Tayo Pa Rin Kaya?


Ano ba ang kaibahan ng pag-ibig sa paghanga?
Ano ba itong tunay kong nadarama?
Ako'y labis na nababahala pagkat ito'y kakaiba
Ano ba ang nadarama ko para sa kanya?

Ganito ba talaga pag nagbiro ang kapalaran?
Kung anu-ano ngayon itong aking nararanasan
Bakit ako ngayon litung-lito't di malaman?
Itong aking nadarama ay di maunawaan

Tayo bang dalawa tunay bang pinagtatagpo?
Nitong ating kapalarang sadyang mapagbiro
Sabihin mo sa akin pagkat ako'y nalilito
At hindi ko na malaman ang gagawin ko

Ganito rin kaya ang nadarama mo ngayon?
Ako rin kaya ang iyong inspirasyon?
Tayo pa rin ba kaya sa bandang huli?
Tiyak lamang na tadhana ang magsasabi...

Home Table of Contents Previous Next
1