Nalulungkot si Eustaquio tuwing naiisip niya ang kanyang mga
kaibigan. Kuwarenta anyos na siya at mukhang wala pa ring
patutunguhan ang kanyang buhay. May siyam na taon na ang
nakakaraan ng ang huli sa kanyang mga binatang kabarkada ay
ikinasal. Maliban sa kanya, lahat sila -- si Porfirio, si Oka, at si
Proceso -- ay may pamipamilya na at pumirmi na sa tahimik na kabuhayan.
Ngunit siya... si Eustaquio... ang balediktoryan...
ang inhinyero... ang utak sa barkada... siya na inaakala ng lahat na
magiging pinaka-matagumpay sa kanila... siya ngayon ay tuliro...
gulong-gulo... litong-lito... lumbay na lumbay. Napapag-isip-
isip niya... mahirap talaga ang mag-isa sa buhay.
Isang araw, habang siya ay naglalakad sa may baybayin at
minumuni-muni ang kabuluhan ng buhay, siya ay nasilaw sa pag-
aninag ng araw sa isang bagay sa may di kalayuan. Nakakatawag-
pansin ang bagay na iyon kaya kanya itong nilapitan. Paglapit,
nakita niya sa may buhangin ang isang pagkakinang-kinang at
animo'y gintong lampara. Kinuha niya ito, pinagmasdan, at
pagkuwa'y kinuskos ang lampara para alisin ang mga buhangin
na nakadikit doon.
Laking gulat ni Eustaquio. Biglang kumulog ng pagkalakas- lakas
at kumidlat ng pagkaliwa-liwanag. Pagkaraan ng ilang sandali,
nag-init ang lamparang hawak-hawak niya at unti-unting lumabas
ang pagkakapal-kapal na usok. Ilang sandali pa, nag- anyong tao
ang usok. Natakot si Eustaquio... sa harap niya ay limitaw ang
isang pagkalaki-laking brusko -- kayumanggi, maskulado, may
bigote, may hikaw sa kaliwang tenga at...
... naka-high heels ng shocking na fula...pwe, pula...
EEEEEOOOW!
"Vrrroooha ka naman..." nagtititili ang loka. "You made istorvo
of my vyuti sleep. Hindi man lang ako nakafag-meyk-ap for my
new amo."
"Sino ka?" litong tanong ni Eustaquio.
"Chura ng vruha... hindi ako kilala!... Hindi mo ba napanood
ang aking latest hit movie na 'Aladdin'?... Ako si Miguela
Mariposa Gondolina Cresencia Eugenia... Genie for short. I'm
here to grant your tatlong kahilingan, day!"
Napag-isip-isip ni Eustaquio ang kanyang pangingisa sa buhay.
Naalala nya ang kanyang mga kaibigang may mga pamipamilya
na at lubhang napakasaya nila... Gaya ni Porfirio... nasa High
School pa lang sila ay malapitin na sa mga babae -- may itsura
kasi. Hindi naman kataka-taka at maaga itong nakapangasawa.
"Alam ko na ang aking hihilingin" napag-isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa una kong kahilingan, gawin mo akong kasing
guapo ni Tom Cruise" siguradong-siguradong bigkas ng ating bida.
"Ava... tayf na tayf ko yan" ala-binibining Georgia na sagot ni
Genie. "AAAA-la-la-che, a-la-la-chu, AVRAKADAVRA,
TIMBUKTU. VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM
(saund epek)]
At naging guapo nga ang mokong.
Naging malapitin ang mga babae sa kanya... subalit ilang linggo
nga lang ito nangyari. Pagkaraan ng isang buwan, naramdaman
niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. Sa mga babaeng
nagkagusto sa kanya, wala ni isa man lang ang nagtagal at
mukhang nasiyahan na siya ay kasama. Nalito siya. Noon niya
naalala ang kanyang kabarkadang si Oka... nasa High School pa
lang sila ay malapitin na sa mga babae -- mayaman kasi. Hindi
naman kataka-taka at maaga itong nakapangasawa. "Alam ko na
ang aking susunod na hihilingin" napag-isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa pangalawa kong kahilingan, gawin mo akong
kasing yaman ni Imelda" siguradong-siguradong bigkas ng ating
bida.
"Ava... tayf na tayf ko rin yan" ala-binibining Georgia na muling
sagot ni Genie. "Siya ang dati kong amo... siya nga ang nagvigay
sa akin ng aking red fair of shoeseses. Vueno, matutufad ang
iyong kahilingan. AAAA-la-la-che, a-la-la-chu,
AVRAKADAVRA, TIMBUKTU.
VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM
(saund epek)]
At naging mayaman nga ang kumag.
Naging malapitin ang mga babae sa kanya... subalit ilang linggo
nga lang ito nangyari. Pagkaraan ng isang buwan, naramdaman
niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. Sa mga babaeng
nagkagusto sa kanya, wala ni isa man lang ang nagtagal at
mukhang nasiyahan na siya ay kasama. Nalito siya. Noon niya
naalala ang kanyang kabarkadang si Proceso... nasa High School
pa lang sila ay malapitin na sa mga babae... pero hindi niya
maintindihan kung bakit -- hindi naman guapo, hindi rin
mayaman... pero palaging pinagkakaguluhan ng mga babae.
Minsan, kanyang binisita ang kanyang kaibigang si Proceso.
"Ceso, ano ba ang sikreto mo at mukhang masayang-masaya ang
asawa mo sa iyo?" tanong ni Yusti. "Hindi ka naman guapo at
hindi rin mayaman, pero nasa high school pa lang tayo,
pinagpipilahan ka na ng mga babae."
"Pareng Yusti, hindi nakukuha sa gandang lalaki yan o sa dami
ng pera. Kung ano man ang kakulangan ko sa itsura o sa bulsa,
sya naman ako pinagpala sa aking... ahem... kuwan" mayabang
na tugon ni Ceso. "Siyempre pa, hinding-hindi ako ipagpapalit ng
aking asawa. Ang sabi nga ng lolo ko, kung anong haba ng iyo,
sya ring tagal ng pagsasamahan nyong mag-asawa."
Na-intriga ang ating bida.
"Pareng Ceso, kung hindi mo naman mamasamahin" wika ni
Yusti, "gaano ba kahaba ang iyo?"
"Hanggang tuhod, pareng Yusti."
Ting-ting-ting [saund epek ng bells sa isipan ni
Eustaquio]..."Alam ko na ang aking susunod na hihilingin"
napag- isip-isip ni Eustaquio.
"Okay... para sa huli kong kahilingan," nagmamayabang bigkas
ni Yusti... [ayaw siempreng patalo sa kaibigang Proceso]...
"gawin mong kasing haba ng aking paa ang aking pag-aari!... HA
HA HA HA HA [patawang ala-Ben David]."
"HAY NAKU, HIHIMATAYIN AKO NYAN" malanding sigaw
ni vruha... este, genie pala. "Sigurado ka va, Master Yusti?"
"Oo" walang-pakundangang sagot ni Eustaquio.
"Vueno, matutufad ang iyong kahilingan. AAAA-la-la-che, a-
la-la-chu, AVRAKADAVRA, TIMBUKTU.....
VAAAAAAA-VA-VA-VOOM".
[KAPOW... CHIKIIIISH... BLAGAG...KABROOOOOOOOM
(saund epek)]
Kaagad tiningnan ni Yusti ang kanya.....
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH" malakas na
sigaw ng pobre.
Natupad nga ang kanyang kahilingan:
umiksi ang paa ng gago!
[HOME PAGE]
[REFLECTIONS]
[LAFFALITTLE]
[UGAT]
[TABOO SOUNDS]
[GALLERIA]
[E-MAIL]
This page hosted by
Blueprint. GeoCities' zine for homepage help.
Get your own Free Home Page