Patawad aking kaibigan Labis ang aking nagawa; Mali ang mga nasabi at Iba ang naipahayag sa iyo. Masyadong naging makulit, Bumubuntot at nakikialam Sa buhay na sadyang sa iyo; Patawad, patawad ang aking hinihiling. Hindi ko inakala na ganito Ang kalalabasan ng mga nagawa, Nagalit ka at umiwas; Ako ay umaasa na pagbibigyan; patawad. Sana iyong maintindihan Ang nararamdaman ko ngayon; Umaasa ako na makasama kayo At maging kaibigan mo ulit. |