Melo's


This is an account of that Melo's night.



  May 24, 1994
Dear Ataboy,
     Mila, Ling and I had a great time with the boys last night. We went to Melo’s right in front of  the office of Dennis at ABS-CBN. Ang galing ng piyanista!This was just the small group welcome for Mila. There was just Dennis, Pocho, Vergel, Joemelo, Freddie and Jimmy.
     Mila arrived May 15 and I got to talk to her the following day.Binigay ko ang telephone nos.  nina Ling, Dennis at Vergel sa kanya. Natawagan niya sila, pero wala kaming na-set na meeting kasi she was going to leave the following afternoon for Leyte. Babalik nang May 22.
     Si Ling at Dennis ang nag-usap about the small group gathering. Ang sabi ni Dennis sa akin, I’m not supposed to do any calling. Di sige. Basta lang daw make myself available for last night.
     May 22, tumawag si Mila at 10:30 pm. Naka-negative pala ang phone ringer, so naka-iwan na siya ng message to call her at home, at kadarating lang from Leyte. Sus, di po iniwan ang number at alam ko na raw. Kaso, nasa diary ko sa opisina.
     Tawag ako kay Ling, baka sakaling meron siya. Naku, nasa opisina rin. Tapos, sabi niya, dapat din daw tanungin si Mila kung may gusto pa siyang maisama sa small group. Ibinigay niya raw kay Mila ang number ni Jimmy. Si Felix daw ay nasa New York pa. At hindi pa raw alam ni Mila ang lakad na iyon. Sus! Maniwala ka, I went through my cluttered table and attache case to look for the scratch paper where I wrote Suzette’s phone no that Vergel dictated. Nakita ko after 20 minutes.     Nakausap ko si Mila, told her about the plan.Okay na. Nagkuwentuhan pa kami about her lunch with the WOMEN the day she left for Leyte. Pagkababa ko ng phone, may tawag from Ling. Tinawagan daw siya ni Ruth Ramos at tinatanong kung ano na ang plano for Mila. (Palagay ko tumawag iyon sa akin, at nang busy ang line ay si Ling naman ang sinubukan.) I told her that I have reached Mila already at okay na.
     I was having palpitations yesterday, so I decided not to report for work and just rest. Sarap!
    Tinawagan ko si Dennis at sinabing tawagan niya si Mila. At baka daw kako dapat kasama si Jimmy sa group dahil Canada based rin. Ako na raw ang tumawag kay Jimmy. Di sige. Oo din naman, kaya lang susunod lang daw at may meetings pa. Sabayan mo na nang dating si Ling, at nang maganda ang pasok ng chismis, biro ko. Bakit, mahuhuli rin ba? tanong niya. Oo daw, dahil mata-traffic.
     Bagong paligo akong dumating sa office ni Dennis at 7:15 pm. Mila and I had a shrieking hug,  much to the amusement of Dennis and Pocho. Aba’t umiinom na silang tatlo ng Remy Martin XO. Inalok ako but I declined. Nagpa-palpitations nga kako ako. Brand ko ba?, biro ko. Marunong ka bang bumasa ng French? sagot ni Dennis.
     Kuwentuhan. Tingin ng pictures.Hindi na-recognize ni Mila si Ling sa isang shot. Mukhang matanda, ano?, suggested Dennis. Sabi ni Mila, nag-pabango raw siya para hindi sabihin ni Dennis na amoy lupa. Ang tawa ko lang! Dala-dala niya ang inis postcard ko about the Internet letter she did not receive. Magbabayad na ako ng aking utang, sabi ni Mila. Sa Foundation daw. P20,000, banat agad ni Dennis. He, alam ko yata ang going rate, tinanong ko kay Girlie, supalpal ni Mila sa kanya.
    Hintay-hintay. Dumating si Vergel. Tinatanong ni Mila ang utang niya sa Internet mails. Akala pala niya e may bayad per mail. Kahit pa may bayad, huwag mo kaming sisingilin kako.
    Dumating si Joemelo.May  pinagbulungan agad ang dalawa ni Dennis and Joemelo.  Compare notes na lang daw sila later. They dismissed the topic because I was getting curious. Nag-update ng listahan ng ipatutugtog sa piyanista. Napansin ang time, 8 na pala. Tumayo at nagsibaba na. Napag-trip-an pang mag-picture taking sa lobby ng office. Hiyang hiya si Dennis, but gave in to group pressure and asked the guard to take a shot of us. Also promised us a tour of the place later.
     We crossed the street on foot to get to Melo’s. Naks! Husto ang ambiance. Malapit sa piyanista ang reserved table.May picture window view of a garden outside with lights and waterfall and plenty of greenery. Walang ganito sa Toronto, sabi ni Mila.
     We were surprised to find a bag leaning on one of the seats. Turned out to be Ling’s. Nandoon na pala siya about 20 minutes ago at nagpunta na lang muna sa restroom.Tinawagan na rin pala niya ang office ni Dennis, siguro at about the time we stepped out na.
     Tsismisan na. At binanatan na rin ng piyanista ang mahaba naming listahan. Dumating na rin si Freddie, na ang unang comment ay gusto daw niya, may ka-holding hands sa ambiance na iyon.
     Kung dito ko dinala, siguro me nangyari nung gabi, ang full of meaning na statement ni Dennis kay Ling. Ops, continuation ito ng headline ko of last time! Suggestion ni Dennis, I should relax and forget about my write-up for once.
     Nag-order ng carafe ng red wine, pero nang i-to-toast na si Mila ay na-discover na hindi pala na-serve ang wine sa dalawang babae. Kami lang mga boys ang meron! Eventually we were able to toast.
     Si Pocho, pinapa-extend ang stay ni Mila till June 15. Mag-de-debut pala ang anak niyang si Maida, at invited nga ang small group. Ibinigay na nga ang invitations namin doon.
     Tamang-tama ang planong i-ballroom dancing si Mila sa Zu, the ‘in’ place sa Shangri-La, para maka-practice na raw. Next week ito activity. Mila said she’ll know by the end of this week if she can extend.
     Sabi ni Dennis, alam din daw ni Vergel yung ni-li-lip read kong pinagbubulungan nila ni Joemelo. When I asked, Vergel dismissed me with, "Mamaya na, ang ganda ng music, e."
     Hindi naman talaga makatuloy ang daldalan sa ganda ng music.Nakaka-high talaga. Kahit kumakain, mapapakanta ka. At si Blay ay talagang kantang-kanta na rin, kaya lang marami pang tao.
     Nang mag-break ang piyanista, takeover agad ang aming team. Bumanat ng ‘My Funny Valentine’. Lahat ay napalingon! Nag-oblige sa clamor namin for more.
     Jimmy arrived while ‘The Nearness of You’ was being played. Hahalik ba ako? ang tanong. Oo, kay Mila, hindi kay Ling. Si Mila naman ang unang naging crush ni Jimmy, recalls Ling.
     Tinanong ni Jimmy si Felix. Earlier ay nalaman na namin from Vergel na nandito pala.Nakagaling na from Singapore, Friday papuntang New York. Hala lagot! Aba, labas ako diyan. Si Ling ang negligent.
     Nakaligtaan ang picture-taking. I got carried away, excuse ko. Dennis took some shots, and Mila took one of Freddie belting out a soulful number with Popoy, the pianist. Todo bigay si Freddie sa kantang ‘What Kind of Fool Am I’.
     We could stay here forever, sabi ko. Ayaw pa naming umuwi, ha, claro ni Ling sa boys. Lagi ba ito? Madalas ba kayo sa ganitong places? Sila siguro, oo, pero hindi kami ang kasama, sabi ko kay Mila.
     Grabe din naman ang piyanista. Kahit anong kanta ang sabihin namin ay tinutugtog. Sinagad namin ang time limit niyang 11 pm. Tapos nag-group picture. And by the way, hindi pala nila kami siningil . Ang mga boys lang ang nagbayad. Is that an improvement or what?
     Nag-linger pa dun sa parking lot. Kami ay bumalik pa sa office ni Dennis, dahil di pa nakita ni Ling. Sikip ang shower para sa dalawang tao,assessed Ling. Aba, at marunong ka na pala ng mga ganyan, puna ko. Vergel pointed out the kaartehan pati ng mga susi ng cabinets.
     Si Dennis ang naghatid sa amin.Naku, di ako agad makatulog, naka-inom kasi.
    Early this morning, tumawag si Mila. Tinatanong kung kelan uli magkikita. Bitin daw siya kagabi. Daldalan ang gusto, more than ballroom dancing. Free ako this weekend, tumawag ka lang, kako. She will firm up her schedule and call me. Libre sana siya ngayon, kaso may klase ako.
     I called up Ling. Magtawagan na lang daw bukas. Meron siyang dental appointment, saka errand with sister-in-law during the weekend.
    By the way, I called up Mommy last Tuesday. I was in Cabanatuan during the weekend. I told her about our scheduled night out with Mila, and about your Tadiar cousins reunion.
     O sige.
 
 

I had to place it here!



 
This page created with Netscape Navigator Gold
1