I saw Tinte, Mrs. Esguerra, Joscelyn Casaje, Angela Umali, and Eddie Umali at the UPIS Homecoming.
Neneng, the friend of Miss Cruz, said I was meant to come to the school. She showed me her album of Miss Cruz and allowed me to borrow it.
Miss Cruz is the emotional attachment that I kept saying I did not have
with the UPIS.
I knew her friends there! And several of her students, too, who were
introduced to me in the hospital.
I promised Teret de Villa that I will be back next year.
And if I had P500 on hand then, I would have paid a one-time membership
fee to the UPIS Foundation. I will do it when I return Neneng's album.
Umayos konti ang weather nung hapon, so I donned my maong pants and a long-sleeved T-shirt and my sandals, put the prep 67 and prep 65 Prepian Annuals in my backpack, and armed with a golf umbrella, sugod na sa UP after lunch.
Nilakad ko na lang ang UPIS from Vinzons Hall.
Derecho sa registration. Rory Bello-Verayo ang pangalan nung prep 74 na andon. Tinanong ko kung kamag-anak niya si Benjamin., From Santa, Ilocos Sur daw siya. Kung doon din si Benjamin, magkamag-anak siguro sila.
Nag-fi-fill out pa lang ako nung form,
nagkita na kami nung prep 73 na friend ko sa Phil Computer Society, si
Lerma Moreno-Willliams. Recuperating from a hysterectomy daw siya. Inalok
kami ni Rory ng ballroom dancing tickets. Sabi ni Lerma, hindi kami puede
sumayaw saka wala kaming pera, kaya huwag na lang.
P100 yung souvenir program. May one page ad kami, don't we get a free
copy? Binigyan ako. Itinuro ni Lerma yung puesto nila ng taho at vegemeat
sa corridor just outside the multipurpose hall. Sige, I'll see you later,
sabi ko.
Tinanong ko sa registration
kung nasaan si Becky Galvez, yung tumawag sa akin about the homecoming.
In-escort ako dun sa may food tent, Nandoon ang mga prep 74. Naka, ang
lagkit ng putik sa ground, pero sige, subo na. Tinanong ko kay Becky kung
saan magkakapag-reprint ng Annuals. Hindi raw natuloy yung Antique booth
na iyon! She then escorted me all the way to where Teret de Villa was.
We hugged.Teret is now in charge of Alumni relations but she was principal
at the time Miss Cruz was asst principal. They were very close friends.
Teret pointed out Angela Umali-Crisostomo to me. Ikaw na ba yan? Hindi
kita makikilala, bati ko kay Angela. Nandito din si Joscelyn, sabi niya.
Hinahanap ko nga din siya. Ayun, itinuro sa dulong table. Pumunta na kami
doon. I returned the prep 67 annual to Joscelyn. Itinuro naman niya sa
akin si Mrs. Tintero dun sa isang dulong table. Nilapitan ko si Mrs Tintero.
Ma'am, hindi kayo nagbabago. Trying hard, sagot sa akin. Balik ako kay
Joscelyn. Matapos ang prep 67 chismisan, nagpaalam na ako at pumunta na
sa puesto ng taho.
Bumili ako ng Big Book ng Alumni Foundation. It contains the names of all alumni of the different batches of UP High, UP Prep, at UPIS.
Siempre, kumain ako ng taho habang nagkukuwentuhan kami ni Lerma.Exchange notes muna about having undergone hysterectomy. Sa St Lukes din siya. Dalawang beses daw siya nagising sa operating room (Inay, mamatay ako sa takot kung ako!) kasi napakataba niya kaya ang tagal ng stitching. May cleavage nga raw pagkatapos! Kalog rin itong si Lerma!
Actually, pamangkin ni Miss Clemente na barkada ni Lerma yung may puesto ng taho. Nakiupo lang siya doon. Tapos tangay niya ako na nakiupo din. (One time nga, nag-pub pa kami ni Lerma sa Pasay Road. Doon kumakanta si Paolo Clemente, pamangkin na carbon copy ni Roma Clemente-Roy.)
Ang ganda ng istorya ni Lerma about their silver anniversay last year. Inayos daw nila ang quadrangle sa Rizal Hall sa Padre Faura. (Kaya ayun, mag-re-reunion doon ang prep 69 bukas, she adds.) Nag-mock classes daw sila dun sa third floor, may mga nag-declamation etc habang nakaupo ang mga teachers sa front at nanonood ang mga families.Nag-put out pa raw sila ng issue ng The Scroll.
Sentimental about Rizal Hall itong prep 73, kasi sila yung on their fourth year ay lumipat ang prep sa Diliman campus.
At hindi lang iyon! Their class is spearheading the Golden anniversary of Prep in 2004. Yung mga golfing boys daw ang nagkausap-usap about it. Kilala mo naman si Elizabeth, di ba? Mag-e-mail ka sa kanya, suggest niya sa akin.
Bumili ng taho si Sheila Patawaran-Ingco, prep 74. Inintroduce ako ni
Lerma. Namilog ang mata ni Sheila pagkadinig ng pangalan ko. May website
ka, tukoy niya sa akin.
Alam niya yung poems ko saka yung mga tsismis natin! Pati yung picture
kong nakatayo sa keyboard ng PC.
Nag-reminisce na po silang dalawa ni Lerma about the prep transfer to
Diliman nung 1972. Bakit kayo pumayag na UP High-Prep ang pangalan ng school,
tudyo ko.
UP Prep-High daw iyon, insists Sheila.
Yung katabi naming puesto, Selecta ice cream. Nag-announce ng free ice cream, siempre, puntahan doon lahat! Pati si Mrs. Tintero and her son! Tapos, nakipag-kuwentuhan na si Ma'am sa amin. Ayaw nga maupo, siya ang nakatayo.
Na-vehicular accident daw siya, about 8 inches of bone ang nadurog sa
leg niya at inalis in an operation. Miracle of miracles, her body re-grew
the equivalent bone in two weeks, hindi kinailangan ng metal support inside.
Amazed daw ang doctors.
Ma'am, e di hindi na puede ang high heels? Puede pa, at inililis ang
palazzo pants niyang kulay purple (with white lapel ang matching suit)
to show her 2.5 inch wedge shoes. Tinte has kept her distinct style.
Nagkapag-asawa raw ng German si Vicky, anak niyang prep 68. Padadalhan daw siya ng plane ticket ng son-in-law niya, but she has commitments sa KATHA. She still writes books. World History daw ang topic na ginagawa niya ngayon. O Ma'am, di tamang-tama ang input na travel for that kind of project! Oo nga daw.
Nadaan din si Eddie Umali. UPIS alumni pala ang dalawang anak niya.
Sumilip din kami ni Lerma dun sa ballroom dancing. May giant screen showing the action on the dance floor. May mga bata dun sa DI team ni Becky Garcia.
After the ballroom dancing, may combo na tumutugtog ng Dave Clark 5 music. Pumasok ako sa multipurpose hall. Nagkakantahan yung mostly prep 74 ng "Hurtin' Inside". Nakiki-kanta rin si Neneng, friend of Miss Cruz. Binati ko siya. Umalis siya sa kantahan. Itinuro sa akin kung saan ibinurol si Ma'am. I made an album of Poy, would you like to see it? Of course. Lumakad kami to her office. I told her about the visit to the school being my christmas gift to Ma'am. From a stack of albums, she pulled out the one of Ma'am. You were meant to come here, sabi niya sa akin. She even had a close-up shot of my note pinned beside the ribbons with names of her family. She let me borrow the album.
I went back to the taho stand. Mauuna na raw siya, sabi ni Angela Umali.
Kuwentuhan pa kami ni Lerma about her activities lately. Retired na
siya from CAP.
Recuperation ang main concern niya ngayon. Nag-try naman ako nung vegemeat
burger sandwich. Masarap din.
Bumili ako ng souvenir program.
Talagang multipurpose pala yung hall. Inaayos na for a disco of Class
89. Mag-i-stay pa raw sila, sabi ni Lerma. Nauna na ako. Nadaanan ko si
Teret de Villa sa entrance. Hug uli kami. I promised to be back next year.