I know this is an old joke, but the way this was written it looks authentic enough to be true... bato-bato sa langit ...
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang Kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
E minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
"Pareng Dan," sabi ni kumpareng tinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Magshopping ka naman sa Mall para malibang ka.
Kun may problema ka, tawagan mo ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina."
Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan.
Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?"
Karipas si Dan palabas dahil sa takot! "Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Shet!" Sakay kaagad siya sa kanyang kotse. Harurot.
Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker. "Sir, pay first please."
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!" Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa payphone. "(Hingal) Kailangang matawagan...ko si kumpare...para masundo niya ako rito (hingal)."
Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, "AT&T may I help you?"
"Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!"
Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman, "Are you done?" (Dan).
Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!"
Nagulat ang tisoy, "Hey, be cool (Bicol), man!"
"Naku! Alam pa kung taga saan ako!"
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na "Dan Balikbayan".
Buti pa ang kalendaryo, may date
Buti pa ang Hersheys, may kisses
Buti pa ang probability, may chance
'Yung ibang tao, wala.
Buti pa ang telepono, hini-hello
Buti pa ang film, nade-develop
Buti pa ang typewriter, nata-type-an
'Yung ibang tao, hindi.
Buti pa ang exams, sinasagot
Buti pa ang problema, iniisip
Buti pa ang assignment, inuuwi
'Yung ibang tao, hindi.
Buti pa ang panyo, nadadantay sa pisngi
Buti pa ang baso, dinadampian ng labi
Buti pa ang unan, yinayakap sa gabi
'Yung ibang tao, hindi puwede.
Buti pa ang kasalanan, napapansin
Buti pa ang salamin, minamasdan
Buti pa ang hininga, hinahabol
'Yung ibang tao, hindi.
Buti pa ang tindera, nagpapatawad
Buti pa ang awit at tugtog, pinagsasama
Buti pa ang sugat, inaalagaan
'Yung ibang tao, hindi.
Buti pa ang lungs, malapit sa puso
Buti pa ang bra, kakabit ng dibdib
Buti pa ang kotse, mahal
'Yung ibang tao, hindi.
Buti pa ang pera, iniingatan
Buti pa ang mahjong, sinasalat
Buti pa ang damo, dinidiligan
'Yung iba diyan, hindi.
Buti pa ang sobre, nadidilaan
Buti pa ang susi, naipapasok
Buti pa ang itlog, binabati
'Yung sa akin, hindi.
Buti pa ang doorbell, pinipindot
Buti pa ang keyboard, napi-finger
Buti pa ang bola, nilalaro
'Yung sa akin, hindi.
Buti pa...
Magtrabaho ka na
At baka masisante ka pa.
Sa isang liblib na bayan sa bicol, lubhang mabagal ang takbo ng buhay -- maalikabok ang mga daan... mahalumigmig ang mga araw... mahaba ang mga gabi. Sa isang taong nakatira roon, di pangkaraniwan ang pakiwari na ang buhay dito ay walang-kabuluhan at walang-patunguhan. Di naman katakataka na gagawin ang lahat ng mga tao roon para putulin ang nakakayamot na kabuhayan paminsan- minsan...... bagamat ito'y nagiging mas madalas yata kaysa sa kinakailangan...
... at sa kaluwagan ng isip ni Padre Prokundato, ang pare- parokya sa bayan ng San Manuel. Napansin niya na ang pinaka- pangkaraniwang ikinukumpisal na kasalanan ng mga kalalakihan doon ay ang pakikiapid o pangangaliwa (adulteri ho yata yun sa ingles?)... Araw-araw, linggo-linggo, yun na lamang ang palaging naririnig ni Padre Prokundato. Nakakatorete na talaga. Naisip- isip niya ... tama na... sobra na... palitan na.
Isang linggo, inakyat ni Padre Prokundato ang pulpito ng simbahan. Nagbigay siya ng isang malawig at nagngingitngit na sermon kung saan kanyang hinimok ang kalalakihan ng San Manuel na baguhin ang kanilang libangan... ehe kabuhayan pala, upang sila'y pagpalain muli... Ngunit hindi rin bulag ang pari sa katotohanang ang tao ay tao at may mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang tukso. Dahil dito at dahil naman talagang sobra nang nakakabugnot pakinggan sa kumpisalan na puro pakikiapid na lamang ang ipinapasiwalat ng mga tao, siya ay nagbigay ng isang payo.
"Uli-uli, kapag kayo ay mangungumpisal sa akin ng pakikiapid, sabihin nyo na lang sa akin, Padre ako po ay nahulog sa tulay ng Binalbalongan at maiintindihan ko na ang ibig niyong sabihin," wika ni Padre Prokundato.
At iyon na nga ang nangyari.
Araw-araw, linggo-linggo, patuloy na marami ang nahuhulog sa tulay ng Binalbalongan... Hanggang sa madestino si Padre Prokundato sa ibang bayan at siya ay palitan ni Padre Paturkuato.
Sa unang buwan ni Padre Paturkuato sa bayan ng San Manuel, siya ay nabahala sa ikinukumpisal ng mga tao roon. Lubhang masyado yatang marami ang nahuhulog sa tulay. Dahil dito, kanyang ipinatawag ang inhinyero ng San Manuel na si Engineer Dimakabilang.
"Engineer, mabuti yata ay inspeksyonin nyo ang tulay ng Binalbalongan" pahayag ng pari.
"Bakit po Father? May problema ho ba?" nalilitong tanong ng engineer.
"Aba eh, mukhang napakarami yata ang nahuhulog sa tulay na iyon" wika ni Father. Ngumingisi na lamang si engineer. Naalala nya kasi ang sermon ng dating pari.
"Wala hong problema doon Father," patawang sagot ni engineer.
Padre Paturkuato: "Anong wala? At tatawa-tawa ka pa! Ikaw din engineer. Noong isang linggo lamang, sampung beses nahulog ang misis mo."
Nalulungkot si Eustaquio tuwing naiisip niya ang kanyang mga kaibigan. Kuwarenta anyos na siya at mukhang wala pa ring patutunguhan ang kanyang buhay. May siyam na taon na ang nakakaraan ng ang huli sa kanyang mga binatang kabarkada ay ikinasal. Maliban sa kanya, lahat sila -- si Porfirio, si Oka, at si Proceso -- ay may pamipamilya na at pumirmi na sa tahimik na kabuhayan.Ngunit siya... si Eustaquio... ang balediktoryan... ang inhinyero... ang utak sa barkada... siya na inaakala ng lahat na magiging pinaka-matagumpay sa kanila... siya ngayon ay tuliro... gulong-gulo... litong-lito... lumbay na lumbay. Napapag-isip- isip niya... mahirap talaga ang mag-isa sa buhay.
Isang araw, habang siya ay naglalakad sa may baybayin at minumuni-muni ang kabuluhan ng buhay, siya ay nasilaw sa pag- aninag ng araw sa isang bagay sa may di kalayuan. Nakakatawag- pansin ang bagay na iyon kaya kanya itong nilapitan. Paglapit, nakita niya sa may buhangin ang isang pagkakinang-kinang at animo'y gintong lampara. Kinuha niya ito, pinagmasdan, at pagkuwa'y kinuskos ang lampara para alisin ang mga buhangin na nakadikit doon.
Laking gulat ni Eustaquio. Biglang kumulog ng pagkalakas- lakas at kumidlat ng pagkaliwa-liwanag. Pagkaraan ng ilang sandali, nag-init ang lamparang hawak-hawak niya at unti-unting lumabas ang pagkakapal-kapal na usok. Ilang sandali pa, nag- anyong tao ang usok. Natakot si Eustaquio... sa harap niya ay limitaw ang isang pagkalaki-laking brusko -- kayumanggi, maskulado, may bigote, may hikaw sa kaliwang tenga at...
... naka-high heels ng shocking na fula...pwe, pula... EEEEEOOOW!
"Vrrroooha ka naman..." nagtititili ang loka. "You made istorvo of my vyuti sleep. Hindi man lang ako nakafag-meyk-ap for my new amo."
"Sino ka?" litong tanong ni Eustaquio.
"Chura ng vruha... hindi ako kilala!... Hindi mo ba napanood ang aking latest hit movie na 'Aladdin'?... Ako si Miguela Mariposa Gondolina Cresencia Eugenia... Genie for short. I'm here to grant your tatlong kahilingan, day!"
Napag-isip-isip ni Eustaquio ang kanyang pangingisa sa buhay. Naalala nya ang kanyang mga kaibigang may mga pamipamilya na at lubhang napakasaya nila... Gaya ni Porfirio... nasa High School pa lang sila ay malapitin na sa mga babae -- may itsura kasi. Hindi naman kataka-taka at maaga itong nakapangasawa. "Alam ko na ang aking hihilingin" napag-isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa una kong kahilingan, gawin mo akong kasing guapo ni Tom Cruise" siguradong-siguradong bigkas ng ating bida.
"Ava... tayf na tayf ko yan" ala-binibining Georgia na sagot ni Genie. "AAAA-la-la-che, a-la-la-chu, AVRAKADAVRA, TIMBUKTU. VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM (saund epek)]
At naging guapo nga ang mokong.
Naging malapitin ang mga babae sa kanya... subalit ilang linggo nga lang ito nangyari. Pagkaraan ng isang buwan, naramdaman niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. Sa mga babaeng nagkagusto sa kanya, wala ni isa man lang ang nagtagal at mukhang nasiyahan na siya ay kasama. Nalito siya. Noon niya naalala ang kanyang kabarkadang si Oka... nasa High School pa lang sila ay malapitin na sa mga babae -- mayaman kasi. Hindi naman kataka-taka at maaga itong nakapangasawa. "Alam ko na ang aking susunod na hihilingin" napag-isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa pangalawa kong kahilingan, gawin mo akong kasing yaman ni Imelda" siguradong-siguradong bigkas ng ating bida.
"Ava... tayf na tayf ko rin yan" ala-binibining Georgia na muling sagot ni Genie. "Siya ang dati kong amo... siya nga ang nagvigay sa akin ng aking red fair of shoeseses. Vueno, matutufad ang iyong kahilingan. AAAA-la-la-che, a-la-la-chu, AVRAKADAVRA, TIMBUKTU. VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM (saund epek)]
At naging mayaman nga ang kumag.
Naging malapitin ang mga babae sa kanya... subalit ilang linggo nga lang ito nangyari. Pagkaraan ng isang buwan, naramdaman niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. Sa mga babaeng nagkagusto sa kanya, wala ni isa man lang ang nagtagal at mukhang nasiyahan na siya ay kasama. Nalito siya. Noon niya naalala ang kanyang kabarkadang si Proceso... nasa High School pa lang sila ay malapitin na sa mga babae... pero hindi niya maintindihan kung bakit -- hindi naman guapo, hindi rin mayaman... pero palaging pinagkakaguluhan ng mga babae. Minsan, kanyang binisita ang kanyang kaibigang si Proceso.
"Ceso, ano ba ang sikreto mo at mukhang masayang-masaya ang asawa mo sa iyo?" tanong ni Yusti. "Hindi ka naman guapo at hindi rin mayaman, pero nasa high school pa lang tayo, pinagpipilahan ka na ng mga babae."
"Pareng Yusti, hindi nakukuha sa gandang lalaki yan o sa dami ng pera. Kung ano man ang kakulangan ko sa itsura o sa bulsa, sya naman ako pinagpala sa aking... ahem... kuwan" mayabang na tugon ni Ceso. "Siyempre pa, hinding-hindi ako ipagpapalit ng aking asawa. Ang sabi nga ng lolo ko, kung anong haba ng iyo, sya ring tagal ng pagsasamahan nyong mag-asawa."
Na-intriga ang ating bida.
"Pareng Ceso, kung hindi mo naman mamasamahin" wika ni Yusti, "gaano ba kahaba ang iyo?"
"Hanggang tuhod, pareng Yusti."
Ting-ting-ting [saund epek ng bells sa isipan ni Eustaquio]..."Alam ko na ang aking susunod na hihilingin" napag- isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa huli kong kahilingan," nagmamayabang bigkas ni Yusti... [ayaw siempreng patalo sa kaibigang Proceso]... "gawin mong kasing haba ng aking paa ang aking pag-aari!... HA HA HA HA HA [patawang ala-Ben David]."
"HAY NAKU, HIHIMATAYIN AKO NYAN" malanding sigaw ni vruha... este, genie pala. "Sigurado ka va, Master Yusti?"
"Oo" walang-pakundangang sagot ni Eustaquio.
"Vueno, matutufad ang iyong kahilingan. AAAA-la-la-che, a- la-la-chu, AVRAKADAVRA, TIMBUKTU..... VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM (saund epek)]
Kaagad tiningnan ni Yusti ang kanya.....
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH" malakas na sigaw ng pobre.
Natupad nga ang kanyang kahilingan: umiksi ang paa ng gago!
Matagal-tagal na ring hindi sila nagkikita na magkakaibigan. Biro mo nga naman, mag-kakabarkada pa sila mula hay skul. May halos labing-limang taon na ang nakakaraan ng huli silang magkasama. Pero ngayon . . . naghahalo ang damdamin ni Filomena sa pagkikita nilang muli. Hindi niya malaman kung siya ay matutuwa o maiinis. Gawa na rin marahil ng matagal na niyang paninirahan dito sa States -- wari niya'y iba na ang pagtingin niya sa buhay. Ayaw na niya sa kaplastikan; ayaw na niya sa mga kasinungalingan; ayaw na niya sa mga patalbugan na madalas nilang gawin nuon.Nuong huli niyang balita, nakapangasawa na si Lourdes ng duktor (isang seruhano daw sa Makati Med), may dalawang anak na nag-aaral sa International School, at nuong isang taon lamang ay nag-Safari ang buong pamilya sa Kenya ng isang buwan. Sa huling sulat naman ni Gloria, nalaman ni Filomena na aktibo daw ito sa mga "charity work" -- asawa kasi ng kongresista sa District 4, at siempre pa, "it is very important that we do our best to help the masses" [halaw ito mismo mula sa sulat ni Gloria].
At siya... si Filomena... ang simpleng asawa ng isang pobreng propesor... ano naman ang maipagyayabang niya sa kanyang mga kaibigan?... Wala!
O wala nga ba?
Hindi naman talaga siya nababahala. Alam niya kasing maligaya siya at matiwasay ang kanyang pamumuhay ngayon. Mahirap paminsan-minsan [sino ba ang hindi?] pero... alam naman niya na iyon na nga ang mangyayari nuong napangasawa niya si Shaquil. Nuong una, tutol na tutol ang kanyang mga magulang na siya ay ikasal sa itim... pero nang kalaunan, lumuwag na rin ang kanilang kalooban. Ewan na lang niya sa kanyang mga kaibigan... "Ano kaya ang iniisip nila?"
Alas-onse y media ng hapon... The Elbow Room sa Plaza... "Winnie, how are you? My god, you still look ravishing"... beso- beso... "Diyos ko, it's so nice to see you again"... blah-blah- blah... "Ay naku, torquoise ba naman ang kulay ng gown ni Ming Ramos sa Congress Ball"... blah-blah-blah... "Binili yan ni Freddie ng mag-tour kami sa Morocco"... taas ang kilay... blah- blah-blah... "Wala masyado. I just stay at home"... yosi yosi... blah-blah-blah...
"For my birthday kamo?.... Ay naku, niregaluhan ba naman ako ng Mercedes convertible. Hindi ko na nga masyadong nagagamit ang Jaguar... pero... you know, I'm really very happy. Napaka- thoughtful talaga ng aking si Freddie. Well, ikaw Glo? What did Ramon give you for your 45th birthday?"
"Ay naku Lou... nakakatawa yang si Monching ko. Binibiro ko lang siya eh, binilhan ba naman ako ng yacht. Ay susmaria, pagkamahal-mahal pa naman ng gasolina sa atin. Pero masaya din. Madalas ko ngang makita si Jaime Zobel ngayon sa club. Nakakatuwa siya... O, ikaw Winnie? What did Shaquil give you for your birthday... anything special?"
"Hindi ko pa alam. Siguro, we'll just have a quiet dinner tonight. Sapat na sa akin yun. You know, Lou and Glo, wala na talaga akong mahihiling pa sa kanya. Kahit anong kotse o yacht diyan, hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking asawa."
Kapuna-puna kay Lourdes at Gloria ang ngisi sa mukha ni Filomena. Naramdaman nilang talaga namang maligaya siya.
"Mukhang napakasaya mo nga Winnie" pauna ni Lou. "Ano ba ang sikreto niyong mag-asawa? Sabihin mo naman sa amin."
"Nakakahiya..." tumatawang sagot ni Winnie.
"Sabihin mo na..." sabay bigkas ng dalawa.
"O sige na nga... Paano namang hindi ako masisiyahan eh... napaka-galing talaga ng aking asawa sa kama" nahihiya na mayabang sagot ni Winnie. "At talaga namang malaki yung kanya... hay-yay- yay."
Nagkatinginan yung dalawa. "Gaano kahaba?" sabay nilang tanong.
"Well... kung nakatayo na yung sa kanya, isang dosenang ibon ang puedeng tumayo doon ng side-by-side."
Biglang nalumbay yung dalawa. Naalala nilang pareho ang kani-kanilang asawa. Parang bigla silang natauhan. Nauna si Lourdes...
"Alam niyo... hindi naman talaga chedeng ang regalo ng aking asawa... toyota corolla lamang ang binigay nya sa akin."
Sumunod si Gloria: "May sasabihin din ako sa inyo... hindi naman tutoong binigyan ako ni Monching ng yacht eh. Itong wrist watch lang ang niregalo nya sa akin."
Hindi mapakali si Filomena... kailangang sabihin din nya ang tutoo.
"Bueno... habang tayo ay nag-re-revelation na ng tutoo, may itutuwid din ako sa inyo" dahan-dahang bigkas ni Filomena. "Hindi naman talaga ganoon kahaba ang kay Shaquil eh."
"Eh ano?" mag-duetong tanong ng dalawa.
"Yung pang-doseng ibon, sa isang paa lang nakatayo."
BLAGAG!
"Male bonding" daw ang tawag doon.Taon-taon, nagtitipun-tipon silang tatlo ng isang linggo upang ipagdiwang ang kanilang pagkakaibigan. Siyempre pa para sa kanila, nagiging isang pagkakataon ang pagtitipon na iyon upang ipagsigawan din nila at ipagbunyi ang kanilang kalalakihan..... upang makipagniig [commune] sa kalikasan at kani-kanilang kalooban..... upang subukin ang hangganan ng kanilang kalakasan at katibayan.....
Noong una, simple lang ang kanilang mga lakaran. Mayroong pumunta sila sa West Virginia para mag-camping sa kagubatan; minsan naman sila ay nag-`white water rafting' sa may Colorado kung saan muntik nang malunod si Manuel. Nang tumagal -- dahil na rin siguro sa pagtanda at lalung-lalo na sa pag-angat ng kani- kanilang kalagayan -- naging mas mapangahas ang tatlo at naging mas mapanganib ang kanilang mga pakikipagsapalaran. Noong isang taon nga lamang, pumunta sila sa may Australia at nag-`deep sea diving' sa mga coral reefs doon. Muntik nang kainin ng pating si Crispin -- listo lang kasi si Melchor, kaagad nitong sinalapang [harpooned] ang halimaw. Kung hindi.....
Pero heto sila ngayon..... Alalang-alala..... Maliligtasan kaya nila ito ngayon? Pinagsabihan na kasi sila ng mga awtoridad na lubhang mapanganib ang kagubatan doon. Hindi pa masyadong nagagalugad [explored] ang lalawigang iyon ng New Guinea kung kaya't hindi nila masabi ang maaasahan. Talagang mapilit lang kasi ang tatlo..... mas kukonti daw ang nalalaman, mas eksayting din daw ang lakaran.
Hmmmp, e di eksayting nga talaga itong gusot na napasukan nila. Iyon!..... naging bihag sila ng mga mababangis na katutubo. Ni hindi pa yata nakakakita ng mga dayuhan ang mga baluga. Hindi naman kataka-taka, ikinulong nila itong ating tatlong bida na animo'y mga baboy-ramo -- nakatali ng mahigpit sa mga posteng kawayan, nasa kulungang gawa sa mga matitipunong baging [vines], at maingat na minamanmanan -- habang ang kanilang kapalaran ay matinding pinagtatalunan ng mga pinuno at mga nakatatanda sa angkan.
Dumaan ang mga oras... isa... tatlo... lima... Butil-butil na pawis ang naglabasan sa nuo nina Crispin, Manuel at Melchor. Nangatog ng husto ang kanilang mga tuhod sa takot at pangamba. Maya-maya, nagsilabasan na ang mga kasapi sa sanggunian [council] ng angkan sa kubong kanilang pinagpulungan at nilapitan ang kulungang kinaroroonan ng mga bihag na dayuhan. Lumapit ang pinuno, hinarap ang kaawa-awang tatlo, at malakas na nagbigkas:
"SAHORAPO OG-GA WAWOTAL. YA PRONGGAKO AWOLONGGA. KORAGOL PALOK U ABONGGA ABONGGA!"
Nagkatinginan na lang ang tatlo [kayo rin naman siguro kung narinig nyo yon, di ba?]. Pagkuwa'y suma-harap ang alalay [side kick] ng pinuno. Nagsalita ito:
"Big chief mad [paunawa: bahagyang nakakapaglakbay sa capitolyo ang alalay kaya nakakapagsalita ng kaunting ingles bagamat baluktot]. Yu distorb village. Naw yu choose -- death?..... or abongga."
Lalong bumilis ang takbo ng kanilang mga puso.
Unang itinuro si Melchor. Bagamat litung-lito at takot na takot na siya, lumitaw sa kanyang isipan ang kanyang pamilya. Bata pa ang kanyang dalawang anak at tanging siya lamang ang inaasahan nila. "Ayaw ko pang mamatay" napag-isip-isip niya.
"Abongga" -- tulirong sagot ni Melchor.
"BANOKA ABONGGA!" sigaw ng pinuno [50 abongga daw].
Biglang nagsigawan na parang tuwang-tuwang ang mga tao pagkarinig nito. Walang kamuwang-muwang si Melchor kung ano ang sasapitin. Kaagad siyang kinuha at marahas na hinila patungo sa kabilang dako ng kagubatan, lingid sa tanaw ng kaniyang dalawang kaibigan.
Maya-maya, naririnig na nina Crispin at Manuel ang mga malalakas na sigaw ni Melchor. Hindi nila mawari ang dinadanas ng kaibigan -- tila matindi pero kakaibang paghihirap ang inaabot nito sa kamay ng mga mababangis na katutubo. Palakas ng palakas ang mga sigaw ni Melchor. Pero pagkaraan ng ilang sandali, parang nawawalan na ng ulirat ang kanyang boses..... hanggang sa tuluyan nang walang marinig ang dalawa kundi ang animo'y masayang pagdiriwang ng angkan.
Pagkagising ng dalawa kinaumagahan, nakita na nila si Melchor sa may kulungan -- walang-malay... sugatan... kaawa-awang pagmasdan. Bago pa man makausap nina Crispin at Manuel si Melchor, heto na naman ang angkan na handa na para sa isa pa sa kanila. Itinuro si Manuel at sabay na tinanong:
"Death..... or abongga?"
"Abongga" takot na sagot ni Manuel.
"BANOKA ABONGGA!" muling sigaw ng pinuno. [50 abongga din daw]. At muling mabagsik na dinala ng angkan ang pangalawang bihag sa dako ng gubat upang isakatuparan ang parusang ibinataw sa kanya.
Habang pinahihirapan si Manuel sa kabilang dako ng gubat, nagising si Melchor at ito'y inalalayan ni Crispin. Binigyan ni Crispin ang kaibigan ng tubig at pagkuwa'y inusyoso tungkol sa sinapit. Hindi makapagsalita si Melchor -- lubhang hirap na hirap ito sa dinanas. Sa pangungulit ni Crispin, sumagot na rin si Melchor --
"Cris, ayaw ko nang mabuhay. Talagang sobra ang ginawa nila sa akin".
"Ano ba kasi ang ginawa sa iyo? Sabihin mo na!"
"Cris... iyong abongga pala ay..."
"Ano?"
"Iyong abongga ay..... sodomy. Hu hu hu..... wala na akong silbing mabuhay pa."
Nag-isip na si Crispin. Mukhang hindi yata niya kaya na ang kayang pagkalalaki ay pagsasamantalahan. Lalung-lalo pa naman na siya ay napaka-relihiyoso [born again kasi] at napakalakas ng kanyang prinsipiyo at paninindigan. "Hindi... hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking karangalan" desididong-desididong napag- isip-isip ni Crispin. "Hindi puwedeng madungisan ang aking kaluluwa at pangalan."
Kinaumagahan, habang si Melchor ay pinalaya na ng angkan at si Manuel ay walang-malay pa rin nakalupaypay sa kulungan, dumating ang angkan para harapin si Crispin. Handang-handa na siya. Siya ay tinanong --
"Death?..... or abongga."
Katahimikan.....
"DEATH!" walang pakundangang tugon ni Crispin.
Biglang sumabog ng matinding pag-iingay ang buong angkan..... maingay na maingay. Pagkuwa'y hinimok ng pinuno ang angkan para manahimik.
"Well then....." pauna ng pinuno. "You have decided [biglang dumeretso pati ang ingles], your wish will be honored..... At sunrise tomorrow..... you shall die.....
..... by ABONGGA ABONGGA!!"
Arekup....
I. Pasimula Tatlong Maria -- Ubod ng ganda Magkakamukha Kambal po sila Si Cora -- Talagang pilya Masayang kasama Palaging tumatawa Si Inday -- Parang patay Palaging malumbay Walang kabuhay-buhay Si Lucy -- Parang pipi Tahimik kasi Wala na 'kong masabi II. Ang Ina Si Donya Eugenia -- Ina ng mga hija Mahigpit ang pag-alaga Sa ating tatlong Maria Ni hindi itinuro Hanggang tumanda ang tatlo Mga bagay sa mundo ..... Bakit kamo? Aba, ewan ko! III. Gabi ng kasal Di tumagal -- Ang tatlo'y sabay kinasal Pero di yata alam ang i-aasal Sa gabi ng parangal [?] Kaya naman..... Sa kani-kanyang pinto Ang Donya ay huminto Upang pakinggan po At mag-usyoso ng husto Sa silid ni Cora Panay ang halakhak "Kay Inday naman kaya?" Aba..... puro naman iyak At kay Lucy -- Ang Donya ay timping-timpi Bakit walang kahuni-huni? Ni "hu-hu-hu", ni "hi-hi-hi" Hmmmmm..... IV. Kinaumagahan Intrigang-intriga Si Donya Eugenia Sabik na sabik -- "Kumusta ang pagtatalik?" Unang tanong, kay Cora -- "Bakit ka kagabi tumatawa?" "Hindi niyo sinabi, mama Nakakakiliti pala!" Sumunod si Inday -- "Puro ka iyak. Bakit ka malumbay?" "Hindi niyo sinabi, nanay Iyon pala'y..... super aray!" Si Lucy, sumunod na tinunton -- "Bakit kagabi, walang kaungol-ungol?" "Di ba sabi niyo inay, mula't sapul: DON'T TALK WHEN YOUR MOUTH IS FULL!" "Careful, careful!"
Isang baranggay ng Tagudin sa Ilocos Sur... liblib... mainit... maalikabok ang mga kalsadang graba... taninam ng mga tabako... in oder words (plis eks-kyos diay ilocano akseynt co), isang maralita at kahabag-habag na purok... animo'y napag-iwanan ng panahon... mas malamang, ipinagsawalang-bahala na ng mga nasa luklok ng kapangyarihan sa Maynila (paano ba naman eh "enemy territory" daw po ito!).
Ang Bida: Eleuterio Ignacio
Traysikol drayber... 48 taong gulang... mairuging asawa at ama sa pamilya... isang masipag at huwarang mamamayan... kadalasang tampulan ng tukso ng mga tuso sa Santa Monica dahil sa isang kapintasan... may diperensiya po kasi sa mata -- siya ay duling...
[ Isang paunawa: dahil sa lubhang pagkaka-abala ngayon ng SCF sa PC, taguriang na lang po natin siyang O.M.U. -- "optically mixed up" ]
Ang Kontrabida: Satur Nilyo
Istambay... 23 taong gulang... balitang isang drug addict... pandak [PC: V.I. -- "vertically impaired"]... pangit [PC: A.C. -- "aesthetically challenged"]... may katabaan [PC: H.E. -- "horizontally enhanced"]...
Ang Kuwento:
Malayo-layo din ang Santa Monica sa bayan. Wala man lang ni isa sa mga taga ruon ang may kotse. May mangilan-ngilan siguro ang may bisikleta... pero kadalasan, traysikol ang sinasakyan ng mga tao papuntang bayan. Maigi sana ito para kay Mang Eleuterio -- lima lang kasi silang traysikol drayber na pumapasada doon. Kaso naman, pagkamahal-mahal na ng gasolina, ayaw pang aprubahan ng pamahalaan ang kanilang petisyon na taasan ang pamasahe. Ano naman ang kikitain nila sa dalawang piso bawat pasahero? Lalung-lalo pa kamo na may mga taong talagang tuso at gusto pang pagsamatalahan ang kapintasan ng ating bida....
....tulad na lang ni Satur...
Hayun... talo na naman sa sabong... malinis ang bulsa maliban sa isang pisong natitira. Paano pa siya makakauwi ngayon?
Sa kasawiang palad, sya namang pagdating ni Mang Eleuterio sa may waiting shed. Biglang nabuhayan si Satur -- bigla siyang nakapag-isip ng isang mapagsamantalang kalutasan sa kanyang kamuhi-muhing kalagayan... isang kalutasang kakasangkap sa pagka- O.M.U. ni Mang Eleuterio.
... at sumakay na nga si Satur...
Masarap sana ang hanging dumadaloy sa kanilang mukha habang nagbibyahe kung wala lang kasamang alikabok. Mainit na nga, may kasama pang libreng pulbo sa pagsakay. Tingnan nyo nga naman ang kasipagan ni Mang Eleuterio...
May sampung minuto rin ang lakbay kaya nakapagkuwentuhan din ang dalawa. Pagkuway, huminto na ang traysikol sa harap ng bahay nina Satur. Bumaba ito sa sasakyan at ibinigay ang PISO sa drayber. Papalayo na si Satur ng siya ay harangin ng ating bida....
"Ops, ops, ops... sandali lang pare ko" pauna ni Mang Eleuterio. "Kulang yata itong ibinigay mong pamasahe ah?".
"NAGPAPATAWA KA BA? ANONG KULANG?" matapang na galit na sagot ni Satur.
"Eh dalawang piso lang itong binigay eh." [talagang dalawang piso nga ang nakikita ni Mang Eleuterio... mukhang makakaloko si Satur]
"O... ANONG PROBLEMA MO? BAKIT, MAGKANO BA ANG PAMASAHE?"
"Dalawang piso!"
"KUNG HINDI KA NAMAN TARANTADO TALAGA OO... EH DI TAMA YUNG BINIGAY KO SA IYO" sumisigaw na si Satur.
"DALAWANG PISO NGA ANG BINIGAY MO" galit na rin si Mang Eleuterio... "EH... NASAAN YUNG BAYAD NG KAMBAL MO!"
la-da-di-da-da
Pahabol:
Kamakailan lamang ay nag-immigrate na ang bida ng kuwento sa States at kasalukuyang nakatira sa Montana kasama ang butihing maybahay at ang kanilang anak na nasa US Navy. Dahil sa katiwasayan na ng kanilang pamumuhay, naituwid na rin ang kapintasan sa mata -- nakakakita na siya ng diretso. Kamakailan din, pinapalitan na rin niya ang kanyang pangalan [Stateside na po kasi] -- ang dating si Eleuterio Ignacio ay siya na ngayong si....
..... Electric Ignition.
cool 'no?
BABALA:
Ang sumusunod na katatawanan ay naglalaman ng "adult sitweyshon" at mga "graphic" na detalye. Datapwat, ang mga menor-de-edad ay mahigpit na pinagbabawalang tumuloy sa pagbasa. Ang mga balat-sibuyas (baka ma-offend), ang mga buntis (baka makunan), at ang mga naghihingalo (baka matuluyan) ay sya namang pinapayuhang kumuha ng karapatang pag-iingat. Ang mga balat-kalabaw, ang mga berde ang pag-iisip, at ang mga taong alipunga sa paa lamang ang diperensya ay puedeng-puedeng tumuloy sa pagbasa.[Batay sa kuwento ni Father Manny (nakuha daw nya ito sa seminaryo)... huwag ako ang sisihin!]
Ang Puno't Dulo ng Lahat
Maraming bata sa bahay-ampunan ng mga madre... meron siguro silang singkwenta. Kung minsan tuloy, hindi magkaugaga ang mga madre kung saan kukuha ng ipapakain sa kanilang mga alaga. Mabuti na lang may mga taong maganda ang kalooban at kadalasan ay nagbibigay ng mga kontribusyon sa kumbento....
Sa araw na ito, si Mr. Gomez, ang may-ari ng pagawaan ng mga delatang "liver spread" at "vienna sausage" sa kabilang bayan ay mawiling nag-abuloy ng isang pagkalaki-laking kabayo sa kumbento para katayin.
Laking tuwa ng mga taga-luto.... isang problema nga lang.... hindi maingat ang kanilang "butcher" (taga-katay ba yon sa tagalog?). Kung saan-saan ba naman pinagtatatapon ang mga dumi.... Hayun, itinapon ba naman ang KUWAN ng kabayo sa may hardin ng kumbento.... lagot kang bata ka!
Ikalawang Yugto
Ang Nobisyada
Laking-kumbento si Sr. Cecilia. Isa siya sa mga unang batang alaga ng mga madre. Ngayon, 20-anyos na siya at naghahanda na para maging isang tunay na alagad ng simbahan -- ito ang kanyang tugon sa haba ng panahong kanyang paninirahan sa kumbento. Ito ang kanyang tahanan.... ito ang kanyang kinabibilangan.
.... At gaya ng nakagawian na niyang gawin, siya ay pumunta sa hardin ng kumbento paglubog ng araw para gawin ang kanyang pang-araw-araw na mga pagdarasal. Mag-uumpisa na sana siya sa kanyang pag-rorosaryo nang matawag ang kanyang pansin sa isang bagay sa may di kalayuan. Nilapitan niya ang bagay na iyon at pinagmasdan ng mabuti....
"Hmmmm.... kataka-taka" napag-isip-isip ni Cecilia. "Ano kaya ito"
Pagkuwa'y pinulot niya ang bagay na iyon at minanmanan ng matagal. Ngayon lamang siya nakakita at nakadama ng ganoon.... mahaba (may isa at kalahating talampakan siguro).... mataba.... at pakiramdam niya'y masarap pisil-pisilin. Tuwang-tuwa siya sa kanyang nadiskubre pero hindi niya mawari kung ano iyon.
"Ah.... alam ko na" biglang naisip ng nobisyada. "Siguradong alam ni Mother Superior kung ano ito."
Tuwang-tuwang nagtatatakbo ang nobisyada papuntang kumbento.... habang ang araw ay patuloy sa paglubog sa abot- tanaw.
Ikatlong Yugto
Ang Madre Superyor
Nasa pang-apat na sorrowful mystery na ng pag-rorosaryo ang Mother Superior ng siya ay mabulabog ng malalakas na katok sa kanyang pinto. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang rosaryo at tinungo ang pintuan para ito buksan.
"Mother, mother..." tuwang-tuwang pasok ni Cecilia, "tingnan niyo itong nakuha ko sa hardin. Alam niyo ho ba kung ano ito?"
Tiningnan ng Mother Superior ang hawak-hawak ng nobisyada. Nanlaki ang mga mata nito. Kinuha niya ang bagay na iyon sa kamay ni Cecilia, pinagmasdan ito ng matagal.... pinisil- pisil.... inamoy-amoy.... at pagkuwa'y.....
"O, DIYOS KO" biglang napasigaw si Mother.....
"ANONG GINAWA NILA SA OBISPO!"
[Maririnig sa isang radyo sa di kalayuan:
"....At ngayon, para naman sa ating balita sa
ibayong dagat.... Si Lorena Bobbitt...."]
Ang Daddy ni Tommy at ang Labandera
Dalawang araw ding nawala si Mrs. Rivera -- may sakit ang kanyang ina at kinailangan dalawin niya ito. Pagbungad pa lang niya sa pinto, nandito na si Tommy at nagtatatakbong sinalubong ang ina.
"Alam mo mommy" pauna ni Tommy "kahapon, naglalaro ako sa closet sa bedroom niyo nang dumating si Daddy. Kasama niya ang labandera -- naghubad sila, nahiga sa kama at ..."
"TAMA NA!" galit na sigaw ni Mrs. Rivera. "Ayoko nang marinig pa ang kataksilang ng iyong ama. Humanda siya. Sige Tommy, pagdating niya mamayang gabi, sabihin mo sa kanya lahat ng sinabi mo sa akin. Hindi ko na talaga masisikmura ito. Palalayasin ko na siya ngayong gabi.... hu hu hu hu!"
Pagdating ni Mr. Rivera, nakita niyang naka-empake na lahat ng kanyang mga kagamitan sa may pintuhan.
"LUMAYAS KA" nagngingitngit na pasalubong ni Mrs. "Isa kang taksil."
"Anong pinagsasabi mo diyan?" kunwaring litong sagot ni Jaime.
"Sige Tommy, sabihin mo sa daddy mo lahat ng sinabi mo sa akin kaninang umaga"
"Eh..." takot na takot na nagumpisa si Tommy "kasi daddy, kahapon, naglalaro ako sa closet sa bedroom niyo ng dumating kayo kasama ang labandera..."
"Sige Tommy" sabat ni Mrs. "Ituloy mo!"
"Eh... kasama niyo nga ang labandera. Tapos... nakita kong naghubad kayo, nahiga sa kama at..."
"Sige Tommy" sabat na naman ni mommy. "ITULOY MO!"
"Noong nandun na kayo sa kama daddy, nakita kong nagkan**tan kayo...
... tulad nina mommy at ang hardinero ng wala kayo noong isang buwan!"
Ache-che-che
[Violent scenes that follow were deleted]
Imelda and the Blue Ladies
August 21, 1985.
Pangalawang anibersaryo ng pagpaslang kay Benigno Aquino.
Magulo na naman ang Maynila gawa ng mga demonstrasyon na pinangungunahan ng mga oposisyon. Maraming tao ang nagpulong sa Luneta upang pakinggan ang mga talumpati ng mga namumuno sa pakikibaka laban sa diktadura. Bagamat alala ang iba na baka supulin na naman ng mga instrumento ng hungkag na pamahalaan ang mapayapang pamumulong, animo'y piyesta sa Luneta sa masayang pagkakaisa ng mga tao.
Nandoong malakas ang kita ng mga sorbetero... nagngingitngit ang pananalumpati ng mga mananalita... masigla ang kantahan ng mga artistang dumalo sa pulong-pulong. Mangyari pa, nagsabog ang mga kulay sa kapaligiran dala ng tingkad ng mga bandila ng mga iba't ibang grupong oposisyon -- nandoon ang UNIDO, LABAN, GABRIELA, ATOM, BANDILA....
Ang lahat ng ito'y hindi lingid sa mga naninirahan sa Malakanyang. Lahat ng ito'y minamanmanang mabuti ng Pers Leydi -- hinding-hindi siya siyempre patatalo sa nalalapit na anibersaryo ng Martial Law sa sumusunod na buwan. Naghahanda na siya para sa isang enggrandeng pagdiriwang sa Rizal Park kung saan makikita ng buong daigdig na "we love the Philippines and the Filipinos still love the Marcoses" (sinasabayan ito siyempre ng mga maluha-luhang mata at susunda ng pagkanta ng "Feelings").
Dahil dito, kahit ilang linggo pa bago mag-anibersaryo, kanya nang pinulong ang kanyang mga abubot (ang mga Blue Ladies) upang balangkasin ang kanilang estratehiya. Nandoong pinaplano na nila ang panghahakot ng mga tao (aba e di nagmukhang disyerto ang Luneta kung hindi nila gagawin ito!), nandoong iimbitahin nila si Amay Bisaya at Imelda Papin para aliwin ang mga dadalo, nandoon ang mga bandang maingay na magtutugtog ng "Ako ay Pilipino" sa huling bahagi ng programa.
Sa kabila nito, lihim na inaamin ni Imelda na kailan man ay hindi niya mapapantayan ang makulay at makabuluhang mga pangalan ng mga grupong oposisyon. Kinagabihan, sa kaniyang pagpulong sa mga Blue ladies, kanyang ipinagtapat ang kanyang hinaing.
"Ladies, we have to come up with a good name for my group. Sa pangalan pa lang ng mga oposisyon ay talong-talo na tayo. Nandiyan ang United Democratic Opposition ni Doy -- UNIDO; ang August Twenty One Movement ni Butch Aquino -- ATOM; ang Lakas ng Bayan -- LABAN. Tayo, ano? KBL! Aba, pinagtatawanan na tayo ng mga tao. Hanggang "Kamatis, Bawang, at Luya" na lang ba tayo. The administration of the husband is so much more than that. Hala, why don't you try to come up with a catchy name for our group at kung sino man ang makakapagisip ng maganda ay reregaluhan ko ng vacation sa Disneyland."
Naging tahimik ang Maharlika Room habang kunot-nuong nag- isip ang mga Ladies. Pagkaraan ang ilang sandali, tuwang-tuwang tumayo ang asawa ng pulitikong taga-Leyte.
"Alam ko na ma'am!" masayang pahayag ng Blue Lady. "How about 'September Twenty One Movement of the Philippines'? Ang acronym -- STOMP!..... What do you think?"
"Hmmm, it's okay" dismayang sagot ni Meldy (masyadong baduy, napag-isip-isip niya). "Ang problema lang, masyadong gaya-gaya sa ATOM. I want something more distinct and really catchy."
Katahimikan uli. Ilang sandali pa, tumayo na naman ang taga-Leyteng Blue Lady (gusto yatang magpalakas kay ma'am).
"Eto, talagang magugustuhan niyo na 'to. How about 'Marcos -- A Hero And Leader'. The unique acronym will be.... MAHAL. Isn't that cute?"
"Ay naku Doring... masyado naman yatang baduy yan" deretsahang pahayag ni Imelda. "Mag-isip pa tayo ng iba!"
Galit na ang Blue Lady na taga-Leyte. Pagkaraan pa ng ilang sandali, tumayo siya uli at nagbigkas....
"Eto, talagang walang mintis na ito... Why don't we just call the group....
Pilipinas...Umaasa Kay Imelda!
[sampalan blues follow]