|
Gossip April 5, 1999 By: Liza Endaya
Aliw na aliw naman kami kay Camille Pratts nang marinig naming "dalaga" na siya. Nagi-iyak daw ang bagets nang dumating ang kanyang very first na "dalaw". At natakot daw ang bagets!
Camille is now twelve years old at lalo siyang gumaganda habang nagdadalaga. Kaya naman panay ang pamorma sa kanya nina Carlo Aquino at Stefano Mori na barkada ng kanyang kuya si John Pratts.
Pero mukhang di sila makakalusot kay John dahil bukod sa conservative na ito ay mala-Jaworski rin sa tight guarding sa kanyang sisterette. In the first place, napakababata pa nga naman, nila, 'no! |
|