Teenstars Movie Magazine
by James tekiko ---april 14, 1999

         Hindi na nga mapasusubalian pa ang patuloy na pagsikat ng nagbibinatang si Carlo Aquino.  Marami nga ang nagkaka-crush sa kanya ngayon.  Cute na cute daw kasi siya at pino pang kumilos.  Pero on his part, ano naman ang katangian ng isang girl para magustuhan niya?

"Gusto ko 'yung babaeng simple lang.  Ayoko po ng maarte. Mas maganda kung long hair, pero kung short puwede na rin.  Isa pa, gusto ko 'yung masarap kausap.  "yung kahit ilang oras na kayong nagkukukwetuhan ay hindi kayo nauubusan ng sasabihin," pagdedetalye pa ni Carlo.

Sa ngayon ay sila ni AngelicaPanganiban ang inila-loveteam.  Kumusta naman ang samahan nila? 

"Magkasundo naman kami.  Hindi kami nagaaway.  Pero madalas kaming magkulitan.  Masarap kasing kulitin si Angelica..."

Pero nabalitaan namin na between Angelica and Camille ay mas crush ni Carlo si Camille, totoo ba ito?

"Opo, totoo na crush ko si Camille.  Pareho naman silang maganda saka mabait. Pero si Camille, mas crush ko, kasi parang dalagang-dalaga na siya while si Angelica naman, parang baby pa.  Pero wala namang magiging problema do'n dahil magkakaibigan naman kaming tatlo.  Lalo pa ngayon na nabigyan kami ng chance na magkasama sa
G-mik every Saturday."

Paano 'yan, si Angelica ang ipinapartner sa iyo, pero ito naman palang si Camille ang crush mo.  Wala kayang maging problema niyan sa loveteam ninyo, if ever?

"Wala naman po siguro. 'Yung loveteam naman namin ni Angelica, hanggang sa TV lang naman 'yun.  'Yon namang sa amin ni Camille, sa totoong buhay.  Pero kung tutuusin, crush lang naman 'yung napi-feel ko kay Camille.  Hindi ko pa naman siya love.  Bata pa naman ako para main-love.  Pero hindi naman ako pinagbabawalan sa aming manligaw."







/clipart/buttons/Generic/back4.gif
1