Florante
Ako'y Pinoy
Pinay
Ako'y Pinoy
Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.
Chorus
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat Jose Rizal noo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
Repeat Chorus
Repeat 1st verse
Pinay
Dapat ka bang mangibang bayan
Dito ba'y wala kang paglagyan
Tungkol sa bebot, dito'y maraming okey
Dito ang kelot ay kulang.
Refrain
Bakit pa iiwanan ang lupang tinubuan
Dito ka natuto ng iyong mga kalokohan
Baka akala mo'y ganon lamang ang mamuhay sa ibang bayan
At kung ikaw ay mag-aasawa
Ang kunin mo ay Pilipina.
Pagkat magaganda ang mga Pinay
Sa bahay man sila'y mahuhusay
Kumustahin kung manamit, okey lang
At kung umibig ay lalong okey ang Pinay.
Repeat Refrain
Pagkat magaganda ang mga Pinay
Sa bahay man sila'y mahuhusay
Kung minsan ay selosa rin ang Pinay
Pagkat ang selos ay tanda lang ng pagmamahal
Ng Pinay.
|