Hibang sa reunion ang Prep 1965 ngayon, kasi nandito si Ling.
Date: Mon, 14 Dec 1998 10:09:09
To: prep65
From: "Ana B. Urbina" <abu@nfa.gov.ph>
Subject: Prep65 Christmas Reunion idea
Dusit Nikko Hotel in Makati will have simbang gabi at their Mezzanine
at 6:00 A.M. starting Dec 16. They will serve bibingka and puto bumbong
at the Cafe (for a minimal fee lang) after the mass.
Kung papayag siya, puede kong daanan si Linglingay sa White Plains
by cab and we can meet the rest of you at Dusit Nikko.
Kaya ba ninyo ito, gigising nang maaga? Kunyari lang, may outing tayo
at maaga ang assembly. Ginawa na natin ito minsan nung pumunta tayo sa
Hidden Valley, di ba? Tinanghali nga, kasi nag-breakfast sa Jeepney at
nagka-daldalan doon.
How about it, on Dec 16, kung puede na si Ling? She is arriving today
from New York.
Please reply naman.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pumayag na si Linglingay! Kaya gumising kayo nang maaga bukas, ha?
Pag nakabuo ng simbang gabi, your wish will come true!
Pakisagot naman kung sinu-sino ba ang hahanapin namin doon bukas!
Excited na kami!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Subject: Simbang-gabi with Linglingay
Nag-usap kami ni Ling na magtatawagan sa telepono kaninang umaga para
mag-gisingan.
When I called, nasa banyo na raw si Ling, sabi ni Eric Lacanlale. Tinanong
kung anong oras ko susunduin si Ling. Quarter to six kako.
Buti at pumayag ang kapatid ko na i-escort kami! Madilim pa pala ang 5:30 am, when we got out of the house. Madadapa pala ako kung nag-iisa. At kahit quarter to six, madilim pa rin. Hindi kami rin papayagan ni Eric na pupuntang Makati in a cab nang kami lang ni Ambassadress.
Nag-drama pa ang taxi driver. Hindi niya raw kami maihahatid hanggang
Makati, at color coding siya. Mag-abang daw ba naman kami sa gate ng White
Plains! Naku, Mama, hindi ho puede, at ambassador itong sinusundo namin!
Alangan naman!
Nagpahatid na lang kami sa Shangri-La Edsa at doon nakalipat ng cab.
Sus. traffic na pala sa may Makati kahit ganoon kaaga. We reached Dusit
at 6:20 am.
Tapos na ang mass, kasi 5 am pala iyon! ang 6 am pala ay bibingka at
puto bumbong sa Cafe!
Naaga sa bibingka. We proceeded to enjoy it, kasi we figured, alam naman sa Itaas na we fully intended to attend mass. Baka nga sinadya yung di kami aware na 5 am pala ang mass, dahil hindi ako magyayaya kung ganoon kaaga at babatukan ako ng lahat!
So, dalawang bibingka at isang puto bumbong orders ang binanatan naming tatlo nina Ling at Ojie habang binigyan niya ako ng pointers about menopause (sali na ako sa topic na iyan ngayon). Tapos maraming juicy chismis pa. Aliw na aliw ang brother ko, nasusundan naman lahat dahil familiar names yung mga pinagtsitsismisan. Sorry, panay classified info!
Tumawag si Felix. Pupunta daw siya, isasama si Lou.
Dumating si Benjamin. Not in his usual dark coat, but in a beige barong tagalog. Congee ang inorder niya.
Tsismisan pa rin. Sali ang chismis tungkol sa mga anak.
Nag-excuse kami ni Ling to go to the restroom. Doon kami nag-girl talk ng "Wow, you're still fashionably slim!" nang umikot siya sa harap ng salamin.
Pagbalik namin, seated na si Felix sa table namin. Hindi kasama si Lou.
Tsismisan pa rin. Sali pa rin ang chismis tungkol sa mga anak.
Dumating si Jimmy. Hindi daw siya magtatagal at may board meeting at 8 am with four companies.
Tsismisan pa rin. Business chismis, at sali pa rin ang chismis tungkol sa mga anak.
May bumati kay Jimmy, si Dr. he-can't-recall-the-name from DTI. He introduced us as classmates in high school. My brother promptly added na hindi siya kasali doon.
Naunang umalis si Jimmy.
Tsismisan pa rin.
Nandoon pala si William Padolina sa isang table. Pagtayo namin sana to greet him, siya na rin ang lumapit sa table namin nang ma-eye-to-eye niya si Linglingay. Kumustahan. We said that we are having a prep 65 mini-reunion on our table. Again, my brother said, sila lang ho iyon. We should "resurrect" Prep daw, sabi ni William, kahit with a biennial reunion in Padre Faura of all the classes. He is talking to the Indian ambassador daw.
We all marvelled at how young ambassadors are nowadays, as we sat back on our table.
Felix missed the encounter with Willliam Padolina because he was on the phone with Lou.
Next na umalis si Benjamin, but he took care of the tab before he left.
At 9 am, niyaya kami ni Felix sa AIM. Sige. Lunch naman ang next engagement namin pareho ni Ling.
Naku, napasubo akong umakyat ng 2 flights of stairs! Sabagay, gentle grade naman, kaya dinahan-dahan lang. We looked at all the portraits in the hall, then went to his office, then had juice at the faculty lounge. Ibig pa nga mag-hello ni Ling kay Nieves Confesor, whose name she saw in one of the faculty rooms, pero wala siya at that time.
Then we walked down and to ACCEED, where we discovered a newly-opened
"Cravings" on the 5th floor. Puede tayong mag-reunion doon! Tama ang ambiance.
After Christmas?
O after New Year? Watch out for announcements, read your e-mail!
Opps, may 10:30 meeting si Felix. Pinahatid na lang kami sa driver niya. Ling was off to lunch with the DFA people. I was off to a christmas party at the office.
It was a very pleasant morning and we felt quite accomplished by 10:30 am. Masarap talaga ang tsismisan pag small group gathering.
Ano, itutuloy ba natin ang bukas sa Penthouse ni Ericson, bahala na kung sino ang makararating? Sagot naman kayo!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
From: Felixberto U. Bustos Jr.@dataserve.aim.edu.ph
To: Ana B. Urbina <abu@nfa.gov.ph>
Subject: Re: Tuloy daw kay Ericson
Date: Friday, December 18, 1998 2:40 PM
we, Pinky, Freddie, Felix, Jimmy, Dennis, Ling, Louie (in order of arrival
at Eric's penthouse) and of course Eric missed you and the other missing
Prep Class 65. Are we now a vanishing breed (besides being "rare")?
To
disprove this hypothesis, come to the same place on Dec 26, Saturday,
12
noon up to sawa (is this correct Eric?) for wine, women (Ling and Pinky
good enough?) and song (okay ba Freddie?). Hopefully somebody
can bring
Delay and Debbie (who will both be in town by then). I promise
to bring
Che Osteria even if I have to bodily carry him all the way from Imus.
see
you guys/gals!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Oy,Felix nasa famfanga hako ng haraw na hito,a? Re-onion ng mga familya
ng
hasawa ko. Hang laki talaga ng galit ninyo ni Hanah sa akin no? Lahat
ng
heskedule tinataon ninyo ng may lakad hakong indi fuefuedeng ifagfalit.
Kayo rin ma-mi-miss ninyo yong patawa ko. No, hi don't tink vanising
bread
na tayo. Ektik lang talaga ang Yolly Tide Sison. Vaca sa nekst heskedule
fuefuede na hako.
Fee.Hes. Hibig mong sabi-in indi naka-hatend si Hanah sa farty sa fent-ouch
ni Heric ?
Fee.Hes. hulit: Nakarating sa hakin yong kafamfangan greetings na finadala
mo sa mga Paardong taga Valtimoor.
Wilma
To: prep65
Subject: Despedida for Linglingay at ACCEED-Cravings on January 6,
1999
Adventure alone! Nag-undertime ako from the office at 4 pm, and instead of taking a cab, nag-jeepney to Kamuning, at nag-bus from EDSA to Makati. Kaya ko na nga!
Opps! Ang lalim pala ng hagdang bababaan dun sa underpass sa Ayala cor
Makati Ave. Nangkupo, 3 flights of 11 steps each!
Sige, banat! One step at a time, may hawakan naman. Ayos! At may escalator
naman yung pa-akyat!
Hindi na ako umakyat sa walkway dahil may escalator going up nga, pero bababa rin ng 3 flights of stairs. Didn't want to push my luck.
I enjoyed walking and window-shopping through Greenbelt and on to ACCEED. Malling again! Christmas pa sa shops!
Finally got to ACCEED. Sa elevator pa lang, may nagtanong na kung sa party ni Prof Bustos ako pupunta. At the door of C2, tinanong ko kung may tao na. Oo, at 5:55 iyan, ha?
Si Zeny K and daughter Midge ang nakaupo na doon. 20 daw ang reservation, split between a 10-person capacity function room with a glass door and a table outside.
Siningil ko agad si Midge sa utang niyang article for our website.
Then I showed them the pictures that Mila sent. Puzzle talaga si Ed
de la Rea.
We transferred to the function room. Doon na kami dinatnan ni Felix. Naks, naka-dark suit. Na-traffic daw siya on the way from the other building kaya naunahan namin.
Midge is scouting for a place to pursue her master's. Hindi pang-AIM ang field niya. Artist e. Ang ganda ng design niya ng postcard of Rizal, Tha Animated Movie. Hindi pa released.
Napag-usapan ang death penalty. Nabayaran daw ng mga drug lords na i-stay ang execution ni Echegaray para hindi rin agad mabitay ang mga nakalinyang mga drug lords.
Inihatid si Ruth M. ng kanyang husband.
Dumating si Franklin, solo. Darating daw si Pat kasama ang dalawang sexy. On the way na.
Si Benjamin, na-traffic rin coming from across the street.
Si Francis, low profile entrance.
Freddie can pass for Jose Rizal.
Nag-reminisce ng places in the vicinity of Padre Faura in the 60's.
Nang dumating si Ruth at Girlie, nagdagdag ng chairs sa function room. Hindi pa nakakaupo, eto na sina Pat, Dexter at Tessie. And Ella and Wilma. And Dennis. And Vergel.
Nagtayuan na at nag-mingle. Ruth took matters into her hands and ordered the waiters to just set up one long table for 20 outside the function room. When the manager tried to explain na may naunang naka-reserve sa outside, nag-insist si Ruth na kami ang i-prioritize dahil nandon na nga.
Narinig ko pang tanong ni Donya: "Sino ba kasi ang pumili ng place na ito?" Itinuro ni Pat si Felix. "Aba, si Ana B. at Ling ang nag-decide," palusot niya.
Lumipat na lang daw ng ibang lugar. E saan, at paano naman yung mga di pa dumarating?
Ang restaurant management ang nag-concede. Inayos ang long table outside the function room. Upo ang donya and company, at niyaya kami lahat doon. Takot lang naming hindi sumunod agad!
Nang magsiupo, halos girls on one side and boys on the other side ang nilabasan. Siempre, nasa dividing line ako, katapat ko si Ruth M.
I missed a lot of the kabastusan discussions of the menopausal boys to our right, and the chismisan of the girls to my left because I was engrossed in a discussion with Vergel . Matutupad na ang pangarap na i-CD for posterity ang mga pictures natin! May facility na siya sa Land Bank. Sabi ko nga, mag-acquire na rin sila ng digital camera para lalong ayos! Excited ako, kasi may sinasabi pa siya na pati yung webpage e puedeng i-CD, tapos i-recopy and distribute so each person will just access it locally and not from a server in the web. Wow, what a project for the coming millennium! Lumilipad na ang isip ko.
Palakpakan ang lahat pagdating ni Ling! At halos kasunod niya si Jimmy! Yang style mo, bulok, sabi ni Freddie kay Jimmy. Si Franklin, gusto pang ipaulit ang besobeso ni Ling at Jimmy, kasi di niya nakunan ng picture! Sabi ko naman kasi, huwag muna umakyat agad,eh, Ling explained. Somebody asked Jimmy later, Bakit di mo kinakausap si Ling? Kanina pa kami magkasama, patol naman ni Jimmy.
Remember the woman in red?, paalala nina Joemelo at Freddie kay Ling. He, hanggang ngayon, nga bastos pa rin kayo, sagot niya.
Sabi ni Ericson kina Zeny K, kayo na ang mag-order ng pagkain para sa lahat. Nag-order muna ng pica-pica for everybody, tapos pinag-individual order na ang lahat dahil siempre may individual preferences nga. May hindi nag-order, pero 'tumikim' ng na-order ng iba. Kalahati na lang ng pagkain niya ang inabutan ni Dennis pagbalik niya galing sa kabilang end ng table. Si Joemelo asked for little bits from everyone, mas gusto raw niya yung mga 'panakaw na sandali'. At one point, sinubuan pa siya ng isang spoonfull of something ni Ruth M, pero si Ling ay hindi niya nauto na subuan din siya. Si Luis sampled lahat yung natirang pica-pica, tapos ang sabi pa sa waiter (na napanganga) ay i-cancel na lang daw yung order niya at yung mga tira na lang ng lahat ang kakainin niya!
Pinagbuti ng inuman boys ang takaw-tingin sa mga yuppies on the other table. Pag may dumadating doon, may comment pa sila na "Hindi natin kaklase ang mga iyan. Magaganda!"
Na-accuse namin ng undergoing male menopause yung mga boys na maaga
pa e ina-antok
na, tulad ni Dennis. Si Francis nga, at one point e nakapikit na. Si
Joemelo, wala daw ganang kumain. Bakit nga daw ba menopause ang word for
whatever that is? Ano raw ba ang root words? Men, saka Pause. Hindi ko
ito nasundan. Pero pag daw dun sa mga yuppies tulad nung mga nasa kabilang
table, wala raw silang magiging problema sa menopause nila.
Marami pa itong mga kabastusan tungkol sa getting it up and keeping it up, may kasama pang mga gestures.
May serious discussion din about the law (hot issue talaga ang death penalty) dun sa group where Jimmy, Ma. Paz and Luis were. Sabi ko kay Girlie, in-charge siya dun sa mga chismis on the other side. ang haba nung table, di ko talaga madidinig lahat. May deadly weapon of a wall decor doon, delikado lumipat dun sa other side. Matutusok ka nung tentacles nung decor.
Nagka-yayaan pang tumuloy sa Fat Willy's sa Fort Bonifacio. Sige, sabi ng iba, bukambibig na nga raw iyon ng mga anak nila. Huwag na, sabi ni Eric, kasi madi-disperse daw, stay na lang doon. Baka wala tayong maupuan na doon, sabi ni Donya. May Fat Louis naman na raw tayo,eh, referring to Luis. Hindi tuloy malaman ni Luis kung o-order ba siya or what. Dapat bilisan niyang kumain, sabi ni Ling, who wants to see Fort Bonifacio.
Ano ba talaga, kasi tatawagan ko ang sundo ko, problema ni Ruth M. Nang dumating, pina-akyat pa niya ang anak na plane pilot para ipakilala sa amin. May bibili daw ng palne, para mapalipad nung bata.
Nagkakayayaan pang pumunta sa New York in May to see Lea Salonga in
'Miss Saigon'. Si Eric daw 3 times nang napanood iyon ,di pa natiempuhan
si Lea. Buti na lang at napanood ko na nung 1991, excused na ako sa lakad
sa summer.
Naiyak ako sa tawa sa kuwento ni Dexter about a now congressman
na matagal daw lumigaw sa kanya. Paano naman daw niya magugustuhan, e naka-peluka
na (baka mahablot daw niya pag nag-se-sex sila), amoy cabinet pa (moth-balled
siguro yung pang-porma!)
He, he, he! May pang-sagot na tayo sa amoy-lupa!
Pinag-uusapan na ang Millenium Reunion. Sa year 2000 ito! Aba't may mga schedules na si Linglingay sa year 2000! Uuwi yata siya in June.
Nakapag-leisurely dessert pa bago nasara ang kusina. Overtime sa amin yung restaurant.
Nang magkasabay kami sa restroom, kinuha ko ang tel nos ni Dexter. Biniro ko na naman si Lola Tessie (magta-tatlo na ang apo). Hay naku, ang lalakas pa ng mga boses pag tinawag kang Lola, ani Dexter. I commented on her long nails, sabi ni Tessie, kapuputol pa lang nga niya ng kalahati noon. Puede daw niya pahabain, kasi strong ang nails niya, kaya hindi nag-bi-bend. Baka matusok ang mga apo mo, kako. Aba, wala daw siyang maid, naglalaba at naghuhugas daw ng pinggan ang mga nails na iyon, pero ha, naka-short shorts daw siya, sexy, kahit gumagawa sa bahay. (Green ang nail polish nung long nails na iyon!)
Ang next happening ay yung golden birthday celebration ni Ericson. He will finalize the date soon. Watch out for the announcement.
Sa elevator, tanong sa amin ni Blay: totoo daw ba yung kay Tessie? Hindi naman daw yata ganoon kalaki noon.
Sa ground floor lobby nag-noisy goodbyes!
Kay Felix kami sumabay. Idinaan niya pa si Ling dun sa party of New
Yorkers na ina-attend-an ni Lou.
Sabi ng brother ko, iba nga raw pala yung class natin. Hindi na raw usual yung at our age e nag-aagawan pa ng pagkain at marami pang public kabastusan. Ibig niyang sabihin, wala na talga tayong masks sa isa't-isa.
On that note, this is it! Ihahabol na lang ang nakalimutan. Hey, guys, why don't you also write your account of the affair naman, para may ibang viewpoints?
PS
Pat was just on the phone and she said hanggang 5 am raw yung extended
kuwentuhan nila ni Franklin after our reunion. Kaya, paki-share din pati
yung inyong afterthoughts!
Bagong uso na ngayon ang Gulatan Reunions.