|
. |
nilalaman
contents |
. |
visual arts |
|
. |
literature |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
. |
this site is
best
viewed with
on 800x600 resolution |
. |
get your free
webpages only at
|
| |
. |
"Ang Daigdig ng Panginginig"
Ginoong Ramuel Mendoza Raagas
Di ba maaring itakwil
Ang Diwa ng Pag-ganti?
Ang mga guro'y suwail.
Lumalawak ang lati.
Bulag ang mga Doktora
sa Bulwagang Rizal.
Patay na kasi ang manggagamot
ng mga mata.
Patay sina Heidegger at Nietzsche.
Si Amang Panaho'y naka-ngisi.
Mga robot
ang mga batang-lansangan,
mga nana ng pagkalimot
ng mga magulang na mangmang.
Buhay ba ay Kawalan?
Hindi naman.
Dahil nariyan ka, ineng.
Hijita, kandong!
Mutya ng sining!
Laglagin ang mga tanong.
Lasengga ng Abenidang Arnaiz,
Tunguhin ng aking pagnanais,
Anghel ng telepono,
Liwayway ng Angono!
Ikaw ang aking paglilingkuran,
hindi ang putanginang lipunan.
Bobo ang masa.
Atin ang buhay na mariwasa. |
ramuel@hotmail.com
http://geocities.datacellar.net/Athens/Oracle/5676
c/o Sunshine Hall, 321-C Katipunan Avenue,
Loyola Heights, Quezon City
Phone# 426-1280
|
|
|