SUBMIT YOUR poems BY CLICKING
p  o  e  m  s
[p o e m s]  [t u l a]
t  i  k  b  a  l  a  n  g
Noong bata pa ako, marami na akong naririnig na mga kuento tungkol sa mga kung ano
anong klaseng maligno.  Lalo na sa probinsya ng mga lolo  ko. Mga matatanda dito ay may kanya kanyang  istorya na akala mo naman ay totoo lahat.  Sa tuno ng mga pananalita nila, maniniwala ka nga. Ako naman ay mahilig makinig ng mga kwento kwento, lalo na kung tungkol ito sa mga nakakatakot na na mga nilalang.  Pero ito ay dahil natutuwa lang ako dahil ang aking imaginasyon ay nahahasa. Hindi ibig sabihin na naniniwala nga ako sa mga kwento.  Hangang sa isang araw...


Mahilig akong umupo sa tabing dagat, lalo na pag palubog na ang araw.  Palaging presko at parang buhay na buhay ako pag nakikita ko ang araw na lumulubog.  Kung minsan ay akong mag-isa lang ang pumupunta sa tabing dagat.  Iyong mga kaibigan at pinsan ko kasi ay
hindi naman mahilig dito.  Nais lang ng mga yun ay ang kumain, matulog, at maglaro
sa tanang buhay nila.  Pero ako, iba ang hilig ko.


Manol     Hoy! Pedro, ano pa ang nakikita mo dyan sa pag lubog ng araw na yan?
                 Hindi ba dapat eh umuwi ka nalang at manood nalang tayo ng Bionic Man.
Pedro      Ok lang ako dito. Marami rin kasing nanonood ng TV kay tita Inday eh. SIge
                 na iwan mo na ako dito.  Ito talaga ang hilig ko eh.
Manol     Sus! Dyan ka na nga. Bahala ka.

Palubog na ng palubog ang araw at ilang segundo nalang ay mawawala na ito.
Tinatanong ko ang aking sarili tuwing nawawala ang araw kung sa ibang sulok kaya ng
daigdig ay lumalabas ito at nagbibigay liwanag.  Hindi ko naman masagot ang tanong ko
at inisip nalang tanugin ang guro ko sa grade II.
Ayaw ko pang umuwi sa bahay  dahil nais kung maramdaman ang simoy ng
malamig na hangin.  Pinikit ko ang aking mga mata at bigla akong nakaamoy
na nakakaiba sa aking paligiran.


Sininghot singhot ko ang aking kapaligiran para malaman kung saan nanggagaling
ang naamoy kung mabaho.  Hindi ko naman makita kung saan nanggagaling ang amoy
pero bigla kung naalala ang amoy ng lolo ko.  Madalas kasing yumupyup ito ng
tobacco.  Tinawag ko ang pangalan ng lolo pero hindi naman ako sinasagot.
Akala ko nga niloloko ako dahil pala biro ang lolo. Pero wala pa ring nangyari
hangang sa ako ay mapikon na at tumayo sa kinauupuan ko.


Paakyat na ako sa isang seawall  at may bumagsak sa tuktok ng ulo ko.
Kinapa ko ito at winaswas.  Nagtaka ako dahil puros abo ang nahulog galing sa aking buhok.
Wala naman kakong sunog sa taas ng niyog.  Bigla namang tumayo lahat ang maliliit
kung balahibo sa katawan.  Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko.  Hindi ko naman
matiis at tumingala ako sa taas ng puno ng niyog.  At sa pagkakataong ito, lahat ng kuento na pumasok sa ulo ko ay biglang nagkatotoo.

Sa pagtingin ko, nakita ko ang isang tao na may ulong kabayo. Sa kanang kamay ay hawak nya ang isang napakalaking tobacco.  Napakalaki nya compara sa isang katulad ko.  ANg kanyang mata ay sumisiga na kasing pula na nagbabagang apoy.  Ako ay parang naging estatwa na hindi makagalaw sa takot.  Tinawag ko na yata ang lahat na santo at paulit ulit akong nagdadasal na sana ay panaginip lamang ang lahat ng ito.

Ngunit wala rin nangyari at nakikita ko ang katawan ko na nanginginig sa takot.  Pinikit ko ang aking mga mata ng ito ay biglang gumalaw patungo sa kinalalagyan ko.  Tumakbo aking sa pinakamalapit na bahay at lahat ay nabigla sa akin.  Tinanong ako ng pinsan kung si Manol kung nakakita nga ba ako ng multo at putlang putla ako.  Hindi ko ito pinansin at dumirecho ako sa lolo ko.  Sinabi ko sa kanya kung ano ang nakita ko sa tabi ng dagat.Natawa lang ang lolo at niyakap ako. 

Lolo   Sabi ko naman sa iyong bata ka na kapag lumubog na ang araw ay umuwi ka na kesamagbabad ka dyan sa tabing dagat.  Nakita ko na rin yan minsan at kung sa tutuusin nga,  naisabit pa ako nyang kaibigan nating yan sa isang puno ng niyog noong ako ay binata pa lamang.  Pero wag kang magalala at mabait naman  yan.  Hindi ka naman gagalawin  nyan hanggang wala kang ginagawang masama.  Kaya ma-suerte ka pa rin.


Tinanong ko si lolo kung ano ang tawag sa nilalang na ito.  At ang sabi nya ay tikbalang daw ang tawag sa kanya.  O ano, hanggang dito nalang ang istorya ka sa inyo.  Ewan ko naman kung maniniwala kayo pero ok lang kung hindi.  Hindi rin nga ako naniwala sa lolo sa ipinagtapat nya sa akin noon.  Pero ang pinagtatakahan ko lang, noong nagkakaisip na ako, ang buong bayan ay alam ang istorya sa nangyari sa lolo ko noong binata pa sya.  Maniwala kaya kayo...


1