Biro ng Tadhana


Bakit ba puso'y sumasaya?
Sa tuwing nakikitang lumalapit ka na
Damdamin ko'y sadyang ibang-iba
Ako kaya sa iyo'y umiibig na?

Kapag ika'y nandito na
Kapiling ko aking sinta
Isipan ko'y nalalakbay
Damdami'y di mapalagay

Ano ba ang tunay kong nadarama?
Ito ba'y pag-ibig o isang paghanga?
Marahil sa simula ako'y humanga
Ako'y nabighani sa maamo mong mukha

Ang aking paghanga nauwi sa pag-ibig
Hindi ko na napigil ang kabog ng dibdib
Lagi na lamang ikaw ang laman ng isip
Pati na rin ng pusong sa iyo'y umiibig

Akala ko sadyang tayo ng dalawa
Ngunit bakit ba ikot ng mundo'y nag-iba?
Bakit nga ba ngayon lang nagkakilala?
Kung kailan sa iyo'y may nagmamay-ari ng iba

Bakit nga ba ganito ang kapalaran?
Nagwakas ang kaligayahan, pumalit ang kabiguan
Ngunit siguro nga'y hindi tayo laan
Para sa isang wagas at tunay na pagmamahalan...

Home Table of Contents Previous Next
1