|
Langis at Tubig
Sharon Cuneta
(titik at himig: George Canseco)
Tubig at langis,
ang katayuan nati'y 'yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis,
ganyan-ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna'y magkaiba
Langis at tubig,
'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang siyang laging nananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba
Tubig at langis,
idarang man sa init, di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis
Bakit nanaig
ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig
Tubig at langis,
idarang man sa init, di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis
Bakit nanaig
ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig
Ako'y langis, ika'y tubig
Ako'y langis, ika'y tubig
|