SUBMIT YOUR poems BY CLICKING
p  o  e  m  s
[p o e m s]  [t u l a]
b   a   m   p   i   r   a
Mahilig mag lakwatsa ang ating bida.  Minsan pa nga, inaabot ito ng gabi sa daan dahil kung ano ano ang ginagawa nitong si Resting. Maririnig mo lang minsan na may sumisipol sa hating gabi at akala mo kung sinong maligno na ito.  Pero nakasanayan na rin ng mga taga dito ang sipol at hiyaw nya tuwing maghahating gabi o kaya mag-uumaga na.  Kaya kadalasan ay hindi na naiisturbo o naiinis ang mga tao dito.

Ilang beses ng nasermonan itong si Resting, pero matigas talaga ang kanang ulo. Humihinga nalang ng malalim ang kanyang ama at ina sa tuwing ito ay may nagawang kalokohan. Halos maubos na ang buhok ng kanyang itay sa kakadakdak tungkol sa mga bisyo ni Resting. At naabot na rin ng kanyang ama ang dulo sa kadulohan ng pasenya para sa kanyang anak. Kaya ngayon, itong si Resting ay libreng libre sa kanyang mga bisyo. Wala na syang naririnig sa kanyang magulang o kapatid dahil lahat sila ay punong puno na sa binata.

Tatay   Kailan kaya magbabago ang anak natin?  Lugi na ang negosyo ko dahil sa kanya.
               HIndi  manlang magbanat ng buto. Tumatanda ngang paurong.
Nanay    Naku, hayaan mo na sya.  Balang araw ay magigising rin sya sa kalokohan nya.
Tatay      Bahala na nga.


Habang ang mag-asawa ay nagkwe-kwentuhan tungkol sa problema sa kanilang anak, si Resting naman ay unom ng inom ng alak sa bahay ng kanyang kaibigan.  Puros kantahan at babae ang laman ng konbersasyon nila.

Ambing    Ano na ba ang plano mo sa buhay, ha?  Wala na tayong ginawa kundi mag good time. Ayaw nyo bang baguhin ang takbo ng mundo nyo?
Resting    Ano ba bang buhay ang gusto mo?  Ayaw mo ba ng ganito? Wala tayong ka- proble- problema. May trabaho ka nga, ubos naman sa kung ano't anong gastos. Kaya alam  nyo ba, ayaw ko na ring mag-asawa na yan. Problema rin yan eh.
Andoy       Basta ako, gusto ko ng tahimik na buhay.
Resting    Tahimik???  Lasing ka na nga. Hoy, habang buhay ka, hindi ka matatahimik! Ha-ha! Tsaka babae lang ang mga yan. Kayang kaya natin yan.

Nang maisipan na ng mag kabarkada na umuwi, kanya kanya silang nag lakad patungo sa kani kanilang bahay. Itong si Resting ay mahilig maglakad sa tabing dagat. Maganda daw kasi dito at nakakaaliw pakinggan ang tunog ng alon. Sya sa lahat ng mag barkada ang pinakamatapang, kaya tuloy maski saang sulok sya mapadpad ay wala syang pakialam. Alam nya kasi na kaya nyang dalhin ang kanyang sarili. Ngunit lahat ay may hangganan. AT itong gabing ito ang pagbabago ni Resting na matagal ng inaasam ng kanyang pamilya.

Habang naglalakad ay sumisipol ito ng "maybe first love never ever dies..." at nakakita ng isang napakagandang babae. Ang kutis nya ay ubod ng puti pati na rin ang kanyang suot na magarang damit. Napahiyaw sa tuwa ang binata at nilapitan ang estrangherang babae. Lahat na ng pick-up lines ay ginamit na ni Resting pero wala paring imik ang magandang dilag.

Resting
   Miss, bakit ba kayo naglalakad ng hating gabi sito? Mamaya baka mapaano kayo. Ano nga ba uli ang pangalan nyo?
Babae      Ano ba ang pakialam mo?
Resting    Wala naman. Napakaganda mo kasi para maglakad mag-isa dito.

Sabay hagilap ng kamay ng babae. Nang masilayan ang anyo ng dilag, napatingin si Resting sa kanyang mga labi. Naginig ang binata sa kanyang nakita.  Ang babae ay may pangil na lumabas sa kanyang bibig at handa na itong tuklawin sa leeg si Resting. Biglang umiwas ito at nag wrestling silang dalawa sa dagat.  Sakakahiyaw ni Resting ng tulong ay may ibang taong nakarinig sa kanya.  Agad pinuntahan ang binata sa dagat ng mga ito at ng sila ay makita ng bampira, bigla itong naglaho.

Kinaumagahan, hindi maniwala sa kanya ang pamilya at barkada sa nangyari sa kanya. Pero hindi naman ito importante kay Resting.  Simula noon ay biglang nagbago ang pananaw ni Resting sa kanyang buhay.  Pero lagi syang tinutukso ng barkada at pamilya na salamat nalang daw sa isang bampira at biglang nagbago ang kanilang minamahal na si Resting. Kahit pala bampira ay may silbi rin na mabuti sa mundong ito. 


1