Sino ang Philippine heroine na nakalarawan sa 1,000-peso bill? Ang kanyang initials ay katulad ng initials ni Erap -- JE (Josefa Llanes-Escoda). Josefa Estrada. Hindi, L ang middle initial n'ya. Josefa L. Estrada.
Ano ang ginagamit natin para lumutang sa dagat o swimming pool? Clue: Nagsimula sa letrang s (Salbabida). Sirena. Hindi ito babae. Siyokoy. Hindi rin ito lalaki. Siyoke.
Sino ang dating Presidente ng Pilipinas na gingawan ng mambo campaign song ni Raul Manglapus? Clue: Ang initials niya ay RM (Ramon Magsaysay). Rico Mambo. Hindi siya awitin pero tao. R.M. Manlapat. Hindi pa rin. Ang anak niya ay tumakbo at nanalo bilang senador sa halalan nitong taong ito. R.M. Manlapat, Sr.
Anong professional ang kinatatakutan ng mga bata kapag nakikita ito? Clue: It starts with letter D (Dentista). Demonyo. Hindi, ang professional na ito ay may kinalaman sa ngipin. Daga.
Anong hayop sa dagat and ay walong tentacles? Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa Octo (Octopus). October. Hindi, walo nga ang tentacles nito. Octo-walo. Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan. Octoart Dancer. Hindi, nagtatapos sa s ang pangalan nito. Octoarts Dancers. Hindi pa rin. Octomechanix. Hindi pa rin. Octomanuevers.
Sino ang Star of All Seasons ? Si Ate Vi! Ang Concert King of the Philippines ? Si Gary V! Ang favorite shampoo ng lahat? Pantene Pro-V! Ang favorite super robot hero ng mga bata? Si Voltes V!!!! (to be read as Voltes Vee)
What is the national fish of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter b (Bangus). Botete. Hindi, may s sa dulo. Ah, botetes.
Sino ang nanalo ng Miss Universe 1994 na ginanap sa Manila? Clue: Indian siya. Indiana Jones. Hindi. Ang initials ng name niya ay SS (Sushimita Sen). Stella Strada. Hindi, buhay pa siya. Stella Suarez. Hindi siya bold star. Ah, Senator Shahani.
Sino ang international singer na pumunta ng Pilipinas? Clue: Ang initials ng name niya ay LP (Luciano Pavarotti). Lourna Pal. Hindi, lalaki siya at taga-ibang bansa. Elvis Presley. (L-vis Presley) Hindi, Italiano siya. Signore Elvis Presley. Hindi, buhay na buhay siya! Signore Elvis Presley: Live In Manila!
Ano ang national tree of the Philippines? Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang N (Narra). Niyog. Mas matigas pa diyan. (In a strong-sounding voice) Niyog!
Ano ang total ng 2 + 2? Three! Hindi, mas mataas pa diyan. (In a high-pitched voice)Three!
Sino ang National Hero na may estatwa sa Monumento? Clue: Ang initials ng name niya ay AB (Andres Bonifacio). Alex Boncayao. Hindi, nagtayo siya ng samahan na marami ang sumapi. Alex Boncayao Brigade?
Saan binaril si Dr Jose P. Rizal? Clue: B ang simula (Bagumbayan) Sa Back? O sige, pwede rin na ang simula ay L (Luneta). Sa Likod? Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - RP (Rizal Park). Uh, sa Rear Part?
Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo. Clue: Naagsisimula sa letrang B (Beach). Banyo. Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka. Bubong. Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng naka-skimpy bikini. Ah, beerhouse!
What is the National Bird of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter M (Maya). Manok? Hindi, brown ang kulay nito. Ah, piniritong manok. Hindi, mas maliit pa diyan. Chicken Nuggets. Hindi pa rin. Maggi chicken cube!
What is the national animal of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter K (Kalabaw). Kuto. Hindi, palagi itong nakaapak sa lupa. Ah, kutong-lupa.
What is the name of our National Hero? Clue: His initials are JR (Jose Rizal). Jeric Raval.Hindi, duktor siya. Ah, Dr. Jeric Raval. Hindi, patay na siya, eh. Ah, the late Dr. Jeric Raval.
Who is the Concert Queen of the Philippines? Clue: Ang initials -- PF (Pops Fernandez). Pernando Foe. Hindi, mas bata pa sa kanya. Ah, Pernando Foe Jr!
Sino ang pinakahuling artista na gumanap ng Darna? Clue: Ang initials niya ay AA (Anjanette Abayari). Anthony Alonzo. Hindi, babae siya. Alicia Alonzo. Hindi pa rin. Alona Alegre.
What is the National Flower of the Philippines? Clue: It starts with the letter S (Sampaguita). Sunflower. Hindi, binibenta ito sa kalye. Storck (menthol candy). Hindi, bulaklak sabi, eh. Ah, sitsarong bulaklak! Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang A . Sitsarong bulaklak na may suka! O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang S, nagtatapos sa letrang A at kapangalan ito ng isang sikat na singer. Alam ko na: Sharon Cuneta!
Who is the Hero of Tirad Pass? Clue: G ang umpisa ng pangalan niya (Gregorio del Pilar). Diego Silang (pronounced as G-go Silang)..
Pag ikaw ay nalunod, ginagawa ito sa iyo. Clue: M---- to m---- resuscitation (Mouth to mouth resuscitation). Man to man resuscitation. Hindi, ang simula nito ay isang bahagi ng mukha, at ginagawa ito para ikaw ay makahinga. Nose-to-nose resuscitation? Hindi, mas mababa pa sa nose. Neck-to-neck resuscitation. Hindi pa rin. Basta nga, resuscitation ang ginagawa sa iyo at bibig ang ginagamit. Graded oral resuscitation! (Graded oral recitation)
Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? Clue: L ang simula ng pangalan niya (Lifeguard). Lifebuoy. Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito. Safeguard. Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito kapag pinagsama mo ang mga dalawang sagot mo. Safe boy. Hindi siya boy at matipuno nga ang kaniyang katawan. Mr. Clean.
Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre). Carole King. Hindi, lalake siya. Abe King. Hindi, masmababa sa King . Al Quinn. Hindi, Filipino ang apelyido niya. Armida Siguin-Reyna. Hindi pa rin. Mas mababa pa sa Reyna . Bishop Bacani. Mas mababa pa sa Bishop . Johnny Midnight (Knight). Mas mababa pa sa Knight . Jerry Pons (Pawns)? Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang. Sylvia la Torre! Hindi! Nestor Torre?
Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill? Clue: Ang initials niya ay N-A (Ninoy Aquino). Nora Aunor. Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay Y . Guy Aunor? Hindi, dati siyang naging Senador. The former Senator Guy Aunor. Hindi, patay na siya! O Diyos ko! Patay na pala si Nora Aunor . . .
|