Magkatapat Na Pag-Ibig |
Minsan
mayroong pag-ibig na nabuo Na labis na nagpagulo sa tahimik kong puso Pati sa isipan ito ay nagpalito Ni hindi ko na alam ang gagawin ko Buong maghapon magdamag pati sa gabi Madalas na ako'y nagtatanong sa sarili Pag-ibig kaya ito tanong ko sa isip Pilit kong kinakapa sa aking dibdib Pag-ibig na ito'y hindi kailanman nawaksi Sa bawat araw at bawat oras ay lalong tumitindi Madalas nangangarap na sana'y mapansin mo Ang pag-ibig na itong nanatili sa puso Lihim kong ito'y nanatiling lihim Hanggang isang araw, ako'y iyong napansin Naging malapit tayo't naging magkaibigan Kaysarap ng nadarama kong kaligayahan Akala ko'y lihim ko'y hindi mabubunyag Hindi ko alam kung sino sa iyo'y nagpahayag Pag-ibig kong ito na pilit kong itinatago Sa isang iglap lang, iyong nabatid at natanto Ngayon tila gumuguho ang aking mundo Minsan naisip kong umiwas na lang sa iyo Ngunit pag-ibig ko palang ito na isinekreto ko't itinatago Ngayon pala'y mayroon katapat na kaligayahan sa puso Nabatid ko ngayon at aking nalaman Ang iyong niloloob at nararamdaman Lihim rin pala pagmamahal mo sa akin Sa takot mo na ika'y hindi ko mapansin Nang malaman mong ikaw pala'y mahal ko Nagkaroon ng lakas at sumigla ang iyong puso Wala na ngayon ang pangambang ipadama sa akin Ang pag-ibig mong minsan ri'y naging lihim Pagmamahalang wagas ngayon ay nabuo Kailanma'y sana huwag nang maglaho Pangako ko sa iyo'y pagmamahal ko'y wagas Pangako mo rin nama'y pag-ibig mo'y hanggang wakas Kaysarap magkaroon ng katapat ang pag-ibig Nadarama mo'y nadarama rin ng kanyang dibdib Ang kaligayahan ninyo'y walang kahulilip Anuman ang mangyari di mawawaksi sa iyong isip Pag-ibig nga naman kung para sa isa't-isa Magwalay man ng landas,sa huli'y kayo rin ang magsasama Anuman ang naisin ng inyong mga puso Buong ligaya't buong tamis itong matatamo... |
Home | Table of Contents | Previous | Next |