Happy Golden Birthday, Maripaz!
 
 


Pasko na talaga
di na mapigilan

tayo'y inaanyayahan
sa isang Paskong  kasayahan

Disyembre 10 gaganapin
sa tuktok ng gusali
ni Ericson na pangulo natin

kasabay na rin
gintong kaarawan
ni Maria Paz Tagle-Chua
na siyang taya sa gastusin

 magpapalitan tayo
 ng mga aginaldo
 na ang  halaga'y
 dalawandaang piso
 
 malimutan mang magdala nito
 makabibili rin doon  ng panregalo
 na gawa sa bakeshop ni Nini
 na esposa ni pangulo

kaya't siguraduhin
na kayo ay dadalo

at magkikita-kita uli tayo
bago dumating
ang panibagong siglo
 

Ana B. Urbina


The Twelve Days of Christmas

On the first day of Christmas Ana B. sent to me

    an e-mail about the Christmas party!

On the second day of Christmas, to Ana we all confirmed:

    our attendance at this Friday's Christmas party!!!

On the third day of Christmas, Ana B. sent to me

    three updated lists
    of birthdays and mail addresses

On the fourth day of Christmas Ana B. sent to me
 
    four e-mail forwards
    from the jokes list of Dr. Ernie

On the fifth day of Cristmas Ana B. sent to me

    five firm reminders
    of the exchange gifts
    in our Christmas party

On the sixth day of Christmas Ana B. sent to me

    six chismis items
    of the attendees
    in our Christmas party

On the seventh day of Christmas Ana B. sent to me
 
    seven names of indians
    who said yes
    to our Christmas party
 
 



Attendance last Friday:

Ma Paz
Eric
Ruth R.
Ella
Wilma
Ruth M.
Ana B.
Francis
Benjamin and Baby
Girlie
Felix and Lou
Manny
Bayani
Pinky
Hector
Gil
Loida
Dennis and Sara
Luis

Maria Paz will live a hundred years! Dalawang beses
siyang nag-blow sa 50 candles on her cake.
 



Dear Ataboy,
        Maaga akong umalis sa office, 4:30 pm, to go to Ericson's penthouse. I was thinking, darating ako nang 5:30 pm, makikitulog muna (puyat from the IT associations christmas party of the night before) doon. Sus, sa FX ako nakatulog, dahil 6:00 pm na e nandoon pa lang sa may FEU. Ibinalik na ang aming pamasahe at pinababa na kami doon. Sakay ako sa another FX. In 15 minutes, siguro naka-move nang 5 meters sa kalsada, tapos stuck na. People were walking by, ang dami nila. Nagbayad ako. Mama, kunin mo na ang P10 at bababa na ako. Nagugutom na ako.
Pasensiya na kayo, Ma'am. Okay lang. Lumakad na ako. Nag-underpass pa sa CM Recto. Stopover sa Raon. Kain ng dalawang lumpia dun sa Globe Building. Kung hindi dalawang lumpia ang nakain ko, baka na-tempt pa akong mag-mami at siopao sa Ma Mon Luk. Yikes! Daming tao sa Quiapo! Opps, bakit papuntang ILS de TULS ako? Balik konti. Wala namang way papunta sa bridge. Balik uli. Ayun! Akyat sa itaas. Lakad na sa pedestrian way ng Quezon Bridge. May sinusundan akong mga tao kaya di naman nakakatakot kahit medyo madilim. Nakarating sa Lawton. Sakay ng jeepney  to Kalaw. Said hello to Nico Nolledo at his office at the Times Bldg in UN Ave. May walkway yung building to the LRT. Ayos! For only the second time since its operation,  sumakay ako sa LRT. Naka, sa other side ang exit. Tumawid pa ako bago nakarating kina Eric at 7:30. Hindi na ako naki-beso-beso sa mga dinatnan (Eric, Maripaz, Ruth R, Wilma, Ella, at Ruth M.) at marami na akong nasagap na mikrobyo sa daan! Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako bumaho! Binigyan agad ako ng drink nung waiter.

I told them all of the above. Parang New York, sabi ko. Si Pinky daw, tumawag na on the way na, pero bakit di pa rin dumarating?

Nasabi ko ang e-mail ni Ling about Conrado, who dropped by to see Mulong at the consulate. he will attend the Millenium reunion in August 2000.  He is also in contact with William Lagpacan

Dahil nandoon si Ruth M., tinanong ko na yung sinasabi niyang garden resort sa Los Banos. Napag-usapan na pala nila habang wala pa ako. In fact, may tentative schedule na ng outing doon sa January 29 yata, to check out the place. Puede rin naman daw na Feb 8, at doon na mag-celebrate ng birthday si Ericson.

Dumating si Francis, si Benjamin at Baby, at si Felix. Tapos si Girlie.

Umakyat ang chocolate birthday cake, 50 pink candles, at  ilang boxes of ensaymaditas, fruitcakes and dates and nuts  from Nini's 19th Street Bakehouse. Pati mga shirts and footwear and fragrance, Tricia's business. Instant tiangge! Kaligayahan ng mga babae. Nagtingin, nagsukat, nagbilihan!

I liked what Tricia said about her business. Panay daw kasi ang dating ng maraming  mga blessings sa kanya,  kaya she is doing business para maka-employ siya at makatulong sa ibang tao. Kung mag-close shop daw siya, kawawa naman yung employees. Kaya kahit minsan, her income goes into the salaries of her people, itinutuloy pa rin niya.

Nagkayayaan nang kumain. Lumabas kami sa roof garden. Binati ni Ruth ang suot kong blouse. Bigay iyan ni Ataboy, made in Morocco. Mayroon akong tablecloth na kamukha niyan, sabi ni Ruth M. Opps! Binago nang konti. Katulad niyan ang design!
Aahhh, better said.

 Niluto ang mga prawns saka beef. We patiently waited. Dumating sina Manny  Deus at  Bayani Miguel and joined the pila. Tiny servings ang kinuha ko to taste everything.

Halika dito sa amin, yaya  ni Wilma sa akin, so I joined their table.
Hoy, bakit ka lumipat diyan, reklamo ni Ruth M. Bumalik ka na sa kanila, sabi ni Wilma. Binitbit ko ang plato ko. Kumakain na kami nang dumating si Pinky.

Sabi ko di ako gutom, pero ubos ko rin yung kinuha ko. Ang sarap kasi! Halika, bumalik tayo, wala akong kasama, yaya ni Felix kay Francis. Nakaka-dalawang balik na iyan, binibilang namin, biro ni Ruth M. kay Francis.

Nang ready na kami for dessert, sinindihan na ang 50 pink candles na nakapalibot sa chocolate cake. Diyan pa ninyo itinapat sa smoke detector ng fire alarm, warned Ericson. Kumanta kami, hinipan ang mga kandila in one sweep. Okay si Maripaz! Wala bang picture? Naka-produce ng camera. Sinindihan uli lahat ng kandila. Blow uli in one sweep! Breathless si Maripaz!  Opps! Sumasali si Loida sa picture. Sindihan uli ang mga kandila, ordered Ericson. Ayaw na ni Maripaz mag-blow! Pose na lang kami. Ayaw nang mag-flash ang camera.

Hector came and handed Maripaz a gift. Ang sweet naman ni Hector, sabi ni Maripaz!

Sabay na yatang nag-dinner si Loida at  Hector.

Naubos ang nearly two thirds of the cake. Very edible kasi, hindi masyadong matamis at maganda ang texture.

Ayusin ang ang exchange gifts. Dumating na si Nini with more goodies from the 19th Street Bakehouse. Pinakyaw ni Girlie yung mga fruitcakes, giveaways daw ni Ben.

Ayaw kong sulatan yung signature box ng bakehouse pero inutos ni Ruth, di sige na nga. O, tingnan ninyo kung nabunot ninyo ang dala ninyong gift, para ma-adjust ang bunutan.

Thank you dito, sabi ko kay Manny. Tamang-tama daw sa akin, kasi chocolates ang laman, sabi niya. Inay, ang taba ko na nga!

Si Ericson ang nakabunot ng gift ko, kaya ipina-sample niya sa lahat yung dates and nuts ni Nini.

Tapos na ang exchange gifts nang dumating si Gil. At wala na rin siyang mabibili from the bakehouse goodies.

Lumabas na kami sa roof garden kasi mainit na indoors. Wilma, ipahiram mo ang scarf mo kay Ella at nang di mahamugan iyan na galing sa flu. Kailangan ko rin, sabi ni Wilma. O, Felix, ang baseball cap mo, dala mo ba? Nasa kotse daw.

Bring your own chairs. Inayos nang pabilog. Ano yan, truth or consequence? Nasaan ang bote? Diyan na sa tapat ng bubong yung mga di puedeng mahamugan! Si Wilma, ayaw tumabi kay Ruth R. Ayaw ding patabihin si Maria Paz. Wala tayong 'K'. Taga-New York iyan. Ako ang isinusulong. Pilya talaga itong si Wilma!

Meeting pala. About the reunion. August 8-11, 2000 ang activities in Metro Manila/nearby area.

Dumating si Dennis at anak. Tatlong oras ang biyahe mula Welcome Rotonda, dahil sa gridlock traffic as a result of the blackout. Gutom daw sila. Nakaligpit na ang mga waiters! Isang linggo ka raw leave sa office? Nagpunta daw ng HK. Pasalubong namin? Zero. Nasa kotse raw yung pang-exchange gifts niya. Ireregalo na lang raw niya kay Maria Paz.
 

May ipinapa-raffle off na giveaways si Ericson. Ibigay na ang isa sa birthday celebrant.  Ibigay na natin ang dalawa dun sa mga hindi umabot sa exchange gifts, kay Vice Chancellor for Community Affairs Gil Gotiangco at kay Dennis. (Ay sana na-late rin kami!)  Isa para sa pinakamalayo ang pinaggalingan, voluntereed Ruth M.
Galing ako sa Pampanga, ani Felix. Eto, galing sa States, claimed one of Hector. Matagal nang galing sa States iyan! Finally, may na-raffle pa yatang lima. (I got one.)

Naka-serve din ng lasagna and bread. Pinatulog na ni Nini sa bedroom ang anak ni Dennis afterwards. Hindi tumanggi ang bata. Pagod talaga.

Dumating si Luis. Pinili ni Nini ang portion ng birthday cake na walang tulo ng kandila at iyon ang kinain ni Luis. Nag-order na ng take out pizza for midnight snack.

Nagsindi na ang ilaw, kaya nagpasukan na lahat. Kumpulan round one table to listen to the fresh chismis about the meeting between Luis and Jerry.

Na-interrupt ang concentration sa chismis ni Luis nang dumating ang reinforcement na Shakey's pizza and mineral water. Kainan muna.
 
At some point, nagkailaw, so nabuhayan ng loob ang mga desidido nang doon umagahin. Willing si Gil na isakay kami nina Ruth, Girlie, at Pinky, kaya kahit gusto ko pang makinig sa iba pang chismis ay nauna na kaming umalis. May early flight to Cebu din si Ericson at hoarse voice na si Nini kaya konti na lang din siguro yung na-miss naming chismis.

Bago umuwi, ipinaalala pa namin kay Maria Paz na kunin yung gift sa kanya ni Dennis. Bihira lang ang pagkakataong ganoon kaya she should take advantage.

Na-traffic pa rin kami konti papunta kina Ruth. Wala pa ring ilaw doon sa kanila. Pinky and I got off near Katipunan, took a Cubao jeepney, and a cab from there. Wala pa ring ilaw sa amin. 2 am na nagkaroon.
  1