Thanks to Chitoprim for sending this article...

TEEN MOVIE MAGAZINE
December 16, 1999

"ON THE SPOT (Q&A) with Angelica Panganiban"

If you don't have to work a week, what would you do?
Manood, mag-text, tsaka kumain.  Tapos pupunata 'ko sa mall.  At kun papayagan ako ni mama, gusto kong magbakasyon sa Baguio!

If you get trapped with three boys in an elevator for six hours, who would they be?
Tatlo?  Gusto ko si Clint (Moffats), si Nick Carter (Backstreet Boys), tsaka si Troy Montero!  Si Clint, kasi crush ko siya.  Si Nick, kasi cute siya tsaka baka kasi gusto niya kong kantahan pa nasa elevator kami.  Si Troy naman, kasi macho!  Anong gagawin namin?  Wala, magchichika-chika.  Malay mo, ligawan pa nila 'ko!  Hi! Hi! Hi!

If you could be any animal in the whole wide world, what would you be?
Gusto ko bird tsaka fish.  Bird, kasi gusto kong makita 'yung paligid tsaka gusto kong makalipad para parating malami tsaka gusto ko 'yung umaakyat-akyat ng puno, ganon.  Fish naman, kasi gusto kong makita 'yung ilalim ng tubig.  'Yung talaga 'yung dream ko.

What's one thing you can keep doing the whole day?
Mag-phone!  Yun lang 'yon.  Mga kabarkada lang ang tinatawagan ko.  Tapos kahit wala na kaming mapag-uusapan, ganun pa rin, wala lang.  Hanggang sa matatawa na kayo dahil sobrang babaw niyo at ang tagal-tagal niyo nang magkausap...

What's the best gift you've ever received?
Cellphone from mama!  Kasi 'in' ako, eh!  Ha! Ha! Ha!  Tsaka marami kasing uses 'yung cellphone, eh, at gusto ko talagang magkaro'n no'n.

What's your dream role?
Gusto ko kapag teenager na'ko mala-Claudine (Barretto) na'ko, gusto ko na maraming guys 'yung mag-aagawan sa'kin, gano.  (Smiles)  Basta mga pa-cute na roles...

What's inside your refrigerator?
Puro pagkain siyempre...may butter, may cheese...pinaka favorite kong laman ng ref is chocolate!  Ang palagi naman akong meron eh, Yakult.  Basta pa nago-grocery, palagi kaming bumibili ng Yakult.
What's your favorite movie of all time?
Sa ginawa kong movie, 'yung Princess Sarah.  Kasi naging magkasama kami don si Camille (Pratts), tapos dun kami naging close.  Sa hindi ko naman movie, yon Notting Hill!  And ganda kasi ng story eh.  Nakakaiyak na love story, tapos may comedy.

Who do you think are the cuttest male stars in Hollywood today?
Ngayon?  Gusto ko si Leonardo DiCaprio, kasi crush ko siya.  Tapos si Brad Pitt tsaka si Tom Cruise!

Describe yourself in 3 words.  Ako?  Lukaret!  Tapos moody talaga a at saka isip-bata.

Do you believe in ghosts?
Hindi, kasi hindi pa ako nakakakita, eh!  Pag nakakita 'ko, siyempre maniniwala na 'ko.

Who are your closest friends?
Si Camille, tapos sina Shaina (Magdayao), Serena (Dalrymple), sila lang.  Pero ang pinaka-close ko talaga, si Camille!

If you found a genie, what would be your three wishes?
Una kong wish, bigyan niya ko ng extra 10 wishes!  Pangalawa kong wish, magkasama-sama na ulit kaming family, kasi nasa states na nga sila, eh.  Tapos pangatlo, gusto kong yumaman ako as in sobrang yaman talaga!  Eh, di ba may ten pa 'ko ulit na wishes?  Para sa ibang tao na'yon.  Kasi mabait ako, eh!  Hi! Hi! Hi!

What is it about being under 18 that you hate the most?
Kasi hindi pa 'ko puwedeng makaro'n ng boyfriend!  Ha! Ha! Ha!  At saka pinaghihipitan pa, parang baby pa rin.  Siyempre, di ba, kapag 18 ka na, pwede ka nang magdahilan na, 'Ma, 18 na 'ko!  'Yun lang.

How do you see yourself 10 years from now?
Sexy na 'ko!  Yipeee!  (laughs)  Tapos para na siguro 'kong Claudine Barretto.  Pero ayoko n sobrang drama, corny na 'yun, eh.  23 na 'ko no'n.   Eh, di tapos na'kong mag-aral.  Sana nasa showbiz pa 'ko no'n.  Gusto ring maging scriptwriter.  Kasi may mga ginagawa na 'kong stories ngayon, eh.  May comedy, may love story.  'Yung lang.

1