SAKALING AKO'Y LUMAYO
by: Anonymous

          
               
        

            Ako kaya'y maalaala mo pa...
            Sa bawat awit na iyong maririnig,
            Sa bawat tula na iyong mababasa,
            Sa bawat ngiti na iyong makikita,
            Sa bawat init ng pag-ibig na iyong madarama,
            At sa lahat ng bagay na iyong gagawin pa.
            Sa bawat sandali, dapat mo pa kaya akong maalaala? 
            Sa lungkot at ligaya,
            Sa malapit at sa malayo,
            Sa dilim at liwanag,
            Sa buntonghininga at sa kasiyahan,
            At sa bawat paghinga ng buhay.
            Sa tagumpay at sa kasawian,
            Mahal, sa aking pagyaon...
            Pababayaan ko ba ang aking sarili na baunin
            Ang ating mga nakaraan?
            Mga nakaraan na puno ng kasiyahan,
            Mga awitan na ating pinagsaluhan,
            Mga matatamis na pagpapalitan ng liham,
            Mga sulyap sa isa't isa,
            At ang mga pangakong ating pinagsumpaan.
            Mahal, dapat mo pa ba akong hayaang lumisan?
            Baon ang alalahaning maalaala mo ako kahit minsan...
            Na ako'y lagi mo nang hahanapin,
            Na ako'y iyo pang mamahalin,
            At ako'y iyo pang hihintayin,
            Hanggang sa dulo ng walang hanggan!











            

[ Go back to my homepage ]
Copyright(R) 1998, CYBERMASTER 
All rights reserved 
Manila, Philippines

 

 

 

 

 

1