Konting Konsiderasyon
konting konsiderasyon
sa ating kapwa tao
malayo ang hahantungan
sa ginhawa ng ating buhay
narito ang halimbawang
pangkaraniwan po lamang
sa maagang biyahe ng jeepney
na ating sinasakyan
kung maari po sana
magbayad ng barya
huwag mag-abot ng buo
na di kayang suklian
ng bagong labas na tsuper
na nagsisikap tulad natin
magbigay ng puwang
sa bagong sasakay
sa jeepney na siksikan
natatandaan ko pa
may panahon noon
ng 'upong diyes po lamang'
mga dala-dalahan
masinop na kipitin
upang di maharangan
ang makipot na daanan
mamang driver
huwag naman
pasibarin ang sasakyan
pasahero'y baka masubsob
matisod papunta sa upuan
pakisuyo ang bayad
ganun din sukling piso
upang ang sakay di mapilay
sa pag-abot ng sinsilyo
kung sakaling umuulan
basang payong huwag hayaan
na tumulo sa mga katabi
sa kaliwa at sa kanan
ang kasamang bata
ng taong nagtitipid
kalungin kung di ibabayad
paupuin rin kung maluwag
kumapit lalo't trapik
baka ikaw ay maidlip
magulantang ang kasakay
sa ulo mong ihihilig
ang pagpara huwag biglain
upang makabuwelo sa pagpreno
ang alisto nating tsuper
at mga pasahero hindi nerbiyosin
pag ganito sa umaga
nakangiti ka pa
pagdating sa opisina
Eleksyon 2001
ang halalan 2001
daig ang fiesta sa saya
makukulay talaga
ang pabagting sa kalsada
nung Sabado
huling araw ng kampanya
buong araw may motorcade
ang mga kandidatong umaasa
na maboboto ng masa
Mayo katorse
maagang gumising ang botante
pagkapaligo, presinto ang tinungo
dala ang ginawang listahan
upang walang makaligtaan
sa ibobotong senador
at mga politikong lokal
sa presinto, naku
parang alpombra sa daan
mga sample ballot, katakut-takot
na pilit pang iniaabot
ng masugid na tagasunod
buong araw pati gabi
botante ay nakatutok
sa coverage ng eleksiyon
nagbabantay, sinusundan ang bilangan
ang demokrasya talagang ganyan
created by nature
enhanced by man
Niagara Falls, illuminated
I imagine
would be a wonder
like no other!
<< back to homepage | << back to poems archive | << April 2001 poems |