|
Teen Movie Magazine
by Chanchan Torres--April 15, 1999
Okey din lang kay John kung i-loveteam siya as long as hindi raw magiging awkward tignan. May type nga siyang maging ka-loveteam kaso napunta naman sa iba. Hanggang ngayon kasi type pa rin niya si Paula Peralejo?
"Nawala na rin ang crush ko sa kanya. Ano lang, I still find her very pretty at okey kausap pero hindi na gaya nu'ng dati na kinakabahan pa ako kung nariyan na siya. Saka, na kay Patrick (Garcia) na siya, eh, hayaan na lang po natin 'yun," sabi pa niya.
Nabanggit din minsan sa amin ni Camille na doble raw ang pagka-strict ng kuya John niya kumpara sa daddy niya. Bakit naman, hindi ba niya type na ine-enjoy din ni Camille ang kasarapan ng pagiging teenager?
"Ayoko namang maging masyadong pakialamero or what kaya lang lumalabas talaga ang pagka-protective ko kapag nariyan na siya, eh. Sabi nga ng daddy ko, okey na raw siyang ligawan pagdating ng eighteen. Ang sabi ko naman, kapag twenty one na siya."
Siyempre ayokong mapahamak ang kapatid ko. Saka kabisado ko 'yang mga hirit ng mga lalake kaya ayoko rin siyang maloko. Crush puwede, natural rin lang 'yan, eh. Pero kapag seryoso na, ako muna ang kausapin nila."
|
|