AKO'Y NASASAKTAN
by: CyberMaster
Ako'y nasasaktan sa tuwing kayong dalawa'y nakikita, Na palaging magkaakbay at tila ba napakasaya. Ang inyong mga malulutong na halakhak, Ay parang mga punyal na sa aki'y tumatarak! Ako'y nasasaktan sa tuwing kayong dalawa'y magkatabi, May matatamis na ngiti't saya sa inyong mga labi. Ah...kung malalapitan nga lang sana kita, At kung itong dibdib ay wala sanang kaba. Ako'y nasasaktan sa tuwing ika'y lagi ngang magdaraan, At sabay tititig sa akin na para bang may dahilan. Mayroon ka bang gustong sabihin sa akin? Huwag na lamang...huwag na lamang, o aking giliw! Ako'y nasasakta't ang aking puso'y tila napupunit! Maging itong sarili'y pilit kong tinatanong kung bakit, Ang damdamin ko'y tila ba naninibugho, Sa isang babaeng 'di man lang alam ang pangalan ko!
Copyright(R) 1998, CYBERMASTER All rights reserved Manila, Philippines