handcarry when he paraded down the ramp.
Si Luis ang buena-mano dun
sa 'A Day in the Office' with his YSL
light colored suit. Naks, he was a natural! Bungad sa ramp, pause,
smile.
Siempre masigabong palakpakan kami dun sa table namin, na siya niyang
unang
dadaanan. Walk leisurely to the end of the ramp, turn, remove coat,
show
shirt, walk back, turn upon meeting next model on the ramp, pose, exit.
Popular si Luis dun sa MAP crowd. Siya nga lang ang government CEO
dun sa
line-up.
Bulong sa akin ni Ennah:
Sabi daw ni Luis, ano kaya ang ipagagawa sa
akin na role dun sa fashion show? Sasabihan kaya ako na kunyari ay
madadapa
para magtawanan ang audience? Fortunately, walang ganoon.
Sumunod ay ang 'Business
Lunch' category. Katrina Ponce-Enrile was
in an Anne Klein outfit which disguised her height. Carol Carreon in
a below
the knee hemline, how unusual.
Siempre, iba pa rin ang dating
nung mga business attire as worn by
the petite professional models. Very chic din pala tingnan ang suit
with a
smart step-in.
'Life of the party' category
had very pretty minimalist party
dresses and gowns in neutral colors. I also liked the pink touches
on some
of the gowns. The reds included in some outfits were bold reds(as
in, fresh
blood)!
Some of the young CEO's can
pass off as professional models with
their grace and slim figures.
Finally, the curtain call
of all the CEO's. Masaya talaga. I
thoroughly enjoyed the evening!
Si Ennah, napaka-asikasong
asawa. Pinuntahan agad ang waiter para
pa-serve-an ng pagkain si Luis. Bago ko sila iniwanan ay nagpa-picture
pa
kaming tatlo.
Sinundo ako ni Ojie at sabay
kaming umuwi. Aba, payday yata, tapos
naka-long gown (Filipino dress na suot ko every Monday) pa ako, baka
ma-hold-up sa aircon bus, uso daw iyon!
Ano, Ling, gagawa ba tayo
ng fashion show sa program natin sa
reunion, year 2000? Type mo bang mag-model ng latest New York fashion
dito?
Kukunin nating sponsor ang Nu Skin?