Anak
Bayan Ko
Bulag, Pipi at Bingi
Kumusta Ka
Anak
Nong isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo.
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo.
Ngayon nga'y malaki ka na ang nais mo'y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga'y biglang nagbago naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo.
Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, di mo sila pinapansin.
Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang 'yong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Repeat last line 2x
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Chorus:
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.
Repeat Chorus
Bulag, Pipi at Bingi
Sa bawat yugto ng buhay may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi.
Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.
Chorus
Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal.
Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.
Repeat Chorus
Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid awitan ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.
Repeat Chorus
Di makita, di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal.
Kumusta Ka
Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Sana'y iyong naririnig
Baka ka magising.
Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awit
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na rin.
Chorus
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Parang kapiling ka
Mahal kumusta ka.
Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madadama.
Repeat Chorus
Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y wag mong intindihin
Nakaraos din.
Coda
Kumusta ka aking mahal.