ARMI's JOKES
Maliit pa lang si Armi ay nakakatuwa na, kung magbitiw ng
salita ibang tao'y mapapahiya, gano'n talaga yata pag bata;
matabil, walang sini sino-sino, basta sila alam
nila ang tanong na "bakit," bakit nga kaya, 'no??
Matutunghayan ninyo ang ilan lamang sa mga naalala namin na
masayang balik-balikan pag nasagi sa aming
isipan...nasasainyo na kung sa palagay n'yo eh
nakakatawa...
Sa Kapilya
Dalawang taon pa lang noon si Armi ay maobserba na kaya
minsan nang isama ko sa pagsamba ay makulit na nagtanong sa
akin.
Maaga kami kami noon kaya mangilan-ngilan pa lang ang tao
sa Kapilya at siyempre bata lahat napupuna kaya pakinggan
natin...
Armi: Mama, bakit wala ang Diyos?
(malakas ang
pagkakatanong)
Mama: (nabigla iniisip na baka
naisama sa simbahan si Armi
na lingid sa kanyang kaalaman..at ngayon naghahanap ng mga
rebulto ng santo!!) ...ssshhh huwag malakas ang boses..
Nang biglang pumasok ang ministro kasama ang
diakono...
Armi: (masayang-masaya) Mama,
nandiyan na ang Diyos!!!
Mama: (nabigla at hiyang-hiya sa
katabi na nakarinig na
ngumingiti) ssshh, hindi 'yan ang Diyos, ang Diyos ay hindi
nakikita, Espiritu Siya. Ministro 'yan, hindi siya Diyos!
Armi: (makulit talaga) Mama, si
Kristo nandiyan din pala,
katabi ng Diyos!!!
Mama: (hiyang-hiya na talaga)
hindi, diakono 'yon!!
Hay mahirap talagang magpaliwanag sa bata, pero ngayon alam
na niya na ministro lang ang nakita niya at hindi Diyos,
diakono at hindi si Kristo.
Payabangan
Nagkaroon ng reunion ang Fajardo kaya siyempre nandoon si
Armi (siya ang bida eh) at masayang naglalaro kasama ng
kanyang mga pinsan. Si lola niya este "Mommy" nila ay
natuwa sa tinuran ng isa sa mga apo niya, si Gene-Gene
matanda ng isang taon kay Armi at magtatatlong taon pa lang
si Armi no'n, balikan natin ang kanilang usapan....
Mommy: Gene-Gene, paano nga ang
pagsakay pauwi sa inyo sa Lucena mula dito sa Novaliches?
Gene-Gene: Sasakay po kayo ng bus
diyan po sa kanto tapos bababa po kayo sa Kamuning sa
terminal ng JAC Liner, sasakay po kayo doon ng Lucena
pagdating po sa bayan ng Lucena, sasakay po kayo ng
traysikel at sabihin n'yo po sa drayber na ibaba po kayo sa
may munisipyo sa tapat po ng Iglesia ni Cristo.
Pagbaba n'yo po sa tapat ng Kapilya, buksan n'yo po ang
gate ng Kapilya, pag sarado po ang gate
kumatok po kayo,pag bukas po, buksan po ninyo at pumasok po
kayo sa loob, may makikita po kayong bahay sa may kanan,
ayun..ayun po ... ang bahay ni Ka Cora, hindi po doon ang
bahay namin. Lumakad pa po kayo...sa may kaliwa may
makikita po kayong bahay... hindi pa rin po sa 'min 'yon,
sa may kanan po eh may bahay.. ayun sa amin na po talaga
iyon. Kumatok po kayo sa pintuan at ang mama ko po ang
magbubukas.. doon po kami nakatira.
Mommy: Ang galing naman pero ang
layo pala ng sa inyo ano? Hindi na ba ako maliligaw niyan,
huh. O ikaw Armi alam mo ba ang papunta sa inyo sa Project
4 galing dito?
Armi: (nag-iisip sabay sabi...)
Sasakay po ako ng taxi sasabihin ko po sa Proj.4!!!
ngeee, oo nga naman sa taxi lang eh makakarating na
siya...(kasama niya ang Mama niya), ang yabang 'no?!!!!
Noodles As Usual
Isang umaga, dito na sa California, paalis kami no'n at
nagmamadali kaya kami ni Armi ay nauna ng kumain habang ang
Papa niya ay naliligo.
Armi: Mama ano pong pagkain natin?
Mama: Noodles as usual.
Noodles ang hinain ko at ang natirang ulam ay nakahain pa
sa lamesa. Noodles ang kinain niya, ako naman eh ang
"pangat"...pangatlong init na ulam namin.
Nang matapos na ang Papa niya eh tinanong niya si Armi...
Papa: Armi anong ulam natin?
Armi>: Basta po ako noodles si
Mama "as usual."
ngee akala niya ang "as usual" eh pagkain...aray ko!!!
Lost and Found
November 1996: Three months pa lang kami ni Armi dito sa
California nang pumunta kami sa Knott's Berry Farm (tipong
Enchanted Kingdom sa 'Pinas) kasama
ang dalawang ka airforce na Pinoy ni Arman, sina Gilbert at
Randy. Maraming tao
siyempre libre ang mga military, marami rin kaming napanalo
na mga stuffed toys, isa na doon ang favorite ni Armi na si
"tweety."
Nang pauwi na kami naghuling hirit ang Papa niya sa
basketball shooting ( baka raw makapanalo ng mas malaking
stuffed toy), kaso minalas hindi nanalo kaya desperadong
nagyaya na talagang umuwi. Malapit na kami sa exit gate
nang mamalayan namin wala na pala si Armi. Dali-dali
kaming
bumalik, natakot na baka nag-iiyak
na siya at higit sa lahat baka wala na siya...
Salamat at nakita namin doon sa huling pinuntahan namin,
alam n'yo ba kung ano ang reaksiyon?....
Armi: (hindi
umiiyak..nagagalit pa
sabay sabi...) Kayo ha, iniiwan n'yo ako dito!!!!
May nakakita pala sa kanya at bitbit na siya ng isa sa mga
naglilinis para ireport siya na nawawala.
Mama: Anong sabi ng nakakita
sa'yo?
Armi: (nagkibit-balikat lang)
hmmm..hindi ko po maintindihan...ingles eh!!!!
Naku parang walang nangyari at siya pa ang
nagalit...sabagay
may katuwiran....kami nga naman kasi eh....
|