WLH Filipino Home Page

The Home of Filipino Literature


WLH Filipino Home Page is designed to facilitate the spread and the knowledge of Filipino culture and literature to the people in cyberspace.

It is also designed for people researching on different culture. If you can't find what you're looking for in this page, please email us and I'll be glad to give you more information about Filipino culture, or the Philippines itself.

All medium of language written below are all in Filipino. You can request translated versions by emailing us.

I will also invite those people who are interested in learning the Filipino language, and if you're planning to visit the Philippines, or you're already in the Philippines, a tourist guide probably. Just contact us.


Magandang Araw! Ang WLH Filipino Home Page ay isinagawa para malaganap ang cultura ng Pilipino sa mga taong gumagamit ng 'internet.'

Ito rin ay isinagawa para sa mga mananaliksik ng iba't ibang kultura. Kapag hindi mo dito makita ang iyong nais makita, puede mo akong sulatan at ako'y matutuwang ibagay sa iyo ang mga impormasyong nais mong malaman tungkol sa kulturang Pilipino, o tungkol man sa Pilipinas.

Lahat ng iyong mababasa rito ay puro nasa wikang Pilipino. Puede kayong humingi ng mga gawang nasa wikang ingles.

Ako rin ay nagtatangap ng mga taong nais matuto ng wikang Pilipino, at mga taong may planong bumisita sa Pilipinas, o kapag ikaw ay nasa Pilipinas na, puede kitang malibot sa lupain ng Pilipinas.

Ako ay studyanteng nag-aaral sa isang unibersidad dito sa Pilipinas.


Ito ay mga halimbawa ng mga kasulatan na isinulat ng isang estudyante ng Ateneo de Manila.

FILIPINO 12: MGA DYORNAL ENTRI

IKA-19 NG NOBYEMBRE, 1996








Huling Hirit







ni May Buhay







Kakaiba ang init ng aking pangngatawan. Alam kong walang kinalaman ang kahalumigmigang pinabaho ng usok-tambutso sa pamamasa ng aking singit-singitan. Nais kong makawala muna sa mga sasakyang nagkabuhul-buhol, sa dyip na itong pumupulgada sa kabagalan, na simbaagal ng pagkilos ng mga pulis-trapiko. Sa bagay, wala nga naman palang silbi ang mga fly-over na pinagkagugulan ng kung ilang milyong piso. Matagal ko nang gustong gawin ito. Sa palagay ko'y tamang-tama ang panahon. Madali namang sabihin kay Mama na sobrang trapik sa Autrora Boulevard. Totoo naman talaga. Alam kong may posibilidad na biglang mag-raid na lang ang PACC at maimprenta ang dati-rating banal kong pangalsa Abante o People's Tonight. Ngunit malakas talaga ang dugong dumadaloy sa aking pagkalalaki. Disidido na talaga ako ngayon. Sa bagay, tatlong araw na lamang at magbabalik na naman ako sa mga libro; may panahon pang maghuling-hirit. Nakapaninindig-balahibo ang mga larawan nina Pepsi Paloma, Jean Zaburit at Rosanna Roces. At habang papalapit ako sa bilihan ng tiket ay lalong nag-iinit ang aking pangangatawan. Patuloy na namamawis ang aking singit-singitan, nmamamasang tulad ng katawan sa larawan habang ang mga ito'y nagbibilad sa tabing-dagat nang walang panti't bra.

"Twenty pesos, po, sir," sagot ng kahera. Ang sarap palang masabihan ng "po." Tila nasa tamang edad na ako para makapasok sa mga sinehang tulad nito. Sa unang pagkakataon, nadama ko ang kalayaan.

Kakaiba ang _____ sa mga sinehang napagpanooran ko. Malagkit ang hangin sa loob, pinaghalong amoy ng sigarilyo, marijuana, pawis, at tamod. Ang palabas sa tabing ay paulit-ulit, walang intermisyon. Kasabay ng nagsasalpakang katawan nina Gino Antonio at Pepsi Paloma ang mga halinghing mula sa mga orgy sa mga upuan. Lalong nag-iinit ang katawan ko, hindi dahil sa libog, kundi dahil sa kaba... at takot. Hindi ko inaakalang makakapasok ako sa ganitong uri ng lugar. Wala pang sampung minuto ang dumaan ay ninais ko nang umalis. Naalala ko kasi ang aking Mama, ang kanyang pagmamahal para sa akin. At bago ako ako nakaalis ay sukat ba namang may baklang biglang lumuhod sa aking harapan, at nagtangkang buksan ang siper ng aking pantalon. Sinipa ko siya nang malakas at ako'y nagmadaling umalis. Anong klaseng huling-hirit ba ang ginawa ko? Anong klaseng pagkatao ang meron ako?

Sa bus, habang ako'y nakatayo ay hinndi na pangkaraniwang amoy ng tao ang aking nasisinghot. Hindi na lang basta amoy ng pawis ang naaamoy ko sa nagsisiksikang tao. Malagkit ang amoy. Malagkit.

Ito rin ay isang artikulong isinulat ng isang Atenista.

Isa akong taong ideyalista at perpeksyonista. Ideyalist, dahil paniniwala ko na lahat ng bagay sa mundo, kongkreto man o abstrakto, ay mag kaganapang ideyal; perpeksyonista, dahil para sa akin hindi lamang dapat manatiling teoretikal ang bagay, ito rin ay dapat maisagawa dahil ito'y di-malayong mangyari. Ito ang paniniwala ko sa lahat ng bagay -- lahat ng bagay maliban na lamang siguro sa pag-ibig. Naiiba ang aking pananaw tungkol sa pag-ibig (marahil dahil iba rin ako kung tuturingin). Magulo ang paniniwala ko dito at hindi ko rin maiwasan na malito paminsan-minsan. Sa dami ng nakapanayam ko tungkol sa pag-ibig na tumutulad sa akin, nalaman kong totoo may kaganapang ideyal ang pag-ibig na ito. Ngunit hindi posibleng maabot nito ang kaganapang perpektibo dahil iba ang paniniwala ng nakararami tungkol sa ideyal na kaganapan nito. Kalimitang pag-ibig na senswal o karanal ang kanilang ikinakapit sa depinisyon nito imbes na busilak at taal na pag-ibig na nagmumula sa puso. Ngunit ang kabalintunaan nito sa aking sitwasyon ay sa kabila ng mga basehang paniniwalang naisaad ko na, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa ideyal at perpektong pag-ibig ng aking uri.

Maaring hindi ko matiyak na mahahanap ang ganoong kaganapan ng pag-ibig ngunit isa ang aking matitiyak: na maging mga bakla'y marunong umibig.


Sana ay nagustuhan niyo ang munting artikulo ng dalawang ito. Marami pang susunod sa susunod na araw. Sulatan niyo na lang ako kung ano sa palagay niyo ang dapat kong dagdagan o baguhin. Maraming salamat at magandang araw po.


Isisnagawa noong: ika-17 ng Pebrero, 1997
Isinagawa: The WLH Group

1