Payabangan Blues

Batang Mayabang
Ang tatay ko, pag nagsigarilyo, napapalabas niya sa ilong ang usok!

Batang MasMayabang
Luma siya ng tatay ko. Ang tatay ko, pagnagsigarilyo, labas sa tainga ang usok!

Batang Pinakamayabang
Luma silang lahat ng tatay ko. Ang tatay ko, pagnagsigarilyo, labas sa puwit ang usok!

Batang Mayabang at Batang MasMayabang
Naka! Yabang mo naman! Paano mo naman nalaman?

Batang Pinakamayabang
Kaninang umaga, bago labhan ng nanay ko yung jockey niya, nakita ko may nicotine pa nga, eh!


Tatay na Mayabang
Ako'y tunay na natutuwa sa aking panganay na lalaki. Nagtapos ng Business Administration sa UP at mayroong MBA galing sa Harvard. Ngayon, e Presidente siya ng isang malaking Corporasyon. Sa yaman niya, e, binigyan niya ng isang Mercedes at isang BMW yung isang kaibigan niya.

Tatay na Mayabang Rin
Ako'y galak na galak sa bunso kong lalaki. Nagtapos ng Medicina sa UP-PGH at nag Residency sa Sloan Kettering. Ngayon, e Director for Research siya at kandidato para sa Nobel Prize. Mayaman din siya. Biro mo, yung isang kaibigan e binigyan niya ng apartment sa 5th Avenue sa Manhattan.

Tatay na Nahihiya
Ako'y medyo disappointed dito sa kaisaisa kong lalaki. Nangyari pa e bakla at binabae. Hindi bale nang malandi, e kung sino-sino pang lalaki ang mga kinkasama. Hairdresser siya pero mukha namang mahusay makisama. Yung kaniyang BMW at Mercedes, at yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue e bigay lahat ng mga "boypren" niya.

Kinorek sa Amerika

Napansin nung Tiyo na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong tuloy nung Tiyo, "Hijo, bakit ka umiiyak?"

Sagot nung pamangkin, "Angkol, Angkol..." Madaling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol... Angkel!"

Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikol..." Madali muling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan... Bysikel".

Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol..." Madali na namang kinorek nung Tiyo, "Hijo, hindi Papsikol - Papsikel!"

Tinuloy ulit nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel... en den I pel... now I heb a Bukel..."

Filipino Crewman

Nagbabakasyon sa isang "cruise ship" yung isang pamilyang banyaga. Sa kalikutan nung isang kasama nilang bata ay nahulog siya sa tubig. Balisang-balisa ang ina at walang ibang magawa kundi sumigaw ng paulit-ulit - "Please help my child! He fell overboard! Someone... Anyone... Please help my child!". Lumipas ang ilang sandali - wala pa ring kahit na sinong nagtangkang sumagip sa bata.

Bigla na lang, buhat sa isang mataas na purok nung "cruise ship", isang Filipino crewman ang nakitang naka "swan dive" papunta sa malalim na tubig. Sa taas ng kaniyang pinanggalingan, mahigit na ilang sandali ang lumipas bago lumusong sa tubig yung "Filipino crewman". Ilang sandali muli ang lumipas bago nakita ng lahat na pumangibabaw sa tubig ang ulo ng "Filipino crewman". Palakpakan ang lahat na nakatingin. Lumangoy ang "Filipino crewman" at pinuntahan at sinagip ang nagpupumiglas na bata. Maatikabong palakpakan mula sa lahat ng nanunuod.

Sa madaling sabi, naibalik ang nasagip na bata at ang ating magiting na "Filipino crewman" sa "cruise ship" at madaling naharap sa isang reporter ng 6:00 news sa isang "live interview".

Ipinahayag nung reporter: "You are a true hero - having saved the life of another human being. Is there anything you wish to say to the thousands currently viewing the news?"

Sagot nung "Filipino crewman": "Putragis na mga yun! Papatayin ko silang lahat pag nalaman ko kung sino yung mga tumulak sa akin!"

Andres de Saya

Nagkukwento yung isang kaibigan kong "machong macho"...

Noong inutusan ako ng Misis ko na maglaba na raw ako, sinigawan ko siya "Hindi ako maglalaba!".

Pagkatapos ng ilang minuto ay inutusan ulit ako'ng maglaba. Galit akong sinigawan ko ulit siya "Sabi na sa 'yong hindi ako maglalaba! Ang kulit kulit mo naman!"

Tinanong tuloy noong Misis... "E bakit ba ayaw mo'ng maglaba?"

Sagot noong macho kong kaibigan: "Eh, hindi pa ako tapos ng aking pagpaplantsa!"

d' who-who

A judicial clerk in a small and far-flung provincial court had to translate, from Tagalog to English, the following passage uttered by a witness:

"Pagkatapos ng kung ano-ano ay nagdatingan ang kung sino-sino!"

Confidently and simply, the clerk wrote:

"After the what-what came the who-who!"

Ang Alagang Loro

Tuwang-tuwa at parating pinagmamalaki nung Monsignor yung kaniyang alagang loro.

Wika nung Monsignor, "Itong aking loro ay hindi lang napakagaling magsalita kundi napakabanal pa! Kapag aking hinigit yung kadena sa kaniyang kaliwang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Ama Namin. Kapag akin namang hinigit yung kadena sa kaniyang kanang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Aba Ginoong Maria."

Tanong nung isang aleng nakikinig, "Monsignor, kung sabay mong hatakin yung kadena sa kaniyang magkabilang paa, ano ang kaniyang isasalita?"

Sagot nung Monsignor, "Sapagkat hindi ko pa naisipang gawin yang itinatanong mo, purbahan natin ngayon!" at sabay na hinatak nung Monsignor ang kadena sa magkabilang paa nung loro.

Biglang nagsalita yung loro... "Tangna naman, Padre, mahuhulog ako diyan sa ginagawa mong 'yan, eh!"

Kumander Bertulfo kuno

Napaligiran ng 2 fighter-bomber, 5 tanke, 9 na kanyon at 35 machine guns at 200 mga sundalong naka-Armalite ang isang bahay kubo sa liblib ng isang baryo sa probinsiya. Sa loudspeaker, isinigaw ng Koronel ng mga sundalo, "Kumander Bertulfo, sumuko ka na! Hindi ka makakawala!"

Buhat sa loob ng bahay kubo, isang matapang na sagot, "Hindi ako susuko!"

Inulit ng Koronel, "Sumuko ka na, Kumander Bertulfo, at kung hindi, ay bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka namin."

Buhat sa loob ng bahay kubo, isang lalong matapang na sagot, "Hindi ako susuko!"

Muling inulit ng Koronel, "Huling pagkakataon mong sumuko, Kumander Bertulfo, kundi ay bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka namin."

Muli, buhat sa loob ng bahay kubo, isang pinakamatapang na sagot, "Hindi ako susuko!"

Sigaw nung Koronel sa kaniyang mga sundalo, "PIRE!"

Nagsimulang mag-strafe yung dalawang fighter-bombers, nagpapaputok ang 5 tanke at 9 na kanyon, sabay-sabay nagputukan ang 35 machine guns at ang mga Armalite ng 200 sundalo hanggang naubos ang kanilang mga bomba at bala.

Nang mahawi ang napakakapal na usok, nakita ng lahat na halos walang natira sa bahay-kubo. Nang lapitan ng Koronel ang naghihingalong sugatin sa gutay-gutay na bahay kubo, kaniyang itinanong, "Alam mo namang wala kang kalaban-laban at napakarami naming armas. Bakit ayaw mong sumuko?"

Patawa-tawang sumagot ang naghihingalong sugatin, "Hindi naman ako si Bertulfo, eh..."

>

Tanong at Sagot

Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?" Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!" Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."

Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."

Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!" Bilib na naman ang Doktor.

Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"

MAIN PAGE | MY BIO | RESUME | PINOY Jokes | SPORTS links | PASYALAN | PHOTO GALLERY |FRIENDS on the WEB | HTML TUTORIAL | SIGN MY GUESSBOOK | VIEW MY GUESSBOOK

1